SIMULA
SIMULA
“LAKASSS!” pagtawag ni Madam Liyab.
Napatigil ako sa pagkain nang sumigaw ang masungit kong amo. Agad akong napatayo at pinuntahan siya. Napakagat labi naman ako nang makita ang suot niyang pampatulog. Iyon ay isang pulang lingerie na sobrang bagay sa kanya. Sa totoo lang, kahit nasa edad kuwarenta na siya ay para pa rin siyang bagong sibol na dalaga.
“Napatulala ka?” inis na tanong ni Madam sa akin.
“H-hindi po,” pagtanggi ko.
Bumuntonghininga siya. “Bukas. Maaga kang gumising. May pupuntahan tayo.”
“Sa kumpanya ninyo po?” tanong ko.
Inirapan niya ako. “Huwag ka ng maraming tanong. And take note, magdala ka ng mga gamit mo. Good for two to three days.”
“Okay po. Sorry, Madam.”
“Bumalik ka na roon,” masungit niyang tugon. Ang sungit na talaga.
Tumango na ako at agad na bumalik sa mesa. Hindi pa kasi ako tapos kumain nang tinawag niya ako kanina. Agad na akong nag-slice ng steak dahil isa iyon sa mga paborito ko. Ang maganda rito sa mansion, kahit masungit si Madam ay hindi siya maramot sa pagkain. Kung ano ang pagkain nila ng mga anak niya, ganoon din sa amin na kasama nila sa bahay.
Bente dos na ako at nag-aaral pa habang nagtratrabaho rito bilang isang hardenero. Mabuti na lang ay sanay na akong magdilig ng halaman dahil iyon ang kinagisnan kong trabaho sa bahay. Hindi lang iyon, magaling din akong mag-alaga ng mga iyon. Kinakausap ko nga pa sila at epektibo raw iyon para mas mamumulaklak sila.
Habang kumakain mag-isa, dumaan sa harapan ko ang anak ni Madam. Magkasing-edad lang kami. Magandang babae iyon na may balingkinitang katawan. Nang lumingon siya sa akin, kinindatan ko siya sabay kagat sa aking labi.
Napangiti naman siya sabay senyas sa akin na lumapit papunta sa kanya. Agad naman akong tumayo dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Pero bumalik ako sa mesa para dalhin ang kalahati ng steak na hindi ko pa naubos. Gusto ko rin na maging props iyon sa gagawin namin na kakaiba. Iba!
Papasok na si Hiyas sa storage room ng bahay nila, katabi lang sa kusina. Bago ako pumasok, sinigurado ko munang walang makakakita sa amin. Pagpasok ko sa loob, nakahubad na siya ng damit habang nakaupo sa isang upuan. Agad naman akong tinigisan dahil sa katotohanan na muli ko na namang matitikman ang katawan niya. Hindi ko kasintahan si Hiyas, pero ginagawa namin ang bagay na iyon dahil hiniling niya iyon sa akin. May pangangailangan din ako kaya pabor ako sa gusto niya. Hindi na ako lugi roon dahil nabibigyan niya ako ng nakamamatay na ligaya. Ang galing niya sa kama. Iba!
Sa totoo lang, si Hiyas ang unang babaeng natikman ko at sa kanya na rin ako natuto. Sinanay niya ako. Binago niya ang pananaw ko.
“What’s that?” tanong ni Hiyas nang makita ang steak sa kamay ko.
Ginalaw ko ang steak. “Kumakain pa ako, ’di ba? Tinawag mo ako. Kaya napahdesisyunan kong rito na lang ipagpapatuloy ang hapunan ko para dalawa na kayong potahe ko. Iba!”
“Ang guwapo mo talaga,” aniya sabay hawak sa mukha ko. Hinaplos niya iyon nang may pagnanasa. “Come inside me, Lakas. Now.”
Lumapit ako sa kanya at hinayaan ang sariling hubaran niya ako. Nang tagumpay niyang matanggal ang damit ko, ipinahid ko na sa katawan niya ang steak na bitbit ko. Napatawa naman siya sa ginawa ko.
“At kailan ka pa naging scientist, Mr. Lakas?”
“Ngayon lang,” nakangiti kong sabi.
