JUNE 15, 2016 "LANCASTER, Mark Jeremiah." Isang malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa buong lugar nang tawagin na ng professor si Mark para mag-receive ng diploma nito. Finally, after ng ilang taon ay ito na si Mark at masayang umaakyat sa stage kasama si tito para kunin ang diploma niya na pinaghirapan niya ring makuha sa pamamagitan ng pagsasabay niya sa pag-aaral niya at sa pag-duty niya sa library o kaya naman ay sa faculty. "Congrats, mahal!" sigaw ko sa kan'ya kahit na alam ko naman na hindi maririnig dahil na rin sa lakas ng graduation song na ipinapatugtog sa bawat sulok ng lugar na ito. Dito lang din iginanap sa school namin ang graduation nila, pero para sa amin ay ayos lang naman iyon dahil hindi naman 'yong lugar ang ipinupunta namin kapag mayroong graduation. Ang dip