LAKAS SILANGANAN
Pagdating ko sa kanto ng Villa, agad akong nag-abang ng masasakyan. Mabuti na lang ay may dadaan na pampasaherong jeep dito at makakatipid ako sa pamasahe. Double ride nga lang pero mabuti na lang din iyon kaysa sa wala. Ayaw ko rin naman sumakay ng taxi dahil hindi ko kaya iyon. Ang mahal kaya ng bayad. Hindi ko kaya.
Hindi nagtagal, may huminto ng pampasaherong jeep sa tapat ko. Agad naman akong sumakay at naghanap na ng mauupuan. Pagkaupo ko, napayuko na lang ako. Nakikita ko lang sa peripheral vision ko na maraming mata ang nakatingin sa akin.
Sa totoo lang, kahit lumaki ako na pinupuri ang mukha ko, maraming babaeng nagkakagusto sa akin, hindi pa rin ako sanay sa atensiyon na ibinigay nila sa akin. Iyong tipong naiilang talaga ako. Hindi rin ako nakikipagkaibigan sa babae maliban kay Bango na alam kong walang gusto sa akin. Halos magkasabay na kaming lumaki kaya siguro parang kapatid lang ang turing namin sa isa’t isa. Pero nagpasalamat na rin ako na ganoon lang dahil hindi ko rin naman masusuklian ang mararamdaman niya kung sakaling may gusto nga siya sa akin. Kasi kung maging kami, hindi ko kayang makipaghalikan sa kaniya. Lumaki ako na alam ang baho ng hininga niya. Nakawawala ng ganang mabuhay. Iba!
Minuto ang lumipas, bumaba na ako para sumakay muli ng panibagong sasakyan papunta sa unibersidad. Ibang rota na kasi ang dadaanan ng sinakyan ko kanina kaya dapat talagang bumaba.
Pagbaba ko pa lang, may mga traysikel ng nakaparada. Sumakay na ako sa naunang traysikel na nakaabang. Dahil alam ko na kung magkano ang bayad, agad na akong nag-abot. Hindi na rin siya nagtanong sa akin kung saan ako. Sa uniporme ko pa lang, alam na niya kung nasaan ako. Sa puso niya. Hmm, kanino? Sa puso ni. . . iba!
Nang puno na ang traysikel, umandar na ito. Habang nagba-vibrate ang inuupuan ko. Kinuha ko na ang pagkakataon para umutot. Hindi rin naman nila maamoy iyon sapagkat amoy gasolina ang loob. Sa tingin ko, isang sindi lang nito ng posporo ay sisiklab agad ang apoy. Iba!
Nang tagumpay akong nakautot, pasimple na akong tumingin sa rearview mirror nang may ngiti sa labi. Tagumpay ang plano ko! Walang nakamoy ni isa sa mga kasama ko. Sa pagkakataong iyon, inosente ako. Iba!
Minuto ang lumipas, dumating na ako sa unibersidad. Pagpasok ko pa lang, dating gawi—hinihintay na ako ng mga tagabili ng yema.
“Lakas, pabili,” sabi ng isang babae na may mala-anghel na mukha.
“Patawarin ninyo po ako lahat. Wala po akong yema ngayon. Bukas pa po,” paghingi ko ng paumanhin sa kanila.
“Ganoon ba? Pero pwede bang magpa-pic sa iyo?”
Tumango ako. “Oo naman.”
Lumapit ako sa babae at inakbayan siya habang nakatingin sa hawak niyang camera. Hindi pa man kami natapos, may lalaking umakbay sa akin. Paglingon ko, isang lalaki na mukhang galit sa akin.
“D-Dwayne!” sigaw ng babae.
“At sinong nagsabi na pwede mong landiin ang girlfriend ko? Inuubos mo na ang pasensiya ko,” inis sabi ng lalaki.
“D-Dwayne! A-Anong pinagsasabi mo? Nakipag-picture lang ako kay Lakas,” paliwanag ng babae.
“Pwede bang bitawan mo ako? Ayaw ko ng gulo. Hindi ko naman alam na may kasintahan siya. At isa pa, nakipag-picture lang siya sa akin. Sino ba ako para humindi?” paliwanag ko.
