LAKAS SILANGANAN GABI NA AT nasa loob na ako ng kwarto. Habang kumakain kanina, hindi ko mapigilang mapatingin kay Banal. Ang lungkot lang ng mga mata niya at halatang wala siya sa kanyang sarili. Nagtanong nga si Madam kung ano ang nangyari sa kanya pero wala siyang balak na sabihin ang totoo. Hindi man lang niya pinansin si Madam at parang wala lang narinig. Naiintindihan ko naman siya roon dahil wasak ang puso niya. Ang mahalaga, kinakaya niya. Ang iba nga, nagkukulong pa sa kwarto at nagpapakagutom. Mabuti hindi siya ganoon. Alam ko pala ang lahat ng kinikilos ni Banal dahil sabay akong kumain sa kanila kanina. Nakakahiya man pero tiniis ko ang lahat ng iyon dahil iyon ang gusto ni Madam. Ang sabi niya... “Lakas, sumabay ka na rito sa amin.” Napangiti ako nang muling maalala iyon