LAKAS SILANGANAN PAGDATING NAMIN SA tapat ng mga rosas, gugupit na sana si Madam ng ilang piraso niyon. Ang ginawa ko, pinahinto siya. Napalingon naman siya sa akin kaya sinenyasan ko siya na ako muna. Hindi ako sumagot sa kanya gamit ang bibig ko kung hindi ang pagturo ng nguso ko sa gunting na hawak niya. Ang sabi ko, ibigay niya ito sa akin. Dahil matalino siyang babae, inabot niya ito sa akin. Tinanggap ko naman iyon nang may pagmamahal. Ano raw? Iba! “B-Bakit?” tamad niyang tanong. “Napansin ko lang po na mali ang pagputol ninyo ng bulaklak. Dapat po ganito,” sabi ko. Ipinakita ko sa kaniya ang tamang paggupit. Habang nakatingin siya sa akin, kinindatan ko lang siya. Tanging pag-irap naman ang sagot niya sa akin pero wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga sa akin, nagawa ko ang