KABANATA 2

2546 Words
LAKAS SILANGANAN “SALAMAT SA PAGHATID, Tiyo Kokoy,” sabi ko. “Walang anuman, Lakas,” sagot ni Tito. Makikita sa mga mata niya ang saya para sa akin. Nandito na ako sa loob ng mansion ng Santibañez at parang maluluwa na ang aking mga mata sa katititig sa ganda niyon. Wala pang tao rito sa loob maliban sa amin ni Tiyo Kokoy kaya malaya kong inilakbay ang tingin sa buong paligid. Napakaelegante niyon tingnan dahil gawa sa first class na kahoy ang buong mansion. Agaw atensiyon naman sa aking mga mata ang malaki nilang chandelier na nakasabit. Kulay ginto iyon na parang mga bituwin na kumikinang sa kalangitan. Iyong hagdan naman nila ay hindi basta-basta—ang kapal at ang kinis. Kung hindi lang eksaherada ay pwede akong manalamin. Ang lalong nagpaganda rito sa loob ng mansion ay organisado lahat ng mga kagamitan—ang linis tingnan. Sa aking palagay, ayaw ng pamilya Santibañez ang makalat. Muli ko ng inilakbay ang tingin sa paligid at hindi ko mapigilan ang sarili na puriin ang disenyo niyon. Ang galing lang. Iba! Para bang magkapareha kami ng panlasa kung sinuman ang gumawa. Bilang isang agricultural engineering student, pasadong-pasado ito sa akin. Mahilig din kasi ako mag-disenyo kaya itong kurso ang kinuha ko. Ang pinagkaibahan nga lang, sa field kami nakapokus—sa agriculture. Kasama na sa inaaral namin ang mga landscaping at iba pa. At bilang ang bagong hardenero ng mansion, baka puwede kong pagandahin iyon sa pamamagitan ng aking kakayahan na natutunan ko sa unibersidad na aking pinapasukan. Napangiti naman akong tinitingnan ang malaking family picture ng Santibañez. Ang gaganda ng mga mukha nilang lahat. Para silang mga artista. Tatlong magagandang babae pala ang mga anak ng isa sa pinakamatanyag na pamilya sa aming nayon. Pero sa kasamaang palad, pumanaw na si Don noong nakarang taon. Alam namin iyon sapagkat kilala ito bilang isang mabuting tao. Mapagbigay ito sa mga katulad nilang naghihirap. “Nandiyan na si Madam. Gumalang ka, Lakas,” paalala ni Tiyo Kokoy sa akin. “Talaga po?” sagot ko. Tumingin ako sa itaas ng bahay. Napaayos naman ako ng tayo nang makita ang isang magandang babae na papababa ng hagdan. Alam kong ito ay si Mrs. Santibañez dahil siya iyong babae na nasa larawan na tinitingnan ko kanina lang. Nakasuot siya ngayon ng isang itim na bestida. Napatitig naman ako sa mukha niya kahit nasa malayo pa siya. Hindi mapagkaila na masungit siyang tao. Para bang palaging galit sa mundo? Iba! Ang kilay na niya mismo ang nagsabi. Sa palagay ko, mapapasubo ang pasensiya ko. Nang makababa na si Mrs. Santibanez... “Magandang gabi po,” pagbati ko. May kunting hiya akong naramdaman. “Magandang gabi, Madam,” bati ni Tiyo Kokoy. “Siya ba iyong sinabi mo?” diretsong tanong ni Madam. Tiningnan niya ako. “Alam mo na ba ang dahilan kung bakit ka nandito?” “Oo, Madam. Mandidilig po ng nanunuyong halaman ninyo.” Napatawa si Tiyo Kokoy kaya napalingon ako sa kaniya. Ano ang meron? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Iba rin si Tiyo Kokoy! “May nakakatawa ba?” tanong ni Madam na nagpatahimik kay Tiyo. “Wala, Madam. P-Pasensiya na kayo sa akin,” nauutal na sagot ni Tiyo. “Makakaalis ka na.” Tiningnan ako ni Madam. “Kami na ang mag-uusap dito.” “Okay, Madam.” Tiningnan ako ni Tiyo. “Lakas, mauna na ako.” Tinapik ko siya, “Sige, Tiyo. Salamat.” Nang makaalis na si Tiyo, dahan-dahan ko nang tiningnan si Madam. Nagsitayuan naman ang mga balahiho ko nang nakatingin siya sa akin nang masama. Ang ginawa ko, hindi ako nagpakain sa