Binitawan ng lalaki ang kamay niya at dinuro ako. “Ano ka? Artista? G*go ka pala, e!”
“Mukha lang po,” sagot ko sabay kindat dito.
“So g*go ka pala, e,” aniya sabay suntok sana sa akin.
Napangiti ako habang nahawakan ang kamay niya. Pagkatapos, tinitigan ko siya nang masama habang hindi mapigilan na mapangiti. Natatawa lang ako sa naging reaksiyon niya. Para bang iyakin na bata. Ibang-iba sa inasta niya kanina.
“Sa susunod, pumili ka ng binabangga mo,” sabi ko sabay bitaw sa kamay.
“Lakas, sorry,” sabi ng babae.
“Pagsabihan mo iyang kasintahan mo. Akala niya siguro ang laki niyang tao.”
Natapos kong masabi iyon ay nagsigawan ang lahat ng mga babae. Nagawa pa nilang kiligin sa sitwasyong ganoon. Iba rin!
“D-Dwayne, mag-sorry ka,” inis na sabi ng babae.
Bumuntonghininga ang lalaki. “Sorry, Shy. Nagseselos lang talaga ako.”
“Dwayne, alam mo naman na mahal kita, ’di ba? Alam mo naman na idol ko lang si Lakas. He is an ispiration here. Kahit kapatid mo nga ay iniidolo siya. Dwayne, you are enough to me. ’Wag ka ng magselos.”
“Oo na.” Muling bumuntonghininga ang lalaki sabay tingin sa akin. “Bro, sorry. Mahal ko lang talaga si Shy kaya natatakot ako na baka maagaw mo siya.”
“Bro, sorry rin. Pero ano. . . ’wag kang matakot sa akin. Wala akong oras para sa babae. Focus ako sa sarili ko,” sabi ko.
“That is why I need to say sorry, bro.” Inabot niya ang kasama niya sa akin.
Tinanggap ko ito. “Apology accepted. Sige na, ’wag na kayong magkatampuhan. Mauna na ako. May klase pa ako.”
“Salamat, Lakas,” nakangiting sabi ng babae.
Nakangiti na akong umalis. Masaya lang ako na naging mabuti na ang lahat. Ang isa sa pinakaayaw ko ay magkaroon ng kaaway. Hindi ako lumaking ganoon. Kahit nga sa ama ko, wala akong galit sa kanya. Siguro, pagtatampo lang sa nagawa niya para sa mama ko. Iyon lang.
Hindi ko rin naman kayang magtanim ng matinding galit sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi matagpuan ni Mama ang Papa Toto ko. Kung hindi dahil sa kanya, wala sana akong mga makukulit ngunit napakabait na mga kapatid ngayon.
Pagdating ko sa classroom, agad akong nilapitan ng isa sa mga kaklase ko. May inabot siyang papel na may kasamang isang daan. Napangiti naman ako sa katotohanang magkakapera na naman ako.
Tiningnan ko siya. “Ihahatid ko lang pagkatapos ko.”
“Salamat, Lakas.”
Dito sa silid-aralan, kilala ako bilang tagasagot ng mga nangangailangan. Pero hindi libre ang serbisyo ko dahil nangangailangan din ako sa pinansiyal. Bale kung tawagin siya sa ingles ay give and take. Hindi ko gusto gawin ito dahil parang tinuturuan ko sila maging tamad pero dahil sa hirap ng buhay, isinantabi ko iyong paniniwala na iyon. Mas mahalaga sa akin ang pamilya ko na kailangan din ng suporta ko. Mahal ko kaya sila kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.
Minuto ang lumipas, natapos ko na rin sagutan ang pinapagawa sa akin ng isa sa mga kaklase ko. Mabuti na lang ay hindi pa dumating ang professor namin. Ang terror pa naman niyon. Ayaw niya ng may iba kaming ginagawa kapag nagtuturo siya. Bilang isang estudyante ay naiintindihan ko siya roon. Sino ba namang hindi magagalit doon? Mabuti na lang ay marunong talaga akong makinig pagdating sa klase. Makulit lang ako sa ibang bagay pero pagdating sa pag-aaral, seryoso ako.
