KATAHIMIKAN ang namagitan sa aming dalawa ni Mark sa kalagitnaan ng pag-upo namin habang nakatanaw sa dagat na patuloy sa pag-alon. Katulad ng dagat na hindi tumitigil sa pag-agos kahit na ano pa man ang panahon, ang buhay natin ay parang isang dagat din na hindi tumitigil sa pagtakbo kahit na ano pa man ang mga problemang dumating. Noong naghiwalay kami ni Mark ay akala ko hindi ko na kakayaning mabuhay pa dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Aaminin ko, sinabi ko sa sarili ko noon na gusto ko siyang patayin at gusto ko ng maging miserable rin ang buhay niya katulad ng ginawa niya sa akin, at aaminin ko rin na hanggang ngayon, paminsan-minsan ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Pero ngayon, ang gusto ko na lang ay maging masaya siya. Kung ano man ang naging desisyon niya sa bu