WHAT THE... What the pack! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil naka-underwear lang ako ngayon. Nanatili lang akong nakanganga habang nakasilip sa ilalim ng comforter ko. Anyway, gusto ko sanang purihin ang cute na underwear ko dahil ang design nito ay si stitch, kaya lang ay hindi ito ang oras dahil may ibang bagay akong dapat isipin sa ngayon. Ito ang oras para imbestigahan ko kung ano ba talaga ang nangyari sa akin kagabi. Sure naman ako na nakatulog ako kaagad pakatapos kong laklakin ang isang bote ng soju, eh. May nangyari pa kaya pagkatapos noon? Kung mayroon man, bakit wala man lang akong maalala? Ang sabi ko ay gusto kong makalimot, pero ngayon ay gusto ko na ulit makaalala?! Ano'ng nangyari kagabi, at bakit hindi ko iyon matandaan?! Well, iniisip ko na bak