Ipinagpatuloy ko na ang pagpahid ng steak sa buong katawan niya habang ang kamay niya ay abalang itinanggal ang suot kong shorts. Nang hinawakan niya ang sandata ko, hindi ko mapigilang mapakagat-labi. Ang lambot kasi ng kamay niya at ang init. Iba!
Ihininto ko muna ang ginawa ko sa kanya at ako na ang tuluyang naghubad ng aking suot pang-ibaba. Nang makita niya ang hubo’t hubad kong katawan, nakita ko sa mukha niya ang pagkatakam.
Ang sabi ng iba, ipinagkaloob raw sa akin ang perpektong mukha kaya maraming naghahabol sa akin. Pero para sa akin, simple lang naman ang mukha ko, tao pa rin. Pero baka isa na rin sa dahilan kaya ganito ang itsura ko ay dahil may dugo akong Portuguese. Iba!
Dalawáng pû't tatlo na ang lumipas, nabuntis si Mama ng anak ng amo niya noong nagtatrabaho siya sa Portugal. Pero sa kasamaang palad, hindi niya kami pinagutan. Pinalayas din si Mama ng buong pamilya ng ama ko nang malamang buntis siya. Wala naman siyang nagawa at umuwi na lang nang walang-wala rito sa Pilipinas na ang tanging bitbit, ako na nasa sinapupunan niya at pighati sa puso niya.
Mahirap lang ang buhay namin at may dalawa akong kapatid kaya nagsusumikap ako sa pag-aaral habang nagtatrabaho rito sa mansion ni Madam.
Muling nang hinawakan ni Hiyas ang malusog kong sandata, dahil nakaupo siya sa harapan ko, malapit lang sa bibig niya iyon. Hindi naman siya nagdalawang-isip na subuin iyon. Ganoon na palagi ang ginagawa niya sa akin. Mukhang nakahiligan na niyang gawing lollipop ang sandata ko.
“Ahhh,” ungol ko nang maramdaman ang init ng lalamunan niya.
Napakagat-labi naman ako nang iginalaw niya ang kanyang magaspang na dila. Ang sarap! Hanggang ngayon, hindi ko mapigilang hindi mamangha sa taglay na galing ni Hiyas sa larangang ito. Kung sa sports—varsity siya. Ang akala ko talaga noong una kaming nagkita, santa siya. Pero napag-alaman ko na lang na iba siya. Hindi pala siya ganoon. Nasa loob ang kulo niya. Isang araw, nagising na lang ako na nakapatong na siya sa akin. Hindi naman ako nakatanggi dahil iba ang epekto ng ginagawa niya sa akin.
Habang sinusubo niya ang alaga ko, kinakain ko naman nang dahan-dahan ang steak sa kamay ko. Nguya at ungol, iyan ang dalawang salita na ginagawa ko ngayon. At sa mga oras na iyon, napagtanto kong masarap pa lang ipagsabay iyon.
Nang kunti na lang ang natira sa steak na kinain ko, may magandang ideya ang sumagi sa isipan ko. Ipinatigil ko muna siya sa ginagawa niya at lumuhod ako sa harapan niya.
“What?” natatawa niyang tanong.
Ipinakita ko sa kanya ang tirang steak. “I guess, iyong katas mo ang pinakamasarap na gawing sawsawan.”
Matapos kong masabi iyon ay ipinasok ko ang aking daliri sa basang hiyas niya. Dahil ako si Lakas at may taglay akong lakas, binilisan ko ang paglabas-pasok dito. Nang nagsilabasan ang kanyang puting likido, sinawsaw ko rito ang steak at kinain. Halos maduling naman ako sa sarap na dulot niyon sa akin. Matamis na karne ng baka na may halong mapaklang katas niya ay walang katulad. Iba!
Muling kong isinawsaw ang natitirang karne sa basang hiyas niya, at katulad kanina, wala pa rin pinagkaiba ang sarap na dulot niyon sa akin. Nang maubos ko na ang karne, putahe niya naman ang susunggaban ko.
Sa ingay ni Hiyas, pinulot ko ang salawal ko sa sahig at nilagay iyon sa bibig niya. Sa sandaling iyon, malaya na akong gawin ang gusto ko sa kanya nang walang bahid na pangamba na baka may makarinig sa amin mula rito sa loob ng storage room.
