KABANATA 3

3303 Words
LAKAS SILANGANAN “AT SINONG NAGSABI na pwede kang magsalita ng ganyan, Busilak?” sambit ng isang babae—si Madam. Napatayo ako nang makita si Madam. Aaminin kong may kunting hiya na rin akong naramdaman. Nasa harapan ko ba naman ang buong pamilya Santibañez maliban sa isang babae na kakaalis lang kanina. Hindi ko pa alam ang pangalan niya pero ang sigurado ako, iba siya sa dalawang anak ni Madam na nasa harapan ko. Ang sama nilang makatitig sa akin na para bang isang malaking kasalanan na nandito ako sa hapagkainan nila. Bawal na bang kumain? Iba! “Mom, who’s that guy? Paalisin mo nga siya rito. Baka anak na naman iyan ng business partner mo at ipilit na ipakasal sa amin,” gigil na sabi ni Busilak. Iyon ang pangalan niya na narinig ko mula sa ina niya. Nanlaki ang mga mata ko. Masarap lang sa pakiramdam na mapagkamalan ng isang anak ng businessman. Nagpipigil na ako sa aking tawa. Mukhang ako lang siguro ang anak ng businessman na nakatira sa isang bahay na gawa sa kawayan. Iba! “Nahihibang ka na ba? He’s our new gardener,” naiiritang sagot ni Madam. Napataas na ang kilay. “Ang gwapo niya para maging hardinero, Mom!” “Hindi po ako gwapo, ah,” sabi ko. Gusto ko lang sumali sa usapan nila para iba. Tinitigan ako nang masama ni Madam. “Kumain ka na at huwag ka ng sumali sa usapan ng magpamilya.” “Sige po. Sorry na po, Madam.” Tiningnan niya ang mga anak niya. “At kayo. . . be nice to him. Kung ayaw ninyong may bagong hardinero, baka mapipilitan akong kayo ang uutusan ko sa gawain na dapat sa kanya.” “Fine,” irap na sagot ni Busilak. Tapos na ang usapan at umalis na si Madam nang walang pasabi. Nang namayani ang katahimikan, tiningnan ko ang isang anak ni Madam. Tahimik na lang siya at mukhang wala ng balak na magsalita pa. Nakikita ko naman ang pagbabago ng itsura niya. Kung kanina ay parang isang gutom na tigre, ngayon naman ay isang naging maamong pusa. Naging mabait na bigla. Iba! Umupo na ang mga anak ni Madam sa tapat ko. Wala naman silang nagawa kung hindi ang pakisamahan ako rito sa mesa nila na gawa sa puno ng narra. Ang kintab niyon at halatang libu-libo ang halaga. Nang bahagyang kukuha na sana ako ng ulam, inilayo iyon ni Busilak sa akin. “The daugher first before the sh*t gardener,” irap na sabi niya sa akin. Ngumuso na lang ako at hinayaan siya sa ginagawa niya. Pero hindi nagtagal, inabot niya sa akin pabalik iyong ulam na balak ko sanang kunin kanina. “Salamat,” nahihiya kong sabi. Kumuha na ako ng ulam at dinamihan ko na. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Ang mahalaga sa akin, mabubusog ako. Labis pa naman ang pagkagutom ko. Habang kumakain ako, biglang tumunog ang telepono ko. Agad ko naman iyong sinagot. Pero nang nakita ko ang masamang titig nilang dalawa sa akin, napatayo ako at humakbang palayo. “Mama ko? Hello po!” nakangiting sabi ko. Pumasok ako papunta sa pasilyo kung saan ang quarters namin at sinandal ang katawan sa pader. Hinintay ko na lang na sumagot si Mama pero tanging paghikbi lang ang narinig ko sa kanya. Napangiti naman ako sa kadahilinang ang bilis niyang namiss ako. Ilang oras pa nga lang ako nawala sa bahay. Napabuntonghininga na lang sa katotohanang hindi ko siya masisisi. Mahal niya ako, e? Iba! “Mama, tahan na,” sabi ko. “Uwi ka na lang dito, ’Nak. Ako na lang ang maghahanap-buhay. Trabaho ko dapat iyan, e,” sabi ni Mama. Humagulgol siya at dinig na dinig ko iyon sa linya. “Ma, okay lang ako. Kaya ko naman, e. Mandidilig lang po ako rito. Maaaring wala ako riyan sa tabi mo ngayon, pero may day off naman po ako. Ano ba ang gusto mong pasalubong pag-uwi ko?” “’N-Nak.” Bumuntonghininga ako. Naawa lang ako kay Mama. Gusto ko sanang umiyak