LAKAS SILANGANAN “CONGRATULATIONS, MR. SILANGANAN at sa grupo mo,” sabi ng professor namin sa Research. “Salamat, Sir, Ma’am!” masaya kong sabi. Nilingon ko ang dalawang kasama ko. “Iba!” “Salamat, Lakas! Ang lakas talaga!” sabi ng kasama ko. Napangiti ako. “Sa labas na pala tayo.” Muli kong nilingon ang mga panelists. “Mauna na po kami. Salamat sa lahat.” Paglabas namin ng classroom, agad akong napatalon sa sobrang saya. Ilang linggo rin ako naging seryoso dahil sa title defense sa Research namin. Napaka-strict ng mga panelists kaya mas dumadagdag pa iyon sa kaba ko. Maraming rejected sa amin kahit iyong isa sa pinakamagaling sa klase namin. Kahit malakas akong tao pagdating sa academics, nawala iyon bigla. Pero dahil nagtagumpay kami sa pagdipensa ay kailangan namin magdiwang. Simpl