Minuto ang lumipas, tumayo na kaming dalawa ni Hiyas. Pinatalikod ko na siya habang nakahawak siya sa isang lalagyan ng mga gamit. Balak ko kasing tirahin siya patalikod dahil iyon ang isa sa pinakaborito kong posisyon. Gusto ko kasi na habang bumabayo, minamasahe ko ang malambot niyang dibdib.
“Ihanda mo na ang sarili mo, Hiyas. Kilala mo ako,” pagpapa-alala ko.
Matapos niyang tumango ay ibinigla ko ang pagpasok sa masikip niyang hiyas. Gusto man niyang sumigaw, pero hindi niya magawa. Nasa bibig niya pa rin kasi ang salawal na nilagay ko kanina. Mabilis akong bumayo dahil nanggigigil ako. Pero napatigil ako nang marinig ang yabag ng mga paa na papunta rito sa amin. Mabilis pa sa tigreng pinulot namin ni Hiyas ang aming nagkalat na gamit sa sahig. Nagtago naman kami sa isang gilid na lalagyan ng mga alak.
Habang nakadikit sa pader si Hiyas, muli kong ipinasok ang aking malusog na sandata rito. Kahit alam kong may pumasok at papunta ito sa kinaroroonan malapit sa amin, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbayo. Hindi naman kami maririnig dahil maingat naman ako. Magaling ako. Iba!
Hinihingal na ako, pero dahil hindi pa rin ako nilabasan, walang tigil pa rin ako sa pagbayo.
Hangang sa...
“Ahhh!” kontrolado kong pag-ungol nang tagumpay akong nilabasan.
Ipinahid ko ang aking sandata sa likuran ni Hiyas habang nilalagyan nang maraming kissmark ang leeg niya. Ako si Lakas at nag-iiwan ako ng lagda sa babaeng pinaligaya ko. Iba!
Dinapuan naman ako ng kaba nang may boteng nahulog. Ano ang gagawin namin? Mahuhuli na kaya kami? Paano kung oo? Mawawalan ba ako ng trabaho? Paano ang pag-aaral ko?
Papalapit na sa amin ang mga yabag ng paa hanggang sa...
“Madam, may tumatawag sa telepono,” sambit ng isang lalaki.
M-Madam? Lagot kami ni Hiyas kung sakaling mahuli kami. Sana naman may himalang mangyayari.
“Lalabas na,” sagot ni Madam.
Nang marinig naming lumabas si Madam, itinanggal ko na ang salawal sa bibig ni Hiyas. Naghahabol naman siya sa kanyang hininga at hindi ko siya masisisi roon. Nasalanta lang naman siya nang hagupit ni Lakas at muntikan pa kaming mahuli.
Nagsimula na kaming magbihis ng aming mga kasuotan.
“Salamat, Lakas,” masayang sabi ni Hiyas habang inaayos ang suot na bra.
“Walang anuman, binibini. Mauna na akong lumabas. Mag-ingat ka sa paglalakad. Alam kong iba ang tama mo ngayong gabi,” pagpapaalala ko.
Nang matapos na akong magbihis, diretso na ako sa tapat ng pinto. Pero bago ako lumabas, sinigurado ko pa rin na walang tao.
Nang tagumpay akong makalabas ng storage room, bumalik na ako sa kusina. Nandoon pa rin ang pagkain sa mesa. Mabuti na nga lang walang ibang taong nagligpit. Nakahihiya rin kasi.
“Ano pa ang ginagawa mo riyan, Lakas?” malamig na tanong ni Madam.
Parang namang kabote si Madam. Bigla-biglang sumusulpot. Natatakot na rin ako minsan.
“Nagliligpit na po,” sagot ko.
“Baligtad ang shorts mo. Baka maligaw ka sa ibang kuwarto,” aniya.
Napatingin ako sa ibaba ko. Agad ko namang tinakpan ang gitnang bahagi niyon dahil nanatili pa rin iyong nakasaludo. Ang tanga ko! Hindi ko man lang sinigurado ang suot ko bago lumabas. Iba.
Tiningnan ko na lang si Madam at nginitian kahit alam kong susungitan lang niya ako. At tama nga ako dahil tinaasan lang niya ako ng kilay bago umalis. Kumuha lang pala siya ng saging sa mesa. Sana sa susunod, saging ko naman ang kanyang kunin. Matapos kong naisip iyon, napatawa na lang ako. Napagtanto ko kasing wala akong pinatawad. Kahit may edad at biyuda. Iba!
