LAKAS SILANGANAN PAGPASOK NAMIN SA mansion ay unang bumungad sa mga mata ko ay ang kagandahan ni Madam. Nasa sofa lang siya nakaupo habang nanunood ng movie. Napangiti naman ako nang makita kung ano ang pinanood niya dahil nakita ko na iyon. Maganda iyon. Sobra. “Good evening, Madam. Ang ganda po niyan. Kaso mamatay ang lala—” Napalingon sa akin si Madam habang nakataas ang kilay. Makikita sa mukha niya ang inis. Siniko naman ako ni Hiyas kaya napalingon ako sa kaibigan ko. “Ano ka ba! Bakit mo sinabi?” mahinang sabi ni Hiyas. “Pasensiya na. Carried away lang ako,” sabi ko. “Ipagpatuloy mo, Lakas. Sa iyo na lang ako makikinig,” sarkastikong sabi ni Madam. “Pasensiya na po talaga, Madam. Hindi ko po sinadya. Ayaw ko lang kasi na masaktan ka dahil katulad ni Sir Buhay ay mamatay din