•••
TANGHALI NA AT uwian na. Imbes na sa mansion dumiretso ay pumunta muna ako sa pinakamalapit na convenience store sa unibersidad namin para bumili ng sangkap ng yema na gagawin ko. Bumili na rin ako ng water cellophane para pangbalot sa gagawin kong yema.
Nang nabili ko na ang lahat ng mga sangkap na gusto ko, sumakay na ako ng traysikel. Hindi nagtagal, dumating na ako sa kung saan ako maghihintay ng pampasaherong jeep.
Habang nakaupo sa isang waiting shed, kinuha ko muna ang telepono ko sa bulsa. Gusto ko lang muna kumustahin si Mama sa bahay. Nang nakita ko na ang numero niya, agad ko na iyon pinindot. Napangiti naman ako nang sinagot na niya ang tawag ko.
“Mama ko,” malambing kong sabi.
“Lakas, kumusta ka?” sagot ni Mama.
“Sobrang mabuti po. Nandito ako sa isang waiting shed at nag-aabang ng pampasaherong jeep pauwi po. Ma?”
“Ano?”
“Kumain ka na ba ng pananghalian?”
“Hindi pa. Nagluluto pa ako. Kakatapos ko lang maglaba.”
“Ganoon po ba? Pagkatapos mong kumain, magpahinga ka na po. ’Wag ka masyadong magpakapagod po.”
“Oo naman. Salamat sa pag-aalala, ’Nak. Sige na, tatapusin ko na ito. Tumawag ka mamaya, ha? Ingat diyan. Mahal kita.”
“Mas mahal ko po kayo. Sige na po, paalam na po.”
Nang ibinaba na ni Mama ang tawag ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. Gusto ko ng mag-abang ng masasakyan para makauwi na ako. Nagugutom na rin ako. Gusto ko ng kumain.
Hindi nagtagal, may huminto ng pampasaherong jeep kaya agad akong sumakay. Mabuti na lang at maluwag iyon. Gusto ko ko kasi maluwag—pero sa jeep lang. Napangiti ako bigla. Kung anu-ano na lang ang iniisip ko. Iba!
Nang dumating na ako sa villa, naglakad na ako papasok. Habang tahimik na naglalakad, may humintong sasakyan sa tapat ko. Hindi ko na iyon pinansin at nauna ng maglakad. Baka si Busilak lang iyon at maghahasik na naman ng kabaitan sa mundo. Sariwa pa sa akin ang ginawa nila kanina ng Ate niyang si Banal—Banata de coco. Siya naman si. . . pinag-iisipan ko muna nang maigi kung ano ang bagay. Dahil maldita siya, nararapat lang sa kanya ang magandang pangalan para iba. Hmm, Busisig? Busilaklak? Busilalat? Ah! Busit! Siya si Busit.
Bumusina na ang sasakyan pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko na hahayaan na paglalaruan na naman ako ng babaeng iyon. Nakarami na sila sa akin. Kaya ang dapat na gawin ko ay tumahimik na lang at hindi na pansinin. Ang sabi nga ng iilan, silence is the best revenge. Masubukan nga kung epektibo ba sa akin.
“Sasakay ka o hindi?” may pagbabantang tanong ng isang babae.
Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig. Hindi ako magkakamaling si Madam Liyab iyon. Paglingon ko, siya nga at nakairap pa siya sa akin. Binuksan ng driver ang sasakyan kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa na sumakay. Nasa tabi niya ako at nasa likuran namin si Madam.
“Madam, magandang hapon. Pasensiya na po kung hindi ko kayo pinansin. Akala ko kasi si Ma’am Busilak. Kanina kasi ay niloko nila ako. Papasakayin daw nila ako, pero nang sumakay na ako. . . bigla naman silang umalis,” pagkuwento ni Lakas.