Bumukas ang storage room. Iniluwa roon si Hiyas na tabinging naglalakad. Palagi na lang siya nagkakaganyan kapag may mangyayari sa aming dalawa. Siguro dahil masikip iyong sa kanya at malaki ang akin. Baka itong laki na meron ako, para sa may mga anak na? Maluwag? Si Madam? Biyuda? Iba!
Muli akong humagikgik dahil para na akong sira rito sa kinatatayuan ko. Matapos kong magligpit ng mga kubyertos, hinugusan ko muna iyon. Pagkatapos, dumiretso na ako sa aking kuwarto para matulog.
•••
NAGISING AKO NANG marinig ang lakas ng tunog na nagmula sa telepono. Agad ko iyong inabot kahit nakapikit pa ang mga mata ko. Inaantok pa ako dahil napagod ako kagabi.
Nang maabot ko iyon. “Natutulog pa po ang tao. Disturbo!”
“Sorry, boss,” malamig na sagot ng isang babae na nagpabangon sa akin—si Madam.
Agad akong dumiretso sa banyo at nagmadaling maligo. At nang natapos, nagmadali rin na nagbihis. Dahil si Madam Liyab ang kasama ko, kailangan kong magsuot ng pangmalakasang damit ko. Kinuha ko ang long sleeves na kulay rosas sa cabinet at kulay abo na khaki pants. Inabot ko naman ang docksider sa ilalim ng kama ko. Nang masuot ko na ang lahat ng kailangan ko. Humarap muna ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Ang guwapo ko lang ngayon. Iba!
Nang pakiramdam kong may kulang, binuksan ko ang tatlong botones ng aking suot na polo para makita ang makisig kong dibdib. At nang naalala ko naman ang kuwintas na binigay ng aking mama sa akin, sa ama ko raw iyon. Isinuot ko iyon. Gawa iyon sa isang pilak kaya kumikintab iyon kapag natatamaan nang kahit anong liwanag. Iba!
Nang natapos ako, lumabas na ako mula sa kuwarto. Nagtinginan naman lahat ng kasambahay habang naglalakad ako. Kinindatan ko naman sila bilang ganti sa tahimik na papuri nila sa akin. Alam ko na sa mga titig nila, nagustuhan nila ang itsura ko sa araw na iyon.
Bumilis naman ang pintig ng puso ko dahil sa kaba nang paparating ako sa kinaroroonan ni Madam. Nakatalikod siya ngayon sa akin pero alam kong umuusuk na ang ilong niya sa inis. Paglingon niya, tinitigan niya ako mula sa aking ulo hanggang sa paa. Napayuko na lang ako habang nagnanakaw ng tingin sa kanya gamit ang aking kanang mata rito.
“Mukha ka ng tao,” matipid niyang sabi sabay lakad palabas ng mansion.
Kinuha ko na ang gamit na iniwan ni Madam. Malamang ako ang magdadala niyon. Nang tumingin ako sa hagdan, nakatingin sa akin ang dalawa pang anak ni Madam; sina Busilak at Banal. Kinindatan ko ang dalawa bago tuluyang umalis.
Nang makarating ako sa parking area ng mansion, nasa loob na si Madam Liyab at hinihintay ako. Inilagay ko muna sa likuran ng sasakyan ang mga gamit niya bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Tahimik lang akong umupo sa likod ni Madam. Hinihintay ko lang na magsalita siya. Nahihiya kasi akong makipag-usap sa kanya baka hindi lang ako nito sasagutin.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita siyang tinitingnan ako sa rearview mirror.
“Po?” takang tanong ko.
“Driver mo ako?” mataray niyang tanong. Nakataas pa ang kilay niya.
“Sa araw na ito? Yes po,” pormal na sagot ko.
Nakita ko ang pag-irap niya sa akin. “What I mean, lumipat ka rito sa tabi ko.”
“Sa t-tabi ninyo po?”
“Lakas.”
Napakamot ako sa ulo. “Sige na nga lang po.”
