"KANINA pa ba ako rito?" tanong ko sa sarili ko nang ma-realize ko na kanina pa pala ako nakatambay dito sa labas ng condo unit ni Mark, at hindi ko man lang namalayan na para na rin pala akong timang dito na nakasandal pa sa pintuan niya. Para tuloy akong gumagawa ng dramatic video dahil sa itsura ko. Ang ipinagkaiba nga lang ay kung ang ibang mga babae sa mga music video ay nakasuot ng mga bonggang damit, ako naman ay naka-pajama lang. Ano kaya ang magandang kanta na babagay sa itsura ko ngayon? Ay, ewan ko sa'yo, Sunset! Kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa utak ko. Makalayas na nga. Maglalakad na sana ako paalis at akmang bababa na sana papunta sa unit ko, pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng unit ni Mark, kaya naman ay kamuntikan na akong sumubsob sa sahig. Mabu