"WALA KA ba talagang balak sumabay?"
Hindi ko alam kung pang-ilang tanong na ito ni Mark sa akin. Hindi lang yata limang beses tinanong ng isang ‘to kung hindi ako sasabay sa kan'ya, eh. Ilang beses na akong tumanggi, pero ilang beses niya pa rin akong kinukulit!
"Wala! Kaya tigilan mo na ako!" sagot ko.
Kung hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong tinatanong, puwes, hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na ba siyang tinatanggihan, at kung ilang beses ko na rin siyang hinahampas sa isip ko dahil nakukulitan na talaga ako sa kan'ya.
Naglalakad-lakad lang naman ako dahil gusto ko sanang mag-relax muna kaya naman ay napunta na ako rito sa parte ng tinitirhan ko na may kalsada, kaya lang ay buntot naman nang buntot itong isang 'to. Kaysa tuloy ma-relax ako ay mas lalo pang nag-iinit ang ulo ko nang dahil sa kan'ya.
"Bakit ayaw mo sumabay? Saka bakit ka nandito? Akala ko ay uuwi ka na?"
Again, nangungulit na naman siya. Napahawak na lang tuloy ako sa sentido ko at minasahe ito nang marahan, hoping na mapapahaba ng masahe na ito ang pasensya ko. Kahit kaunti lang.
"Bakit mo nga pala sinabi kanina na girlfriend kita?" tanong na naman niya. "Ikaw ha, crush mo pa rin ako, 'no?"
Napatigil tuloy ako sa paglalakad dahil sa sinabi niyang 'yon. Napatigil din naman siya sa pagpapaandar niya ng kotse dahil sa bigla rin akong tumigil.
"Ang kapal naman ng mukha mo, ha!" bulyaw ko.
Etchoserong froglet 'to!
Naglakad na lang ako ulit, mas mabilis na kaysa sa lakad ko kanina. Kaya lang, kapag mas binibilisan ko ang paglalakad ko ay mas binibilisan niya rin ang pagpapaandar niya ng sasakyan.
At hindi lang 'yon. Bumubusina pa siya kaya naman pakiramdam ko ay mawawasak na ang dalawang tainga ko dahil sa ingay niya.
"Bakit nga?!"
Again, ‘yan na naman siya. Napakadelikado ng ginagawa niyang pagda-drive dahil nakatingin siya sa akin habang pinaaandar niya 'yong kotse. Hindi talaga siya mabuting mamamayan ng Pilipinas.
"Sinabi ko lang 'yon para layuan ka nila!" sigaw ko habang nakatingin nang masama sa kan'ya. Kung hindi ko rin naman siya sasagutin ay hindi niya rin titigilan ang pagtatanong. "'Wag ka nga! Napaka-assumerong froglet mo, ha."
Nakakairita talaga ang isang 'to. Sarap hambalusin ng sapatos, eh. Confirmed na. Ipis talaga 'to noong past life niya. Siya 'yong tipo ng ipis na palipad-lipad sa kalsada at namemerwisyo sa buhay ng ibang tao.
Dapat nga ay magpasalamat pa siya sa akin dahil kahit papaano ay ipinagtanggol ko siya kanina, pero imbes na magpasalamat siya ay kinukulit niya pa ako ngayon! Ang sakit niya sa bangs!
"Ah, so pinapalayo mo sila kasi nagseselos ka?" tanong niya habang nakangisi.
Awtomatiko akong tumigil sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Ako? Magseselos? The heck, why would I?
"Of course not!"
Kung gusto niya mang makipag-date roon sa batang waitress o kaya naman doon sa talent scout na mukhang scammer ay wala akong pakialam. Magsama-sama silang lahat doon!
"Nagseselos ka, eh."
Napataas ang kilay ko. 'Di ba? Assumerong froglet nga!
"Hindi nga!" deny ko naman. Aba, talagang ipinipilit niya pa ang gusto niya, ah? Baliw na nga yata talaga 'tong isang 'to.
"Bakit ka defensive?" tanong niya
"Bakit ka gago?" pambabara ko naman. Hindi ako magpapatalo!
"Bakit mo ako iniwan?"