Lumabas na ako ng sasakyan at lumipat sa harapan. Iyon pala ang ibig sabihin niyon? Ayaw niyang masabihan na driver kaya ang gusto niya ay roon din ako umupo sa tabi niya? Hindi na rin ako lugi roon. Iba!
Pinaandar na niya ang sasakyan nang makalipat ako. Nang papalabas na ang sasakyan, kusa namang bumukas ang gate. Ganoon sila kayaman. Iba!
Oras ang lumipas, nasa gitna ng biyahe na kami at wala pa rin akong ideya kung saan talaga kami pupunta. Hindi kasi talaga nagsasalita si Madam kaya hindi rin ako nagtatanong.
Hanggang sa...
“Ilang damit ang dinala mo?” tanong niya na nagpanganga sa akin.
Hindi ako makasagot habang nanginginig ang mga tuhod ko. Wala pala akong dala na kahit isang gamit. Isa sa rason, ang pagmamadali ko kanina.
“So wala?” maldita niyang sabi.
“Uulitin ko na lang po lahat ng suot ko,” nahihiya kong sagot.
“So ipahihiya mo ako sa harapan ng mga business partner ko? Ganoon ba iyon, Lakas?”
“Sorry po.”
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Madam sabay liko ng kanyang sasakyan.
“Iuuwi ninyo na po ako?” tanong ko.
“Ibibili kita ng mga gamit. Kailangan kitang isama dahil kailangan ko ng assistant doon.”
Palihim akong napangiti...
“Stop smiling. Naiinis ako sa dimples mo.”
Hinawakan ko ang dimples ko at nilalaro iyon sa pamamagitan ng hintuturo ko. “Sorry.”
“Anyway, mukhang gawa sa totoong pilak ang kuwintas mo. Paano ka nagkaroon ng ganyan?” mausisang tanong ni Madam.
Hinawakan ko ang kuwintas na nasa aking leeg. “Ito po? Sa Papa ko raw ito sa Portugal. Ibinigay niya sa Mama ko noong naging sila. Anak ng amo niya po iyon. Pero nang nabuntis niya ang mama ko, hindi niya na pinagutan. Pero mabuti na nga lang po may remembrance ako sa kanya kahit hindi niya ako mahal.”
“Ah.”
“Wala kang masasabi, Madam? Iyon lang po?”
Hindi na siya sumagot. Gusto ko lang naman sanang makipag-usap. Para kahit papaano, hindi ako mababagot dito. Pero ano ba ako? Hardenero lang naman ako sa mansion nila para paglaanan pa ng oras. Pero bakit ang arte ko? Humagikgik na lang ako nang mapansin ko ang kaartehan ko. Iba!
Minuto ang lumipas, dumating na kami sa Mall at agad na pumasok sa department store. Ipinagbili ako ni Madam ng mga gamit na magagamit ko sa pupuntahan namin. Lahat ng mga binili niya para sa akin, siya rin ang pumili maliban lamang sa underwear. Hindi niya kasi alam ang size ko. Large kung tulog. Extra large kung buhay. Iba!
Nang makabili na kami sa mga gamit na kailangan ko, bumalik na kami sa kotse. Inabutan niya naman ako ng pagkain na galing sa kanyang bag.
“Iyan lang muna. Bumawi ka na lang sa pupuntahan natin,” saad ni Madam.
“Salamat po rito. Nagugutom na rin po kasi ako. Akala ko talaga, lilibrehin niyo ako ng pagka—” Hindi ko na tinapos ang aking sasahin at napatakip na lang sa aking bibig. Mukhang napasobra ako sa kadaldalan.
“Maingay ka talaga?”
Napakamot ako sa ulo. “Yes po. Ayaw ninyo po ba? Tatahimik na lang po ako.”
“Kunti.”
Kunti? Iyon pa rin naman iyon. Mukhang hindi kami puwedeng magsama ni Madam. Ayaw niya sa maingay. Pero iyon ako, e? Iba!
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang nginunguya ang brownies na binigay ni Madam sa akin. Kahit papaano, magkalaman ang sikmura ko. Hindi kasi ako nakapag-almusal sa mansion nila kanina dahil sa pagmamadali.
“Lakas, gising na,” sambit ni Madam.
Iminulat ko ang kaliwang mata ko at nakita kong nakatingin siya sa akin. Hinawakan pa niya ang braso ko at niyugyog. Iba!