pero walang lalabas na luha sa mga mata ko. Mataas kasi ang emotional tolerance ko. Hindi ako basta-basta napapaiyak. Siguro kung mangyari iyon na iiyak talaga ako? Iyon ay ang labis na nasaktan ako. Hmm? Bakit parang napakanta ako roon? Iba! “Mama ko, mabuti lang ako rito. Kung tutuusin nga, kumakain na ako. Ang sarap ng ulam nila rito, Ma! Grabe lang si Madam. Hindi talaga siya maramot sa pagkain. Nakakatuwa lang.” “’Nak, kapag nahihirapan ka na. Magsabi ka lang amin, ha?” “Opo. Sige na, Ma. Kakain na muna ako. Tatawag lang ako mamaya bago matulog. Mahal ko kayo ni Papa at ng mga kapatid ko. Sempre seja cuidadoso (Mag-ingat kayo palagi).” “Huwag mo ng gamitin ang salitang iyan. Hindi ka mahal ng lengwaheng iyan!” sabi ni Mama. Narinig ko ang inis sa boses niya. “Pasensiya na po. Sige po, Ma. Hindi na mauulit.” “Salamat. Pasensiyahan mo na ako. Nasasaktan lang ako para sa iyo.” “Naintindihan ko po, Ma. Sige na po. Paalam. Mag-ingat kayo lagi riyan. Kung may problema riyan sa bahay, tawagan mo lang ako. Pwede naman ako mag-cash advance rito. Si Madam na mismo ang nagsabi sa akin niyon.” “Okay, ’Nak. Salamat.” Nang ibinaba na ni Mama ang tawag ay nagmadali akong bumalik sa kusina. Pagdating ko, wala na akong kasama. Tapos na pala kumain ang dalawa. Ang hihina naman kumain. Kaya siguro ang katawan nila ay iba. Napakamot naman ako sa ulo kung bakit katawan nila ang unang napansin ko. Hindi ba dapat dibdib? Biro lang. Nguso pala dapat para iba. Umupo na ako at nagsimula ng kumain. Habang nginunguya ko ang ulam sa bibig ko, nanlaki ang mga ko sa sobrang anghang niyon. Iginiya ko ang tingin sa paligid. Sa tingin ko, pinagmamasdan ako ng mga babaeng iyon. Napakasuwail nila, ah? Kababaeng tao. Iba! Imbes na ibigay ko sa kanila ang gusto nilang makita, ang ginawa ko ay kunwaring nag-i-enjoy sa pagkain. Pero ang totoo, pinagpawisan na ang singit ko. Para bang sasabog ang utak ko. “Lakas, kaya mo iyan. Chilli sauce lang iyan. Iba ka! Hindi ba, Lakas? Iba ka?” sabi ko sa sarili ko. Pinapalakas ko lang ang loob ko. Nang natapos ako kumain, agad kong iniligpit ang mga pinagkainan at inilagay iyon sa lababo. Hinugasan ko na rin ang mga iyon para wala ng huhugasan kung sinoman ang nakatalaga sa panghuhugas. Hindi pa man ako natapos, dumating ang isang babae na halatang may edad na. Sa tingin ko, isa na rin siyang ina na may anak na isang daan para iba. Biro lang! Basta ang sa tingin ko, may asawa at anak na siya. “Hijoh, ako na riyan. Mapapagalitan ako ni Madam. Trabaho ko iyan,” nag-aalalang sabi sa akin ni Manang. “Ganoon po ba? Bakit po raw siya magagalit?” Tipid akonh ngumiti. Napansin ko lang na tsismoso ako sa parteng iyon. Pero gusto ko lang naman na mas makilala si Madam, e. Amo ko siya. Iba! “Kasi trabaho ko iyan. Balita ko ikaw raw ang bagong hardinero?” “Yes po.” “Ganito. . . hindi rin kami pinahihintulutan na makisali sa trabaho mo. Ganoon lang kasimple iyon.” “Ganoon pala ugali nila, ’no? Kaya pala sila hindi sabay-sabay kumain. Para bang mind your own business lang silang lahat dito.” “Itikom mo iyang bibig mo at baka marinig ka ni Madam,” mahinang sabi ni Manang. “Okay po.” “Sige na. Ako na rito. Pumunta ka na sa kuwarto mo.” “Salamat po. Pero Manang, may tanong lang ako.” “Ano iyon?” Sumandal ako sa lababo habang ang tingin ko ay nasa daanan palabas. Para kahit paano, makita ko kung may paparating at hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Magagalit kasi si Madam kapag pinag-uusapan ang pamilya nila. “Habang kumakain kasi ako kanina, dumating ang dalawang anak ni Madam. Sina Busilak at Banal yata iyon. Oo, sila pala! Ayaw nilang nandoon ako. Paalisin nga nila ako. Pero dumating si Madam at