"Bakit mo ako niloko?"
Katahimikan ang namayani pagkatapos kong sabihin iyon.
Kung sa simpleng debate nga namin ay hindi ako nagpapatalo, paano pa kaya sa ganitong bagay? Lalo na at sa hiwalayan pa namin! Kung iniwan ko siya, aba, niloko niya ako, hunghang!
One point for me!
"Sumakay ka na."
Iyon na lang ang nasabi niya kaya naman ay napangisi ako at ipinagkrus ang dalawang kamay ko sa dibdib ko bago ko siya tiningnan.
"Ano? Iyan na lang ang masasabi mo? Na sakyan kita?" Nakataas pa ang isa kong kilay nang tanungin ko iyon... na agad ko ring ibinaba nang ma-realize ko kung ano 'yong tinanong ko.
Bobo, Sunset! Ano'ng sakyan mo siya? Bakit parang... bakit parang iba pakinggan?
Ang halay!
"'Yong kotse, Set. 'Yong kotse," mariin niyang sagot sa akin. "Pero kung may iba ka pang gustong sakyan, ayos lang naman sa akin. Willing akong salubungin ka, este i-welcome ka."
"Gago," sabi ko na lang sa kan'ya bago ko itinaas ang middle finger ko at ipinakita iyon sa kanya... na mukhang hindi niya nagustuhan.
"Sasakay ka ngayon o bubuhatin pa kita para makasakay dito?"
"Ha?" tanong ko habang nakangiwi.
Ano'ng bubuhatin?
"Ayaw mo ba talagang tumayo at maligo, Set?" tanong niya sa akin habang nakahalumbaba siya sa harapan ko.
Nakahiga lang kasi ako ngayon at tinatamad talaga akong maligo. Wala namang pasok, eh!
"Ayaw," inaantok na tugon ko. "Patulugin mo muna ako, please? Maliligo naman ako bukas, eh."
"Dugyot," rinig ko pang bulong niya. "Maliligo ka o bubuhatin pa kita?"
"Buhatin mo na lang ako," wala sa wisyong sagot ko dahil inaantok pa talaga ako ngayon. Gusto ko lang humilata sa kama ko buong araw.
Akmang magtatalukbong na sana ako ng kumot nang maramdaman ko ang dalawang kamay niya na pumulupot sa katawan ko. At maya-maya lang, naramdaman ko na para akong lumulutang kaya naman napadilat ako.
Doon ko lang na-realize na binuhat na pala niya ako na parang isang sako ng bigas at naglakad papunta sa CR.
"Madali akong kausap, babe," pagmamalaki niya pa. "Sabi mo ay buhatin na lang kita, hindi ba?"
"Fine!" pagsuko ko. "Sige na."
Dahil wala na rin naman akong magagawa ay agad akong lumapit sa kan'ya at binuksan ko ang pintuan ng kotse niyang itim. Sa harap na kaagad ako umupo dahil kung uupo ako sa likuran ay hindi niya rin paaandarin ang kotse hangga't hindi ako lumilipat.
Ganoon siya kakulit. Ganoon din siya kakulit noong nililigawan niya pa ako, pero ayoko nang isipin 'yon. Nasa past na ang lahat ng 'yon.
"Ayan na, masaya ka na ba?" pagtataray ko sa kan'ya.
"Sobra," nakangisi namang sagot niya kaya nabuwisit lang ako lalo.
Humalukipkip na lang ako at ipinagkrus ang magkabilang kamay ko habang nakatingin lang sa bintana. Kung ma-stiffneck man ako rito ay ayos lang, basta ayoko siyang tingnan. Naiinis lang ako sa kan’ya, eh.
"Saan na ang punta mo ngayon?" Kahit na hindi ko siya tinitingnan ngayon ay alam ko na nakangisi siya. Ramdam na ramdam ko rin na nakatingin siya sa akin.
"Bakit mo ako tiniting—"
Napatigil ako sa pagsasalita ko nang ma-realize ko na ang lapit na pala ng mukha niya sa akin. Nakahawak ang parehong kamay niya sa magkabilang gilid ng upuan ko. Napatigil din siya nang ma-realize kung gaano ka-awkward ang posisyon namin ngayon.
