LAKAS SILANGANAN
NANG NATAPOS AKO sa paglilinis sa garden, nagpahinga na muna ako sa kubo. Gusto ko lang makaipon ng enerhiya para may lakas pa ako mamaya. Panget naman kasi kung mahina ako tapos Lakas ang pangalan ko.
Magluluto pa pala ako ng yema maya-maya tapos magbabalot pa ng mga isang libong piraso. Isang napakalaking wow na lang para sa sarili ko. Ibang kasibagan iyan, Lakas! Deserve mo siguro ng biyuda. Si Madam? Biro lang.
Kahit maganda at mayaman si Madam, hindi naman siguro ako papatol sa mas matanda sa akin. Pero bakit ko ba iniisip ang mga bagay na iyon? Hindi rin naman siguro papatol si Madam ng kasing-edad lang ng anak niya. Pakiramdam ko lang iyon. Sa tingin ko, iyong tipo niya ay katulad ng asawa niya. Ganoon lang kasimple.
Napabangon naman ako nang makakita ng itlog ng ahas. Siguro, ito na lang ang ilalaga ko mamaya at ibibigay iyon kay Hiyas. Biro lang! Itlog ng hinaing na manok ang nakita ko. Sana lahat ay ginawan ng pugad. Sino kaya ang may kakayanan na gumawa niyon dito sa mansion? Ang mga guwardiya kaya? Sila Tita? Si Madam? Ang dalawang demonyi? O ang nag-iisang anghel na mukhang hilig sa itlog? Sana naman sa lahat ng sinabi ko ay may tumama para iba.
Lumapit na ako sa pugad ng manok at tinititigan ang itlog. Napangiti naman ako sa katotohanang makinis ang mga iyon. Ibang-iba lang sa itlog ko na kulay maroon. Hindi lang iyon, kulubot pa na parang pinagkaitan ng mundo.
Hindi ko na sinubukan galawin ang itlog at baka dumating pa ang hinaing manok at tukain pa ako. Paano kung mamatay ako sa tuka ng manok? Paano kung hindi nila makuha ang hustisya sa pagkamatay kk? Pero bakit parang ang OA ko? Iba?
Tumawa na naman ako mag-isa. Sa tingin ko, nababaliw na talaga ako. Pero seryoso, masaya lang talaga ako. Una, binigyan ako ni Madam ng mga sapatos. Pangalawa, mabait si Hiyas kahit mukhang trip ang itlog ko. Pangatlo, mabait ang mga tita ko rito. Pang-apat, kayo na mag-isip at naubusan na ako ng pwedeng sabihin. Pagod nga ako, ’di ba?
Bumuntonghininga na ako. Sa tingin ko, ang ingay ko na. Mas mabuti pa sigurong bumalik na lang ako sa mansion.
Pagdating ko sa mansion, agad din ako dumiretso sa kuwarto para kunin ang mga kasangkapan ng yema ko. Nang nasa kamay ko na ang mga iyon, bumalik na ako muli sa labas. Hindi na ako sa garden pumunta kundi sa kusina sa labas. Sa tingin ko, kapag may handaan, doon nila niluluto ang iba.
Pagpasok ko sa kusina, hindi nga ako nagkamali na may pugon. Iginiya ko ang tingin ko sa paligid at naghanap ng gamit na pwedeng paglutuan. Nang may nakita akong kawali at sandok, kinuha ko iyon.
Hinugusan ko muna muli ang mga iyon sa lababo rito sa kubo. Nang natapos, sinimulan ko na ang magpa-apoy ng kahoy. Marami rin pala silang nakasibak na kahoy rito. Sino kaya ang gumagawa? Baka sa susunod, ako na. Pero okay lang! Wala naman akong reklamo sa mga ganyan.
Habang hihintay na umapoy ang kahoy, kinuha ko muna ang kasoy sa cellophane at diniktik nang hindi masyadong pino. Gusto kong may laki nang kunti para kapag natunaw ang yema sa bibig ay may kasoy pang pwedeng paglaruan sa bibig. Kagat-kagatin. Roar.
Minsan, hindi lang kasoy ang nilalagay ko sa yema ko. May pagkakataon din na prutas. Katulad ng; mangga, durian, at iba pa. Ganoon lang naman kadali gumawa ng yema. Mabuti na lang, wala pang nagreklamo na hindi masarap iyong gawa ko. Kung meron man, malulungkot ako dahil pinaghirapan ko iyon. Pero tanggap ko naman na hindi lahat ay magkapareha ng panlasa. Basta para sa akin, sa karamihan ako maniniwala. Kailan ba naging higit ang isa sa dalawa? Iba!