takot. Dahil alam kong hindi maramot si Madam gaya nang sinabi sa akin ni Tiyo, malaki ang posibilidad na mataray lang siyang tao ngunit may busilak na puso. Marami naman kasing ganoon klaseng tao sa mundo kaya wala tayong karapatan na manghusga. “Hi po,” nakangiti kong bati. “Follow me,” maawtoridad na sabi ni Madam. Nagsimula ng humakbang si Madam habang ako naman ay parang aso na sinusundan siya. Napatitig naman ako sa likuran niya dahil sa angking kinis niyon. Backless pala ang suot niya na sobrang bagay sa kanya. Iba rin si Madam! Nasa likod pala niya ang pasabog. Umupo na si Madam sa isang sofa. Tumabi naman ako sa kanya. Pagtingin ko sa mukha niya, inirapan niya ako. Pero ang ginawa ko, nginitian ko lang siya. “Fifteen thousand a month, full tuition until you graduate, and 1 day off in a week. Sa pagkain naman, you can eat whatever you want—whenever you want. Huwag kang mahiya. But one thing I’ll remind you, ayusin mo ang trabaho mo kung gusto mong magtagal,” paalala niya. Ang ganda ng boses niya magsalita. Kagalang-galang. Iba! Habang sinasabi ni Madam ang mga benepisyo ko sa trabaho ay parang may anghel na hinahaplos ang alaga ko—I mean, ang puso ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na hindi na mahihirapan si Papa Toto sa paghahanap ng pambayad sa pinapasukan ko. May ipon ako sa kita sa yema, pero hindi naman sapat iyon para bayaran ang buong tuition ko. May mga kapatid pa ako na pinapa-aral nila. Basta ang ipapangako ko lang sa sarili ko, gagawin ko nang mabuti ang tungkulin ko sa mansion na ito. “Salamat po, Madam. Maaari ko bang malaman ang mga bawal na gawin ko rito?” tanong ko. Gusto ko lang may kamalayan sa mga patakaran nila. Tumingala siya sa unang palapag ng mansion nila bago ako muling tiningnan. “Bawal kang pumunta sa itaas.” “Talaga po? Pero paano po kung utusan niyo po ako sa itaas?” “Walang bulaklak doon para diligan mo.” “Wala po kayong indoor plants, Madam? Sayang po. Nakakababa po iyon ng stress level according sa nabasa at napag-aralan kong libr—” “Enough. One thing, ayaw ko sa madaldal,” diin niyang pagbigkas. Galit yata siya? Iba! “Sorry, Madam,” nakayuko kong sagot. Nahihiya lang ako. Tumayo na siya. “I guess nasabi ko na ang gusto kong sabihin.” Muli niya akong tiningnan. “Kung kailangan mo ng pera. Huwag kang mahiya na mag-cash advance.” “Talaga po?” nakangiti kong tanong. Hindi na siya sumagot at nagsimula na namang humakbang. Sinundan ko lang siya. Sa tingin ko, ihahatid niya ako sa tutuluyan kong kuwarto. Mukhang kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko na hindi masyadong nagsasalita si Madam. Ang kailangan ko sa mansion na ito, ang malakas ang pandama—makiramdam. Napahinto si Madam kaya napahinto rin ako. Pareho naman kaming dalawa na napalingon sa may hagdan nang may yabag ng paa na pababa rito sa sala. Napangiti naman ako nang makita ang isa sa anak ni Madam. Napakaganda rin niya at halatang nakuha ang mukha sa ina niyang may makinis na likuran. Iba! Nang magtama ang tingin naming dalawa ng anak ni Madam, matipid siyang ngumiti at yumuko. Napangiti naman ako sa ugaling pinakita niya. Iba! “Saan ka?” tanong ni Madam sa anak niya. “Sa kaibigan ko lang, Mom,” sagot ng anak ni Madam sa malambing na boses. Napakapormal niyang babae. Makikita sa kasuotan at galaw niya. Para bang isang anghel na nahulog sa kalangitan at itinabi sa akin sa kama. Iba! “Bumalik ka agad,” paalala ni Madam. “Sure. May bible study lang po kami ng mga kaibigan ko.” “Mabuti,” sagot ni Madam sabay hakbang muli. Bago ako