"L-Layo..."
Hindi ko na napigilan ang pagkautal ko nang makita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang bukod-tanging nakikita ko sa mga mata niya ay... pagmamahal.
Pagmamahal at pangungulila.
Bakit? Bakit may pangungulila akong nakikita sa mga mata niya? Bakit siya nangungulila kung siya 'tong nakipaghiwalay sa akin? Siya 'tong nanloko sa akin?
Bakit siya nangungulila kung siya 'tong nagtulak sa akin para iwan ko siya?
Kaya, bakit?
Hindi ko maintindihan.
"Tara, inom tayo," biglaan kong nasabi na nagpabalik yata sa kan'ya sa reyalidad.
"H-Ha?" tanong niya pabalik habang kinukurap ang mga mata niya.
Nagkamali ako. Lutang pa pala siya. Hindi pa siya nakababalik nang tuluyan sa reyalidad.
"Hatdog," pambabara ko. "Ang sabi ko, inom tayo."
"Inom?" pag-uulit na naman niya.
Nairita na naman tuloy ako.
"Bingi ka ba?" tanong ko sa kan'ya bago ko siya inirapan. "Ang sabi ko, inom tayo. Ng alin? Ng alak. Okay na ba? Or ulitin ko pa ulit?"
"Alak?" Natawa siya. "Lakas ng loob mong mag-aya na uminom ng alak, ah. Naging lasinggera ka na ba noong tumira ka sa States? Liberated ka na ba?”
Lumayo na siya sa akin matapos niyang maikabit ang seatbelt ko. Iyon pala ang ginagawa niya kanina kaya lumapit siya sa akin.
Just like the memories, old habits don't die pala talaga, ano? It's been two years, pero ganoon pa rin siya. Buhok lang naman niya at ang bilang ng abs niya ang nag-iba, pero ang ugali niya sa akin ay ganoon pa rin. Makulit pero maalaga.
At habang ginagawa niya iyon, mas lalo lang akong nasasaktan. Nasasaktan ako dahil kada nakikita ko siyang gan'yan ay naaalala ko lang ang nakaraan.
"Hindi ako umiinom doon," pagpapaliwanag ko. "Bawal dahil marami akong trabaho na ginagawa roon. Wala akong oras para magsaya."
May binarayan akong utang.
Gusto ko sanang idagdag iyon pero hindi ko na lang sinabi.
Hindi na siya nagsalita matapos kong sabihin iyon. Nagsimula na lang siyang mag-drive ng kotse niya. Kung saan man siya pupunta ay hindi ko na alam.
Ang bukod-tanging nasa isip ko lang ngayon ay uminom, at makalimot sa lahat ng problema ko... na kasama siya.
Kasama ang taong pinoproblema ko.
Kahit ngayon lang.
"GINAGAGO mo ba ako?"
Hindi ko alam kung ano na ang itsura ng mukha ko ngayon habang nakatingin sa dalawang bote ng soju na ipinatong niya ngayon sa harapan ko.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Ayaw mo ba ng soju? Bibili na lang ako ng bago—"
"Hindi 'yon!" pagputol ko sa sasabihin niya. "Bakit... Bakit dalawa lang? Ano naman ang tingin mo sa akin, weak?"
Natawa siya dahil sa sinabi ko, at napikon naman ako sa kan'ya dahil sa sinagot niya.
"Oo," inurong niya ang katawan niya papalapit sa akin, "baka nga rito pa lang sa isang bote ay malasing ka na."
Binuksan niya ang isang bote ng soju gamit ang swiss knife niya na laging nasa kotse niya bago niya ito ibinigay sa akin.
"Uminom ka na," utos niya. "Tig-isang bote lang ang puwede nating inumin. Uuwi pa tayo. Hindi ba ay trabaho ang ipinunta mo rito? May trabaho ka at may trabaho rin ako. Kaya 'wag ka nang umuungot diyan."
Napairap na lang ako dahil sa dami ng sinasabi niya. Masakit man isipin pero may point talaga siya. Kung iinom man ako nang marami ngayong gabi, it's either makikita ko na kinabukasan si San Pedro, or kung hindi man, baka naman ay masisante ako ni sir Lean kapag hindi ko agad naisaayos ang mga dokumento na kakailanganin para sa expansion dito sa Nasugbu.
