LAKAS SILANGANAN “MANONG, MAY BISCUIT ka po? Pwede po makahingi,” tanong ko. Bumuntonghininga ako. Tumunog ba naman ang tiyan ko. Mukhang nagsasayawan ang mga bulate ko sa tiyan. Muntikan ko lang makalimutan na iniwasan ko pa lang mananghalian kanina dahil sa kaba sa title defense. Ang kinatatakutan ko, baka mas lalo lang akong makaramdam ng pananakit ng tiyan. Ganoon naman kapag kinakabahan, ’di ba? Parang may matigas na duming sumilip mula sa ating nga pwet. Iba! “Pasensiya na, Hijoh. Wala na akong pagkain,” sagot ni Manong. “Grabe naman, Manong. Harap-harapan mo akong pinagdadamutan.” Tinuro ko ang biscuit sa harapan nila ni Madam. “E, kanino pala iyan? Grabe siya sa akin.” “Kay Madam Liyab iyan,” sagot niya. “P-Po?” tanong ko. Nilingon ako ni Madam kaya muli akong napalingon sa