Nagsitayuan ang balahibo ko nang wala akong narinig na sagot—ni isang salita. Nakakahiya pala magsalita ng mag-isa na may mga tagahanga sa gilid. Madam? Ano na? Kapag ako tinigasan dito? I-dog style kita riyan sa likuran para iba. Biro lang.
“Kumusta ang mga bulaklak?” seryosong tanong ni Madam.
“Malulusog po. Mamayang hapon po, tatanggalin ko po ang mga ligaw na damo,” sagot ko.
Hindi na naman sumagot si Madam. Mukhang dapat ko ng sanayin ang sarili ko na magsasalita lang siya kung gusto niya.
“Madam, magluluto po ako ng yema mamaya para sa tinda ko po bukas. May pugon po ba kayo?”
“Sa kusina ka na.”
“Pero mahal po ang gas.”
“Ikaw ba ang magbabayad?” tanong niya. Naririnig ko sa boses niya ang pagmamaldita.
“Pero kung may pugon po kayo. Doon na lang po ako.”
Napakagat na lang ako sa ibabang parte ng aking labi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko rin naman kaya magluto araw-araw sa stove nila. Kahit libre pa iyon, parang hindi maganda tingnan. Ayaw ko rin na may masabi ang dalawang maldita sa mansion. Wala pa man silang ginawa, pero nararamdaman ko ng meron kapag malaman nilang ginagamit ko ang stove nila sa pagluluto.
Pagdating namin sa mansion, una ng lumabas si Madam ng sasakyan. Nilingon ko muna si Manong driver at nagpasalamat sa kaniya.
“Salamat, Manong. Mauna na ako, ah? Iba ka po magmaneho,” sabi ko.
“Pasensiya ka na kanina, Hijoh. Hindi ko ginusto iyong nangyari kanina. Napag-utusan lang ako ng dalawa,” paliwanag ni Manong.
“Naiintindihan ko po. Mukhang sasanayin ko na ang sarili ko na mga maldita ang anak ni Madam,” sabi ko.
“Iyong dalawa lang ang may mahabang sungay. Kahit kami sa quarters, iyong dalawa talaga ang pinag-uusapan namin. Mga walang modo. Ibang-iba si Hiyas sa kanila.”
“Mukha nga po. Si Hiyas, pinapansin po ako. Marunong din siya ngumiti. Iyong dalawa po, parang kakainin ako nang buhay.”
“Akala nga namin maldita lang iyon sa amin dahil hindi kami kapogian. Pero nang hindi ka pinasakay kanina, natanggalan ako ng tinik. Kahit pala gwapo, pagmamalupitan nila.”
Napatawa ako. “Grabe ka sa natanggalan ng tinik, Manong.”
“Oo, totoo. Pinaghihinaan na nga kami ng loob na baka malupit lang sa amin ang dalawang iyon dahil hindi kami pinagpala katulad mo. Pero dahil sa ginawa nila sa iyo, hindi pala talaga mukha namin ang may problema. Ugali na pala talaga nila.”
“Salamat sa papuri, Manong. Pero ano. . . lahat ng likha ng Diyos—magaganda.”
“Salamat.”
“Walang anuman. Pero kung gusto ninyo po bumili ng yema ko. May tinda po ako, ah? Tag piso lang po. Available na bukas.”
“Malayo ang mararating mo, hijoh.”
“Sana nga po. Sige na po, kakain pa ako sa loob. Gutom na ako.”
Pagbaba ko sa sasakyan, agad na akong tumungo papasok ng mansion. Nang nasa tapat na ako ng pinto, tinanggal ko na ang sapatos ko at binitbit papasok. Habang naglalakad, nasa sofa si Madam at umuupo.
“Lakas,” sambit ni Madam.
“Yes po?”
“Size ng paa mo?”
“12 po.”
“May sapatos ang asawa ko roon sa kwarto. Hindi pa niya iyon nagamit. Ihahatid ko lang mamaya.”
“Talaga po? Hala, Madam! Salamat po. Iba ka po tal—oo po at salis na ako. Salamat po.”
