LAKAS SILANGANAN PAGDATING NAMIN SA mansion ay agad akong sinalubong nang mahigpit na yakap ni Hiyas. Napatingin ako kay Madam at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Ang ginawa ko, bumuwag na sa pagyakap kay Hiyas at ngitian na lang siya. “Welcome back,” nakangiting sabi ni Hiyas. “Salamat,” sagot ko. Lumapit si Hiyas kay Madam at niyakap niya na rin ito. Nakapagtataka lang dahil ako pa ang unang niyakap niya kaysa sa ina niya. Pero pinapahalagahan ko naman iyon dahil ipinakita niya lang din sa akin kung gaano rin ako kahalaga sa buhay niya. “Lakas, halika na. May ipapakita ako sa iyo,” sabi ni Hiyas. Ano kaya iyon? Tumango ako. Bago ako aalis, tiningnan ko muna si Madam. Gusto ko lang siguraduhin kung mabuti lang ba siya. Nagkasalubong naman ang kilay ko nang malaman na nakatingin l