nagsimulang humakbang, tiningnan ko muna muli ang babae. Ang mayumi lang niya. Ang lalong nagpaganda sa kanya ay ang kanyang mabuting puso. Hindi ko lubos maisip na mayroong pang tulad niya. Sa kabila ng marangyang buhay na meron sila, nanatili pa rin ang paa niyang nakaapak sa lupa. Iba! “Lakas, right? Halika ka na,” sabi ni Madam na nagpataranta sa akin. Mukhang napasobra ako sa pagtitig sa anak niya. “Sorry, Madam,” sagot ko at sinundan na siya. Pagdating namin sa kanilang kusina, pumasok kami sa isang pasilyo sa loob ng bahay. Sa tingin ko, ito ang mga kuwarto ng mga kasambahay nila sa bahay. Huminto si Madam sa dulo ng pasilyo. Tatlong pintuan din ang nadaanan namin. “Ito ang kuwarto mo,” sabi niya nang hindi man lang ako tiningnan. “Okay po... Hala! Naiwan ko pala ang gamit ko sa sala, Madam. Kukunin ko muna,” sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Madam at tumakbo na pabalik ng sala. Pagdating ko roon, may pumasok na isang magandang dilag. Sa tingin ko, siya ang panganay. Katulad noong babae kanina, may angkin din siyang ganda. Ang pinagkaibahan lang sa dalawa, mas matangkad ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Halos pumantay na nga siya sa akin. Ang suot niya ay isang jersey shorts at varsity jacket. Maaaring naglalaro lang siya o sadiyang varsity talaga sa unibersidad nila. “Hi, ma’am,” pormal na bati ko. Tumango lang siya at hindi na ako sinagot. Ganito ba talaga ang mga tao rito sa mansion? Hindi sumasagot? Iba! Bumuntonghininga na lang ako at kinuha ang mga gamit ko. Pagkatapos, bumalik na ako papunta sa kuwarto na itinuro ni Madam kanina. Pagdaan ko sa may kusina, kumakain na mag-isa si Madam. Hindi ba sila nagsasama buong pamilya kung kumain? Mas maganda naman kung buo. Masaya. May pag-ibig. Iba! “Pagkaalis ko rito. . . kumain ka na,” tipid na sabi ni Madam habang hindi ako tinitingnan. “Okay po. Salamat. Madam?” Tinitigan niya ako nang masama pero hindi ako nagpapasindak. “Puwede po ba ako gumamit ng paglulutuan? Kahit pugon po kung meron man kayo rito. Nagtitinda po kasi ako ng yema para sa pangbaon ng mga kapatid ko.” “Go,” tipid niyang sagot. “Salamat po. God bless you po. Ang gand—” Napatigil ako sa pagsasalita nang maalala ang sinabi niya na ayaw niya sa madaldal. Mukhang mahihirapan akong mag-adjust. Ang daldal ko pa namang tao. Iba! Nang yumuko na si Madam, pumunta na ako sa kuwarto. Pagpasok ko, napangiti ako dahil ang ganda niyon. Kung tutuusin, sakto na kami rito buong pamilya. Ang mas maganda, ako lang dito mag-isa. Magagawa ko ang lahat ng gusto ko. Mag-jakol nang twenty-four seven. Biro lang! Nagbihis na muna ako ng pang-bahay at nang matapos, naisipan ko ng lumabas ng kuwarto. Gusto ko lang silipin kong natatapos na ba si Madam sa pagkain. Nagugutom na rin kasi ako. At isa pa, nagnakaw ako ng tingin sa ulam kanina sa mesa at mukhang masarap ang lahat ng mga iyon. Tumunog pa nga ang tiyan ko. Pagdating ko sa huling pasilyo, dahan-dahan kong inilabas ang ulo ko para silipin na si Madam kung tapos na ba siya. Nang magtama ang mga mata namin, kaagad akong nagtago at napa-sign of the cross. Bumuntonghininga naman ako para mawala ang kaba ko. Pero nang may humawak sa balikat ko, nanlaki ang mga mata ko. Paglingon ko... “Wa—” sigaw ko nang walang tunog. Mabuti na lang napigilan ko ang sarili ko. Dahil kung hindi, lagot ako kay Madam. May bumungad kasi sa akin na isang babae. May edad na at sa tingin ko, kasambahay ng mansion. “Grabe ka! Porque gwapo kang bata, natatakot ka sa mukha ko?” sabi ng