Nang umapoy na ang mga kahoy na nilagay ko, sinunod ko na ang kawali para uminit iyon. Pagkatapos, binuksan ko na ang mga gatas na kailangan ko. Sampong lata rin iyon. Ganoon karami para mas malaking pera ang maiuuwi ko. Para sa mga kapatid ko, gagawin ko ang lahat.
Nang umusok na ang kawali, kumanta muna ako ng Kitchie Nadal medley para hindi pa matapos ang kanta, lumipad na ang kawali sa ibang planeta. Biro lang! Bagkus, inilagay ko na ang mga gatas doon.
Minuto ang lumipas, natapos din ako sa paggawa ng yema. Tinakpan ko muna ito dahil baka dapuan ng langaw at hindi ko hahayaan iyon. Pagkain kaya itong paninda ko kaya sinisigurado ko ang kaligtasan ng mga mamimili ko. Hindi lang iyon, pinagkatiwalaan din nila ako kaya hindi ko sisirain ang tiwalang iyon.
Habang hinihintay na lumamig ang yema, naggupit muna ako ng pangbalot ko. Kulay pula iyon lahat dahil paboritong kulay ko iyon. Siguro dahil malapit lang din ang kulay niyon sa ulo ng p*********i ko. Ano raw? Nagkakasala na naman ako sa Diyos. Sa tingin ko, ako lang siguro iyong tipo ng tao na maginoo pero medyo bastos (sa pag-iisip nga lang). Pero sa aktuwal? Ang bait ko.
Nang natapos ako sa paggunting ng mga pangbalot, naisipan ko na sa loob na lang magbalot. Natatakot lang ako na baka may masaling lamok sa yema ko. Kahit nasa villa ang mansion nila Madam, hindi maiiwasan ang dami ng mga insekto dahil sa lifestyle na napili nila. Lapitin sila ng mga insekto dahil sa mga nakapalibot na mga puno at halaman. Sa napag-alaman ko, pamilya Santibañez din ang may may-ari ng villa at apatnapung porsiyento ng lupa ay sakop nila.
Una kong ihinatid ang yema sa loob. Pagdating ko roon, ibinilin ko iyon kay Tita Dora dahil kukunin ko pa ang mga pangbalot sa kubo. Nilinis ko na lang din muna ang mga kalat ko roon para wala silang masabi sa akin. Ang sabi ko kay Tita, ’wag niyang iwanan ang yema hangga’t hindi pa ako makabalik. Natatakot lang ako na baka biglang darating ang mga demonyo at may gagawing kababalaghan sa yema ko. Kahit wala pa silang nagawa, nakikita ko ng pagdidiskitahan nila ang yema ko. Kung mangyari man iyon, aalma na talaga ako. Para sa pamilya ko kaya ang lahat ng ito tapos gagawan lang nila ng masama? May hardf*ck sila sa akin.
Pagbalik ko sa kusina, nandoon pa rin si Tita kaya nakaginhawa na ako nang maluwag. Napahawak pa ako sa dibdib at hinimas iyon. Masaya lang ako.
“Walang ibang pumasok, Ta?” tanong ko.
“Wala pa naman.”
“Salamat po. Pwede po bang dito muna ako? Magbabalot lang po ako.”
“Sure. Sa gilid ka lang dahil tutulungan ko si Cora sa paghihiwa ng gulay.”
“Okay po.”
Nagsimula na akong magbalot. Napanguso naman ako nang maalala na wala pala akong paglalagyan ng yema. Ayaw ko rin naman ilagay sa cellophane lang dahil pakiramdam ko hindi maganda tingnan.
“Ta? Pwede po ako manghiram ng plastic tupperware po?” tanong ko.
“Pasensiya na, Lakas. Hindi ako pwedeng magdesisyon nang ako lang. Magpaalam ka kay Madam.”
“Ganoon po ba? Sige po. Ta, ’wag kang umalis po, ha? Alam mo na. Baka darating bigla iyong mga demonyo.”
Napatawa si Tita. “Oo na. Safe itong yema mo sa akin.”
“Salamat po.”