pinagsabihan sila. Wala naman silang nagawa kung hindi ang napilitan na makasama ako roon. Ang plot twist po, may tumawag sa telepono ko—si Mama. So tumayo muna ako at umalis. Nang natapos na kaming mag-usap ni Mama, bumalik na ako roon. Pagdating ko, tapos na sila. Ang saya ko pa nga niyon dahil wala ng matang titingin sa akin. Pero nang kumain na po ako. May naglagay ng chilli sauce sa ulam ko. Ang naalala ko, wala talaga akong nilagay kasi hindi naman ako spicy lover.” Bumuntonghininga muna ako bago muling nagpatuloy sa pagsasalita, “Ang tanong ko lang po. . . sino sa dalawa ang maldita?” “Ang dalawa. Ang panganay at bunso. Si Hiyas lang ang mabait sa tatlo.” “Grabe lang, Manang, ’no? Magpasalamat sila na wala akong allergy sa maanghang. Dahil kung hindi? Mapapahamak ako sa ginawa nilang kalokohan.” “Masasanay ka rin diyan sa dalawa. Pinalaki kasing hindi pinuputulan ng sungay. Kahit nakakapikon na minsan. Laban lang,” sabi ni Manang. Napangiti ako. “Kaya nga po. Laban lang talaga. Sige na po, alis na muna ako.” Pagdating ko sa kuwarto, agad kong inayos ang mga gamit ko. Inilagay ko iyon sa cabinet. Nang natapos, iginiya ko na ang tingin sa paligid at masasabi kong makakatulog ako rito nang mahimbing. Nang napansin ko ang isang bedsheet, agad ko iyong kinuha at inilagay sa buong kama. Pinalitan ko na rin ng punda ang unan para terno iyon sa puting bedsheet. “Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng malaking kwarto. Ang presko! Ib!” sabi ko. Nang may napansin akong ilaw sa labas ng bintana, agad akong napatakbo patungo roon para silipin kung ano ang nandoon. Pagbukas ko, napangiti ako sa aking nakita. Sa tingin ko, iyon ang hardin ni Madam. Hindi ko nga lang maklaro kung anong klaseng mga bulaklak iyon. Madilim pa rin kasi dahil kulay dilaw ang ilaw. Pero ang sigurado ako, malawak ang buong hardin at maraming mga naglalakihang puno. Napatingala ako sa kalangitan. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti nang maaninag ang ganda ng buwan at mga bituwin. Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ang paborito kong constellation na pleiades stae cluster o mas kilala natin na rosaryo. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal. “Lord, sana maayos lang ang pamilya ko roon sa aming munting tahanan. Sana po ilayo ninyo sila sa kapahamakan. Senhor, acabei de acrescentar que gostaria de poder ver meu pai. Espero que ele esteja vivo. Mesmo não sabendo como começar, ainda acredito que existe um milagre (Lord, isingit ko na lang din na sana makita ko ang ama ko. Sana buhay siya. Kahit hindi ko alam kung paano simulan, naniniwala pa rin ako na may isang himala).” Natapos kong magdasal ay napabuntonghininga na lang ako sabay mulat ng aking mga mata. Hindi nagtagal, isinara ko na muli ang bintana at humiga na sa aking kama para magpahinga. Tumagilid na ako sa higaan at kinuha ang aking telepono. Pagkatapos, sinubukan kong buksan ang wi-fi at nagbabakasakaling libre rin ang internet connection dito. Napanganga naman ako nang malaman na kahit iyon ay hindi ipinagdamot ng pamilya Santibañez. “Iba sila, ah?!” nakangiti kong sabi. Dahil kibre ang internet, kinuha ko na ang opurtunidad na sagutan lahat ng mga takdang aralin ko. Naninigurado lang ako at baka bukas ay wala na iyon. Hindi ko pa sila kilala. Malay ko ba na pabago-bago ang ugali nila. Iba! Tatlong oras ang lumipas, natapos na ako sa aking ginagawa. Tumayo muna ako sandali para mag-stretching. Habang ginagawa iyon, hindi ko na mapigilan na mapahikab. Hindi rin halata na inaantok na ako. At dahil nakasanayan ko na uminom muna ng tubig bago matulog, lumabas muna ako sandali at pumunta sa kusina. Pagdating ko roon, nadatnan ko iyong babaeng mayumi na anak ni Madam na dadalo raw sa bible study. Hinding-hindi ako na magkamali na siya si Hiyas. Ang sabi sa akin ni Manang kanina sa kusina, si Hiyas lang daw ang mabait sa tatlong magkakapatid. Mukhang hindi naman siya nagkakamali roon dahil yumuko siya nang makita ako bilang pagbati. “Hi po,” bati ko. “Hello,” sagot niya. Ang lamig ng boses niya. Iba! “Magkukuha lang sana ako ng tubig,” sabi ko. “Go. Sige na, alis na ako.” Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya. Nahihiya lang ako sa ugaling ipinakita niya sa akin. Ibang-iba sa dalawa niya pang mga kapatid. Kapag iyong dalawang iyon nagkagusto sa akin? Iiyak iyon panigurado. Hindi pa naman ako nagkakagusto sa taong masama ang ugali. Ang mama ko kaya ang basehan ko sa pagpili ng isang babae; simple, mapagmahal, maalaga, mabait, masipag, madiskarte, at maganda. Hindi nga lang mayaman, pero nagsusumikap na maitaguyod kaming lahat sa tulong na rin ng papa ko. Pag-alis ni Hiyas, napangiti na lang ako nang napansin na tinigisan ako. Kahit nagpupursige ako sa buhay, hindi pa rin mawawala ang katotohanan na lalaki ako, na nanghihina kapag nakakakita ng mga magagandang babae. Pero kahit ganoon, malinis pa rin ako dahil hindi pa ako sumubok. Mahirap na na makabuntis na hindi mo gusto ang babae. At isa pa, nag-aaral pa ako kaya bawal talaga. Pigil-pigil muna para iba. Nang nakakuha na ako ng tubig, bumalik na ako sa kuwarto ko. Isa pala sa napansin ko sa pamilya Santibañez, sa dining area sila kumakain at hindi rito sa kusina. Tinawag ko pang kusina ang dining area kanina. Nahiya tuloy ako bigla sa sarili ko. Iba! Nang nasa kuwarto na ako, ininom ko na ang tubig at hinanda ang sarili para matulog. Gusto ko na rin magpahinga dahil bukas na ako magsisimula. Bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko para matulog, nag-sign of the cross muna ako. Ginagawa ko lang iyon kasi pakiramdam ko ay lagi akong ligtas. Panatag ang puso ko. Iba! ••• NAGISING AKO SA lakas ng tunog ng alarm clock ko. Alas singko y media pa lang ng umaga kaya may pagkakataon pa akong ihanda ang sarili ko. Pumasok na ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Tuwing umaga, iyon na talaga ang unang ginagawa ko. Sana ganoon din ang kaibigan kong si Bango para masaya ang lahat. Nang natapos ako sa ginagawa ko sa banyo, nagpalit muna ako ng sando at maiksing shorts. Gusto ko lang na kumportable ang suot ko para malaya akong makagalaw. Ilang segundo ang lumipas, nanlaki ang mga mata ko nang maalala na makikita ko pala ang hardin mula rito sa kuwarto ko. Ang ginawa ko, tumakbo na para bang may humahabol sa akin sa sobrang bilis. Pagdating ko sa tapat ng bintana, agad ko iyong binuksan. Habang unti-unti kong nakikita ang hardin na didiligan ko araw-araw ay hindi ko mapigilan na hindi mapanga-nga. Namamangha lang ako sa nakikita ko. Ang lapad lang ng lupain na puno ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak. “Wow! Farm ba ito!?” namamangha kong sabi. Kahit hindi pa masyadong maliwanag, nakikita ko na ang iba’t ibang klase ng bulaklak. Sa tingin ko, hindi ako mababagot sa trabaho ko. Hindi nagtagal, pinutol ko na ang pagpuri sa ganda ng mga bulaklak at lumabas na ng kuwarto. Napagtanto ko lang na mas magandang tingnan ang mga iyon nang malapitan. Habang naglalakad sa pasilyo palabas ng quarter, dire-diretso lang ang paglalakad ko. Napahinto naman ako sa paglalakad sa may bandang kusina nang may tumawag sa akin. Umatras ako para makita iyon at si Manang lang pala na naglagay ng skin care sa mukha kagabi. “Hi po! Good morning,” bati ko. “Sa garden ka na?” tanong niya sa akin. “Yes po.” “Halika rito. Magkape ka muna. Doon mo lang inumin. May tinapay