"AYOS ka lang ba talaga?" tanong niya, at dahil sa pang-ilang beses na niyang tinatanong 'to, diniinan ko 'yong paglalagay ko ng bulak na may alcohol sa daliri niya kaya naman ay napangiwi siya sa sakit. Pilit niyang inaalam kung ayos lang ba ako dahil bigla akong umiyak kanina, pero ayokong pag-usapan 'yon. Bukod sa natatangahan ako sa sarili ko ay nahihiya ako. Sana pala ay itinapon ko na ang singsing na 'yon noon pa. "Huwag kang magulo. Nagco-concentrate ako," wika ko bago ko inalis 'yong bulak na may alcohol sa daliri niya at dinampi ko na ulit 'yo nang dahan-dahan. Akmang aangal pa siya pero nang tiningnan ko siya nang masama at umamba na parang ididiin ko ulit ang bulak na may alcohol sa daliri niya ay nanahimik na lang siya. Mabuti naman. Hindi ako makapag-concentrate nang dahi