LAKAS SILANGANAN “AYAW KO MUNA, Hiyas. Masakit pa ang katawan ko,” pagsisinungaling ko. Hindi ko muna sasabihin sa kanya na ayaw ko na at balak ko ng itigil ang ginagawa namin. Mag-iisip muna ako ng tamang gawin kung paano ko sabihin sa kanya na hindi na siya kailangan pang magtanong kung sino ang babae na gusto ko. Napag-usapan na namin noon na kung may kasintahan ang isa sa aming dalawa ay pwede na namin itigil ang ginagawa namin. Kaya ang sigurado ako, kapag sabihin ko na sa kanya na itigil na ang ginagawa namin ah magtatanong talaga siya sa akin kung sino ang babaeng gusto ko. Hindi ko ikinakahiya si Madam. Kung pwede ko lang ipagsigawan sa buong na mundo na may puwang siya rito sa puso ko ay gagawin ko, pero hindi pwede dahil marunong akong tumanaw ng respeto sa desisyon ng tao kay