"MABUTI NAMAN at umalis na siya," bulong ko sa sarili ko bago ko binuksan ang bottled water na hawak ko at uminom ng tubig. "Ang ingay talaga niya kahit kailan. Ang kulit-kulit pa." Naiilang talaga ako kapag naaalala ko 'yong nangyari kagabi na mabuti na lang ay hindi na niya naaalala. At mas mabuti na nga 'yon na wag na niyang maalala pa. May appointment talaga ako ngayong alas-diyes, at mabuti na lang ay may fifteen minutes pa naman ako papunta sa isang restaurant na medyo malapit lang din naman dito sa unit ko. Pero okay lang naman para sa akin ang ma-late, kung si Set naman ang dahilan. Agik, hanggang ngayon talaga ay patay na patay pa rin ako sa kan'ya, habang siya naman ay gustong-gusto akong patayin. Napangiti na lang ako habang inaalala ko kung paano magbago ang facial express