"Fine," wika ko bago ko kinuha sa kamay niya ang inaabot niyang alak. "Isang bote lang."
Napatigil pa ako saglit nang mahawakan ko ang kamay niya, pero kaagad ko ring inalis iyon na para bang napaso ako dahil sa pagkakahawak ko sa kan'ya.
Narito kami ngayon sa dalampasigan. Dagat din ito, pero mas malayo ito kaysa sa dagat na tinitirhan namin ngayon. Tahimik ang lugar na 'to dahil kaunti lang ang nakakaalam ng spot na ‘to. Hanggang ngayon pala ay kakaunti pa lang din ang nakakadiskubre ng lugar na ito.
Dito kami tumatambay noon para tingnan ang pagsikat ng araw.
Siguro nga ay ginagago niya talaga ako. Bukod sa isang bote lang ng soju ang binili niya kahit na ang goal ko talaga rito ay gusto kong makalimot, dito na rin ako dinala sa lugar kung saan kami tumatambay dati.
Sa dinami-rami naman ng lugar ditonsa Nasugbu, bakit dito pa?
"Hinay-hinay sa pag-inom," sita niya sa akin nang laklakin ko ang isang bote ng soju sa isang lagukan lang. "Baka sunduin ka na ni St. Peter niyan."
"Ah!" sigaw ko nang maramdaman ko ang kakaibang pait at tapang ng soju sa lalamunan ko. S.hit, ang pait!
"T-Tangina," nauutal na sabi niya habang papalit-palit ang tingin sa akin at sa hawak kong bote. "Puta, inubos mo 'yon?"
"Hindi ba obvious?" naiirita kong tanong sa kan'ya bago ako tuluyang humiga sa sahig.
Pakiramdam ko ay biglang umikot ang mundo. Pakiramdam ko rin ay umiikot ang buong katawan at kaluluwa ko kahit na nakahiga lang naman ako rito sa semento.
"Napakahina ng alcohol tolerance mo tapos ang lakas-lakas mong uminom?" Hindi ko siya tinitingnan ngayon pero nai-imagine ko ang pangit niyang mukha na nakangisi ngayon, at siguro ay nakatingin siya sa akin ngayon na parang hindi makapaniwala sa pagiging walwalera ko. "Siguro ay isinama mo ako rito para maging tagasundo mo, 'no?"
Wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Ang gusto ko lang ngayon ay makatulog. O kung hindi man ako makakatulog, gusto ko lang maging masaya.
Gusto ko lang naman maging masaya.
"Jeremiah," bulong ko sa pangalan niya habang nakapikit pa rin.
"Jeremiah?" nagtatakang tanong niya. "Galit ka ba ngayon?"
"Oo," sagot ko. Hindi ko na malakasan ang boses ko dahil tuluyan na akong dinadalaw ng antok. "Galit na galit ako sa iyo."
Galit na galit ako dahil paano mo nagagawang maging masaya habang ako, nandito pa rin ako sa lugar kung saan niloko mo ako?
Paano mo nagagawang maging masaya habang ako ay nandito pa rin at nakakulong sa nakaraang pilit kong kinakalimutan pero pilit din akong binabalikan?
Tila isang bangungot na kailanman ay hindi ko kayang gumising. Ito ang nakaraang ayaw ko nang matandaan.
"Mahal mo pa ba ako?" Lumingon ako sa kan'ya at idinilat ko ang mga mata ko habang nakahiga pa rin ako sa sahig.
Sumalubong sa akin ang mga mata niyang puno na naman ng pangungulila at lungkot.
Ayan na naman ang mga mata niyang iyan.
"Ay, mali," pagtatama ko sa tinanong ko kanina, "kahit kaunti, minahal mo ba ako?"
Matapos kong itanong iyon ay isang patak ng luha ang lumandas mula sa mga mata ko.
Narinig ko siyang nagsalita pagkatapos noon, pero hindi ko na iyon dahil tuluyan nang dumilim ang paligid ko.