babae. Hinimas ko muna ang dibdib ko. “Hindi naman sa ganoon po. Nakakatakot kasi ’yang nasa mukha mo. Akala ko kasi multo.” “Skin care lang ito ni Tita. Alam mo na, dinadapuan na ng kunot. Ikaw ba ang bagong hardenero? Napakasayang mo namang bata. Puwede ka namang maging modelo o ano. Bakit ka pa sumabak sa trabaho na ganito?” “Marangal naman po ang pagiging isang hardenero, Tita. At isa pa, kailangan ko itong trabaho para matustusan ang pag-aaral ko. Apat kasi kaming magkapatid at alam kong nahihirapan ang papa Toto ko roon.” “Nag-aaral ka pa pala. Mabuti kung ganoon. Ano ba ang sinisilip mo riyan?” tanong ng babae sa akin. “Ang sabi po kasi sa akin ni Madam, kumain na raw po ako kung matapos na siya. Kaya sinisilip ko po siya. Nagugutom na po kasi ako, Tita. Tumunog na po ang tiyan ko. Iba!” Tumawa si Tita. “Nakakatuwa kang bata.” “Talaga po? Iba po ba?” tanong ko. Umiling lang ito. “Ayusin mo lang ang trabaho mo rito. Alagaan mo ang mga halaman ni Madam. Dahil kung may makita siyang may nalalanta? Trabaho mo ay mawawala.” “Grabe naman po. Pero dapat malaman niya na hindi lahat ng nalalanta ay dahil sa kapabayaan ng trabahador. Kailangan niya dapat isaalang-alang ang klema.” “Sabihin mo 'yan sa kanya para mawalan ka ng trabaho,” sabi nito. “Grabe naman kung ganoon. Kaya pala ayaw sa madaldal. Ayaw ng paliwanagan. Paano magkaintindihan kung ganoon? Kaya pala hindi siya palasalita.” “Sinabi mo pa. Ano ba ang pangalan mo, hijoh?” “Lakas po. Lakas Silanganan.” “Ang gandang pangalan.” “Kasingganda mo po, Tita,” sabi ko. “Salamat naman at may pumuri rin sa akin. Teka lang, ano’ng lahi mo? Mukhang hindi ka purong pinoy, tama ba?” “Portuguese po. Taga Portugal po ang ama ko.” “Totoo? Alam mo bang isang Portuguese ang gumawa nitong bahay? Matalik na kaibigan ni Don. Business part—” Napatigil si Tita sa pagsasalita at kitang-kita ng mga mata ko ang pagkagulat niyon. Tinakpan niya ang kaniyang bibig at yumuko. Napalingon naman ako sa likod at laking gulat ko na nasa likuran ko pala si Madam. Katulad nang nakasanayan, masama pa rin ang tingin niya. Nanlalamon nang buo. Iba! “At sino’ng nagsabi sa inyo na puwede niyong pag-usapan ang buhay namin?” inis na sabi ni Madam. “Sorry po, Madam,” sabi ko. “Kumain ka na roon,” utos niya. “Ye—” Napatigil ako. “Sige po.” Matapos kong masabi iyon ay umalis na si Madam. Tiningnan ko naman si Tita na makikita sa mukha ang kaba. Napahawak siya sa dibdib. “Kinabahan ako roon. Paalala ko lang pala, ayaw niyang pinag-uusapan sila.” “Ganoon po pala. Sige na po. Kakain na muna ako roon.” Nagmadali na akong pumunta sa mesa. Pagdating ko roon, kaagad akong kumuha ng plato. Natatakam naman akong matikman ang lahat ng potaheng nandito sa harapan ko. Mayroong sinigang na baboy, pritong bangus, at inihaw na baboy. Tama nga si Tiyo Kokoy, hindi maramot sa pagkain ang pamilya Santibañez. Ipinikit ko muna ang mga mata ko para magdasal. “Salamat sa biyayang nandito sa hapagkainan, Lord. Amen.” Pagbuka ng mga mata ko, nasa harapan ko ang dalawang anak ni Madam. Ang babae na naka-jersey shorts na pumasok kanina at iyong babaeng nakita ko sa sasakyan kaninang tanghali. Pareho silang masama ang tingin sa akin. “At sinong nagsabi na puwede kang sumabay sa amin?” sabi ng babae na nakita ko sa sasakyan kaninang tanghali. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinunod ko lang naman ang sinabi ni Madam kanina, na kung wala na siya ay puwede na akong kumain. “Get out of my sight! Now!” sigaw niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD