LAKAS SILANGANAN NAKATULALA AKO HABANG ninanamnam ang mensahe ni Madam sa akin. Gusto ko man sana siyang sagutin sa sinabi niya sa akin pero heto ako at nakatunganga habang nakatitig sa kisame. Nawala naman ang ngiti ko nang may dalawang butiki na nagtatalik. Aba! Hindi rin bastos, ah? Hindi man lang marunong mag-adjust. Hindi ba pwedeng doon sila sa tagong lugar? Pero dahil mabait naman akong tao, chance—hahayaan ko lang kayo Pero sa totoo lang, ang lakas ninyong maka-sana all. Kasi ako rito, virgin muna. Kailangan ko muna magpigil dahil hahanapan ko pa ng magandang lugar si Madam sa muling pagtutuos namin sa kama. Hindi nagtagal, napangiti na ako sa katotohanang mahal ko na pala talaga si Madam. Dahil kung hindi ko siya mahal, hindi ko matatanggihan si Hiyas na may mangyari sa aming d