“Dumating na po ba tayo?” tamad kong tanong.
“Yes. Halika na.”
Kahit inaantok pa ako, pinilit kong ibuka ang aking mga mata. Pero pagtingin ko sa paligid, nanlaki ang aking mga mata. Ang ganda. Iba!
“Woahhh!” mangha kong sabi.
Agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at iginiya ang tingin sa paligid. Para akong nasa isang paraiso. Mula rito sa kinatatayuan ko, makikita mo ang puting pinong buhangin at naglalakihang alon ng dagat. Napatingala naman ako sa ganda ng kalangitan. Dahil sa kulay niyon, para iyong karugtong ng dagat. Iba!
“Ang ganda! Woahhh!” sigaw ko.
Napangiti naman ako bigla nang mapagtanto na mas maganda kong nandito ang pamilya ko. Kasama ko sila rito. Sigurado akong matutuwa sila rito, lalo na ang mga kapatid ko.
“Tara na, Lakas. Kumain na muna tayo.”
Nilingon ko si Madam. “Okay po.”
Habang naglalakad, nasa likod lang ako nito. Napangiti naman ako sa mga taong tinitingnan ako. Pakiramdam ko tuloy, isang sikat na artista ako.
“Hi,” pagpansin ko sa kanila.
Nagsigawan naman ang grupo ng mga babae nang binati ko sila. Ano ba ang meron? Simpleng bati lang naman iyon, ah? Pero ganoon ang reaksyon nila. Iba!
Napahinto si Madam sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
“At sino ang nagsabing puwede niyong landiin ang anak ko?” inis na tanong ni Madam sa mga babaeng kinikilig sa akin.
“A-Anak?” tanong ko sa sarili ko.
“Lakas, bilisan mo na,” maawtoridad na utos ni Madam.
“Okay po,” sabi ko.
Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa hindi ko namalayan, magkasabay na kami.
“Bakit ninyo po akong tinawag na anak?” tanong ko.
“Simple lang, nilalandi ka. At kung ako ang ina mo, hindi ako papayag doon.”
“Pero nakipagtao lang naman po ak—” Agad kong tinakpan ang bibig ko. “Sorry.”
Nang makapasok kami sa isang restaurant, agad may sumalubong kay Madam. Siguro, kasama niya ito sa trabaho. Maaari rin na isang kaibigan.
Napatingin sa akin ang isang babae. Sa tantiya ko, nasa edad kuwarenta na rin ito. Ang pinagkaibahan nila ni Madam, maraming kulubot ang mukha nito. Hindi na presko.
“Sino ‘yan, Liyab? Napakaguwapong bata,” pagpuri ng babae sa akin habang tinitingnan ako.
“Kasama ko sa bahay,” sagot ni Madam.
“Hi po,” pagbati ko.
“Magalang,” nakangiti niyang sabi.
May dumating na isang bading. “Mar—” Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil napatingin siya sa akin. Lumunok pa siya ng laway. “Ang guwapong bata.”
“Binata po,” pagtama ko.
Hindi na kaya ako bata. Kung alam lang nila ang pinaggagagawa ko sa buhay, baka magbago ang tingin nila sa akin.
“He’s Lakas. My gardener.”
“Wow! Magaling magdilig,” nakangiting sabi ng bading.
“Magaling nga po,” nakangiti kong sabi.
Napalingon sa akin si Madam at sinamaan ako ng tingin. Nagsitawanan naman ang mga kaibigan niya.
“Magaling pala magdilig, Mare. Ipadilig mo na rin ang nalalanta mong halaman sa makisig mong hardenero,” sabi ng bading.
“Dinidiligan ko na nga po,” sagot ko.
Muling napalingon sa akin si Madam at sinamaan ako ng tingin habang napatawa naman ang dalawang kausap namin. Wala akong ideya kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Iba!
“Kakain na muna kami,” paalam ni Madam sabay hila sa akin.
Sa pagkamatarungan, malambot din ang kamay ni Madam. Ito ang unang pagkakataon na dumikit ang balat niya sa akin. Itinaas ko kasi ang kalahating bahagi ng sleeves ko kaya naramdaman ko ang kamay niya. Kanina kasi sa sasakyan, sa braso ko siya nakahawak nang niyugyog ako kaya wala akong naramdaman.