rin dito at mainit-init pa.” “Sige po.” Pumasok na muna ako ng kusina at kinuha ang kape na tinimpla ni Manang. Kumuha na rin ako ng tinapay para magkalaman ang tiyan ko. Mas mabuti ng busog kaysa gutom. Ang hirap pa naman magtrabaho kapag naghahanap ng pagkain ang sikmura natin. “Salamat po rito, Manang.” “Kung maka-manang ito! Tita—Tita Dora.” Napangiti ako. “Sorry po, Tita Dora. Si Manang po na nanghuhugas? Ano po ang pangalan niya?” “Tita Cora.” “Salamat po. Tita, kung si Tita Cora po ay tagahugas. Ano ka po rito?” “Mayordoma,” nagmamalaking sagot ni Tita Dora. “Ganoon po ba? Sige na po at baka magising na si Madam. Bibilisan ko na lang po kasi may pasok pa ako mamaya.” “Okay. Goodluck sa first day mo, Hijoh.” “Salamat po.” Paglabas ko sa likuran ng bahay, napailing-iling na lang ako sa lawak ng lupain nila Madam. Nakakanindig man ng balahibo aminin pero para talagang sementeryo ang paligid. Sinundan ko lang ang daanan na gawa sa semento. Alam kong patungo iyon sa likod kung saan makikita ang hardin. Habang naglalakad, hindi ko mapigilan ang sarili na mamangha sa ganda ng buong paligid. Masasabi ko na mas maganda ang mga iyon sa malapitan. “Ano kayang bulaklak iyan?” tanong ko sa sarili ko. Habang nadadaanan ko ang mga bulaklak, isa sa napansin ko ay wala iyong mga pangalan. Para sa akin, mas maganda siguro kung meron. Para kung may bisita na titingin, alam nila kung anong pangalan ng bulaklak na iyon. Napangiti ako bigla. Alam ko na ang unang gagawing proyekto rito. Gagawan ko ng pangalan ang mga bulaklak. Iyong para bang katulad sa nakikita sa mga farm? Pero imbes na printed, ako na mismo ang magsusulat. Marunong naman akong mag-calligraphy. Pipintahan ko na lang din para mas maganda tingnan. Itatapat ko lang ang ganda ng mga iyon sa mukha ng mga Santibañez. Nang dumating ako sa kubo, umupo muna ako saglit. Kinain ko na rin muna ang tinapay at ininom ang kape. Habang iniinom ang kape, napatingin ako sa isang kuwarto sa itaas na bahagi ng bahay. Bumukas kasi ang pinto niyon at hinintay ko na lang kung sino ang lalabas. May balkonahe kasi sa kuwartong iyon. Nang iniluwa si Madam doon, agad akong napatayo sa kinauupuan ko at nagmamadaling lumabas. Kunwari naman akong walang nakita at hinanap na ang hose ng gripo para pandilig. Gusto ko lang magpakitang gilas sa unang araw ko sa trabaho. Nang sinimulan ko ng magdilig, palihim akong sumilip sa kuwarto. Napakamot naman ako sa ulo nang nawala na si Madam Hindi man lang niya makita ang pinaghirapan ko. Sayang! Sa inis ko, hinubad ko ang sando ko. Aminado ako sa sarili ko na iba ako mainis—naghuhubad ng saplot. Kaya ngayon pa lang, masasabi ko na ang swerte ng maging asawa ko. Biro lang! Bumuntonghininga ako at sinimulan na talaga ang pagdidilig. Sa pagkakataong iyon, wala na ang inis ko. Masaya na ako sa ginagawa ko. Napatigil naman ako sa pagdidilig nang may napansin na nakatingin sa akin. Hindi pwedeng magkakamali ang peripheral vision ko. Dahil hindi ako mapakali, nilingon ko kung nasaan iyong parang may tumitingin sa akin. Doon, nakita ko si Busilak. Ang sama ng tingin niya sa akin. Kahit malayo siya kunti, kitang-kita ko ang inis sa mukha niya. Para mas mainis siya, ganti ko na lang din sa ginawa nila sa akin kagabi, kinawayan ko siya habang ang lapad ng ngiti. Napanganga naman ako sa ganti niya sa akin. Pinakitaan ba naman ako ng gitnang daliri niya. “F*ck you!” malakas na sigaw niya. May echo pa nang isinigaw niya iyon. Napanga-nga na lang ako sa ugali niya. Busilak pa naman sana ang pangalan. Kapag ako nainis? Paiinumin ko siya ng alak at titirahin habang nagra-rap para iba. Nakakainis, e! Maldita. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD