“TANGINANG GAGO talaga ang mokong na ‘yon. Nakakabuwisit!” sigaw ko sa sarili ko habang pinagsisisipa ko ang mga batong nakakalat sa daraanan ko. Hindi na nga maganda ang mood ko tapos may mga bato pang humaharang sa daraanan ko! Pakiramdam ko tuloy ay pinagkakaisahan ako ng mundo dahil lahat na lang ng pasakit ay sa akin na lang ibinibigay ng mundo. Sa bagay, ako rin naman kasi ang may kasalanan. Ako ‘tong nagpatuhog sa kan’ya at ako rin ‘tong pilit pa rin naniniwala sa kan’ya kahit harap-harapan na ngang sinasabi sa akin ng mundo na isa siyang gagong nilalang at siya ‘yong tipo ng lalaki na sasaktan ka lang nang paulit-ulit at gagaguhin ka lang hanggang sa maubos ka na nang tuluyan. Sige, Sunset, ano pa ang ebidensiya na gusto mo para mapatunay mo sa sarili mo na isa nga siyang walk