“Kainin mo ang lahat ng gusto mo. Magpakabusog ka, babalik na muna ako roon sa mga kaibigan ko.”
“Okay, madam. Salamat.”
Umupo ako sa tapat ng letson. Bago kumain, nagdarasal na muna ako habang ipinikit ang aking mga mata. Nagpapasalamat lang ako na makakakain ako nang ganito karami sa isang hapag-kainan.
“Amen,” sambit ko.
Nagsimula na akong maghiwa ng letson at inilagay ko na iyon sa plato ko. Pagkatapos, sinunod ko ang malaking crab. Hindi rin ako nagpahuli sa steak na paboring-paborito ko sa lahat.
“Kumain nang marami, Lakas,” sabi ko sa sarili ko.
Nagsimula na akong kumain ng letson. Napayuko naman ako dahil maraming nakatingin sa akin. Sa totoo lang, nakaiilang kumain. Ang lakas ko pa naman sumubo.
“Ano ang tinitingin ninyo riyan. Stop staring at my son,” maawtoridad na sabi ng isang babae na pamilyar sa akin.
Paglingon ko, si Madam. Umupo naman siya sa tabi ko at kumuha na rin ng pagkain. Mabuti na lang na dumating siya. Akala ko, hindi na ako makakakain nang maayos.
“Salamat, madam,” sabi ko.
Hindi na siya sumagot at nagsimula ng kumain. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko. Nang may makita akong pakpak ng manok, kumuha ako ng dalawa.
Inabot ko kay Madam ang isa. “Masarap po ito, Madam. Sa iyo na.”
Natulala siya habang seryosong nakatingin sa manok na nasa kamay ko. Tatanggapin niya kaya? Sana.
“No,” aniya.
“Okay po. Ako na lang ang kakain.”
Ano ba ‘yan! Bakit ko ba ginawa iyon? Alam ko naman sanang masungit ang amo ako. Iba!
Matapos naming kumain, nagpahangin muna ako sa dalampasigan. Nagpaalam na ako sa amo ko. Mabuti na nga lang ay pumayag siya.
Napatitig ako sa dagat. Para bang inaakit ako niyon. Maliligo na lang kaya ako? Mabuti pa.
Pumunta ako sa may puno at hinubad ang aking saplot maliban sa aking boxer shorts. Isinabit ko muna ang gamit ko. Sigurado naman akong walang kukuha niyon. Pero paano kung meron? Mas mabuti pang ilagay ko muna ang gamit ko sa sasakyan ni Madam.
Pagdating ko roon, nandoon si Madam at nakasandal sa gilid ng kanyang sasakyan. Kausap niya pa rin iyong dalawang kaibigan niya kanina.
“Excuse me, Madam,” sambit ko.
Napatigil sa pag-uusap ang magkakaibigan at napalingon sa akin. Napanga-nga naman ang dalawang kaibigan ni Madam habang si Madam ay walang emosyon na nakatingin sa akin.
Ipinakita ko ang aking mga gamit. “Ilalagay ko lang po ito sa loob. Puwede po ba?”
“Puwede mo rin ‘yan ilagay sa akin, Lakas. Bakante ang sasakyan ko. Pati na rin sa kuwarto ko. Rawr.”
“Landi, nagsimula ka na naman,” suway ni Madam.
“Mapagbiro po kayo, sir,” natatawa kong sabi.
Inabot sa akin ni Madam ang susi kaya binuksan ko na ang sasakyan. Ipinasok ko na ang aking mga gamit. Pagkatapos, muli kong ibinalik kay Madam ang susi.
“Maliligo po muna ako. Ayaw ninyo po?” tanong ko.
“Gusto namin, Lakas,” sabi ni Sir Landi sabay hubad ng kanyang damit.
“Landi, ano ba!” suway ni Madam. Mukhang naiirita na siya sa kaibigan niya.
“Ayaw mo? So pahiram muna ng hardenero mo. Magpapadilig lang ako. Roar!” sabi ni Sir Landi sabay hila sa akin.
Tumakbo na kaming dalawa papunta sa dagat habang nagtatawanan. Nang makaapak na ako ng tubig, nakaramdam na ako ng pagkagalak. Ang ginawa ko, lumangoy papunta sa malalim na bahagi ng dagat.