Binilisan ko na ang paglalakad nang inirapan na ako ni Madam. Muntikan ko ng nakalimutan na ayaw niya sa maingay. Pero ang bait niya sa akin, ah? Gamit iyon ng asawa niya pero ibinigay niya sa akin. Gusto niya kaya akong sumunod sa asawa niya? O maging asawa niya? Pero kasya kaya ang akin sa kanya? Hala! Iba ka, Lakas! Biyuda na iyon, virgin ka pa. Hindi siguro pwede ang ganoon.
Napangiti na lang ako habang naglalakad. Sa tingin ko, malapit na akong mababaliw rito sa loob ng mansion. Ang dami lang weird sa loob. Iba!
Pagdating ko sa kuwarto, agad akong nagbihis ng damit pangbahay. Isang plain black t-shirt at jagger shorts. Sa totoo lang, nabili ko ang mga ito dahil sa kita sa yema. Halos nga lahat ng mga gamit ko. Kaya minsan, hindi ko mapipigilan na puriin ang sarili ko.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Pagdating ko roon, nagpaalam na ako kay Tita Cora na kumain. Isa pa naman siya sa nagluluto kaya dapat lang magpaalam ako sa kanya.
“Kumain ka na riyan,” sabi ni Tita Cora.
“Salamat po, Tita. Mukhang ang sarap lagi ng niluluto ninyo, ah?”
“Oo. Hindi kasi uso ang pagtitipid dito. Isa na rin iyon sa bilin ni Sir Buhay bago siya pumanaw. Alam mo ba kung bakit ganoon si Sir?”
“Hindi po. Bakit po?”
“Kasi nagmula rin sa hirap si Sir. Ramdam niya tayo. Naging house boy rin siya at ramdam niya ang pangangailangan ng katulad natin. Kaya noong yumaman siya, ipinangako niya sa kaniyang sarili na maging mabuti siya sa mga kasama nila sa bahay.”
Napangiti ako. “Wow naman. Sana nakuha man lang nina Banana de coco at Busit ang ugali ng ama nila.”
Humalakhak si Tita Cora. “Hoy! Baka marinig ka.”
“Naiinis lang kasi ako, Tita. Pinagtripan na naman ako kanina. Niloko nila akong pasakayin pero noong sasakay na sana ako ay nagpaharurot na ng takbo sila. Ang sama, ’di ba? Iba!”
“Mukhang iba nga!” napailing-iling siya. Kumuha siya ng pitsel at inilagay sa mesa. “Sanayin mo na lang ang sarili mo. Wala na tayong magagawa sa dalawang iyon.”
“Salamat, Tita. Oo nga po. Sinanay ko naman. Pero aaminin ko na nasaktan ako kunti. Siguro kung hindi ako mahirap, hindi ko mararanasan na bully-hin ng mga babae.”
“Nagpapansin lang iyon kasi gwapo kang binata.”
“Hindi naman siguro. Sige na po, kakain na muna ako. ’Wag ninyo po ipagkalat ang tawag ko sa dalawang iyon, Ta, ha?”
Tumango si Tita Cora. “Kami lang siguro ni Dora ang makakaalam.”
“Yes po.”
Napabuntonghininga na lang ako. Sana naman tumigil na ang dalawang iyon. Mabuti na lang ay kahit maldita si Madam, may soft side rin. Bibigyan ba naman ako ng sapatos. Sana sariling produkto nila iyon. Hindi ko pa naman kayang bilhin ang sapatos nila.Bagaman may mura, iba pa rin iyong mga sapatos nila na may kakaibang halaga.
Hindi pa man ako nagsimulang kumain, dumating si Madam na bitbit ang tatlong karton ng sapatos. Iniligay niya ito sa mesa at saka umalis. Agad ako napatayo at sinundan ito.
“Salamat, Mahal!” sigaw ko.
M-Mahal? Patay ka, Lakas! Anong klaseng bibig iyan! Nakakahiya ka! Paglingon ni Madam sa akin, agad akong napayuko nang makita ang pagtaas ng kilay niya. Minsan, hindi rin nakakatuwa ang pagiging maingay ko. Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. Madam dapat iyon at hindi mahal. Ang bilis ko naman! Iba!
~~~