Tumakbo na ako palabas ng kusina. Nang papalapit na ako sa sala, dahan-dahan na ako sa paglalakad. Natatakot lang ako na makita ni Madam na magaslaw. Hinanap ko na siya sa sala at sana naman nandito siya. Pero hindi ko siya nakita at mukhang wala siya rito.
Nang tumalikod na ako para bumalik sana sa kusina, muli akong napalingon nang may narinig na boses. Pagtingin ko, si Madam. May kasama naman siya na isang lalaki na alam kong may lahi. Mas matangkad siya sa akin nang kunti. Napatitig naman ako sa itsura niya. Hindi nagtagal, napangiti na lang ako bigla.
“I have a big project here that is why I’m urgently came back,” sabi ng lalaki.
“Congrats then,” sagot ni Madam.
“Obrigada (thank you),” sagot ng lalaki.
Napanganga ako sa narinig ko. Ang sigurado ako, salitang portuguese ang ginamit niyang pagpapasalamat sa sinabi ni Madam. Nang magtama ang mga mata namin ng lalaki, nagtitigan kaming dalawa. Hindi ko mapaliwanag kung bakit pero may kakaiba.
“Lakas, anong kailangan mo?” tanong ni Madam.
Napabitaw ako sa pagtitig sa lalaki at ibinaling ang tingin kay Madam. Nang nakita ko naman ang mataray na mukha niya, napayuko na lang ako.
“Lakas, tinatanong kita,” paalala ni Madam.
Tiningnan ko na si Madam. “Pwede po ba makahiram ng tupperware po? Wala po kasi akong mapaglalagyan ng yema po.”
“Go.”
“Thank you po, Madam.” Nilingon ko ang lalaki. “Olá, senhor. Prazer em conhecê-la. Você é sempre bem-vindo aqui nas Filipinas (Hello, sir. Nice to meet you. You are always welcome here in the Philippines),” pagbati ko.
Napangiti ang lalaki. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya makapaniwala na nakapagsalita ako ng portuguese.
“Você pode falar nossa língua. Quão (nakakapagsalita ka ng lenggwahe namin. Paano)?” tanong ng lalaki.
“O meu pai é português (ang ama ko ay isang portuguese),” sabi ko.
“Wow! I’m happy to see someone who is connected to me. Your are?”
“Lakas Silanganan po, sir,” sagot ni Lakas.
“Silanganan? Oh, familiar.”
“It’s a common filipino surname, sir. Anyways, I have to go. Have a nice stay.”
Bago ako umalis, tiningnan ko muna si Madam. Nakatitig lang siya sa akin nang hindi ko mabasa ang ibig sabihin. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Ang hirap basahin.
Pagbalik ko sa kusina, agad kong ibinalita kay Tita ang nakita kong lalaki na isang portuguese. Napataas naman ang kilay niya habang nakikinig sa akin.
“Bakit po?” tanong ko.
“Si Don Thomas Ferreiro iyon. Ang sinabi ko sa iyong arkitekto na gumawa nitong mansion. Ang matalik na kaibigan ni Don Buhay.”
“Wow!” Napakunot ang noo ko. “Pero bakit ganyan ang mukha ninyo po?”
“Mukhang may gusto kasi iyan kay Madam. Pansinin mo ang kilos.”
“Talaga po? Pero wala naman po sigurong masama. Biyuda na naman si Madam.”
“Pero paano kung gusto na niya noong buhay pa si Don Buhay? So parang tiniraydor na rin ni Don Thomas ang amo namin,” paliwanag ni Tita.
“May punto po kayo, Ta. Pero sana ’wag na lang po muna natin husgahan ang tao. Mukhang mabait naman po,” sabi ko.
“Ikaw bahala. Pero kung totoo man ang kutob namin. Ekis ako para sa kaibigang traydor,” sabi ni Tita.
Hindi na ako sumagot at bumuntonghininga na lang. Pero bakit ganoon nila husgahan ang tao? Iba! Sa tingin ko, mabait naman si Don Thomas. Naramdaman ko iyon noong kinausap niya ako. Nakikita ko rin sa mga mata niya kung paano siya tumitig sa akin.
Hindi nagtagal, napangiti na lang ako nang pakiramdam ko ay may hawig kami. Siguro dahil pareha kaming portuguese? O hindi kaya makapal lang ang mukha ko. Iba!
~~~