“Sir, dito tayo,” pagtawag ko. Gusto kong may kasama.
“Hindi ko kaya, Lakas. I can’t die as a virgin.”
“Ipapahawak ko ito sa iyo,” sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya. “Totoo?”
Ipinakita ko ang kanang kamay ko. “Ito. Ikaw, ah.”
Hindi ko naman mapigilang mapatawa. Ang kulit kasi ni Sir Landi. Ang saya lang kasama. Ang isa sa mga gusto ko sa ugali niya, kahit mataas na ang estado sa buhay, marunong pa rin makisama sa kapwa.
“You’re good in teasing Lakas, ha!” aniya.
Hindi ko na siya sinagot at tumawa na lang. Lumangoy na ako patungo sa dalampasigan dahil nagpadala ako sa malakas na hampas ng alon. Nang nasa buhangin na ako, humiga muna ako sandali.
Segundo ang lumipas, napabangon ako nang may nakitang magandang dalaga na may magandang pangangatawan. Nakatalikod siya habang nakasuot ng one piece bikini— kulay itim. Ang ganda lang ng katawan niya kaya nagsisimula na naman ang pagiging mapangahas ko. Pero nang lumingon siya banda sa akin, napanga-nga ako dahil si Madam Liyab pala. Nagtali siya ng buhok at hindi ko maitatanggi na napakaganda niya lalo ngayon. Iba!
“Madam!” Kinawayan ko siya na parang bang matalik kaming magkaibigan.
Hindi man lang niya ako pinansin at dumiretso lang sa ilalim na partw ng tubig. Ano ba ang maasahan ko sa kanya? Sinama lang naman niya ako para maging assistant niya sa team building nila.
“Urgh!” sigaw ni Madam.
Agad akong napatakbo at pinuntahan siya. Lumangoy ako para makapunta sa kinaroroonan niya.
“Madam? Ano ang nangyari sa iyo?” nag-aalala kong tanong.
“May naapakan ako, Lakas,” aniya. Maririnig mo sa boses niya na nasasaktan siya.
“Maaari ko ba kayong buhatin? Papayag ka bang dumapo ang aking mga kamay sa iyong bewang? Hahayaan mo bang tulungan kita?”
“Mare!” sigaw ni Sir Landi.
“Ako na ang bahala,” sagot ko.
Hindi ko na pinasagot si Madam at ginapos na ng kamay ko ang bewang niya para i-ahon siya sa tubig. Ikinarga ko na siya at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Mukhang nakaapak siya ng sea urchin and kailangan niyang maagapan.
Ibinaba ko si Madam sa parte na walang tao. Iniinda pa rin niya ang sakit na dulot niyon. Tiningnan ko na ang paa niya at tama nga ako sa kutob ko. Ang ginagawa namin noon, kapag nakaapak ng sea urchin ay patutuluan ng ihi.
“Urgh!” Pag-inda muli ni Madam sa sakit.
Dahil naawa na ako rito, lumuhod ako sa harapan niya at hindi nagdalawang-isip na ilabas sa harapan niya ang alaga ko.
“Laki—I mean Lakas!” sigaw niya nang makita iyon.
“Isipin niyo lang po na anak ninyo ako—nag-aalala,” sabi ko.
Ipinikit niya ang mga mata niya at doon ko na ibinuhos ang ihi sa paa niya. Hindi ko alam kung totoong gamot iyon, pero desperado na ako.
“Tapos na, Madam,” sabi ko.
Tatayo na sana ako, pero hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha niya.
“Alam ko na ang sagot kung bakit madalas tabingi maglakad ang anak ko.”
“Po?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Nakita ko kayo kagabi. Kayo iyon, ’di ba?”
“M-Madam,” nauutal kong sambit.
“Hindi ako galit kaya huwag kang mag-aalala. Pero may hiling lang ako sa iyo, Lakas. Maaari rin ba na sa pagkakataong ito, bulaklak ko naman ang iyong diligan?”
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa hiniling ni Madam. Papayag ba ako sa gusto niya? Gagawin ko ba ang hiniling niya? Mararanasan din ba niya ang hagupit ko? Ang hagupit ni Lakas?
~~~