"AYOS ka lang?" Hindi ko alam kung pang-ilang beses na niya akong tinatanong kung ayos lang ba ako kahit na halata naman na hindi. Bukod sa sobrang sakit ng nasa pagitan ng hita ko ay sobrang sakit din ng ulo ko na parang binibiyak. Hindi naman ako lasing, pero bakit ito nangyari? Bakit ako naging marupokpok? Tama nga ang sinabi ko kanina na sa huli na lang ako magsisisi, pero sobrang soon naman! Hindi pa nga ako nakakaalis dito sa resort ay nagsisisi na kaagad ako dahil sa katangahan ko! Ito na nga lang ang puwede kong alagaan, tapos ibinigay ko pa sa hunghang kong ex? Marupokpok talaga! "Mama mo maayos," sarkastiko kong wika sa kan'ya habang nagsusuklay ako ng buhok. Katatapos ko lang kasi maligo at mabuti naman ay dinalhan naman ako ni Mark ng puting t-shirt na dala-dala niya. Nak