LAKAS SILANGANAN NANDITO AKO SA hardin at kakatapos ko lang magdilig ng mga halaman ni Madam. Nakasandal ako sa isang malaking puno para magpahinga. May hawak naman ako sa aking kamay ng isang pulang rosas dahil balak ko ito ibigay kay Madam pagkabalik ko sa mansion. Para mas makaayos ako ng upo dito sa damuhan, inilagay ko muna ang rosas sa bibig ko at itinukod ang mga kamay ko sa damuhan. Napapikit naman ang mga mata ko habang hindi mapigilan na mapangiti nang biglang lumakas ang hangin. Pumasok kasi iyon sa boxers kong kulay pula. Hindi ko rin mapagkaila na nakaramdam ako ng ginaw dahil wala akong suot na damit. Hinubad ko iyon kanina. Dahil sa malamig na hangin, ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama iyon. Ang sarap lang sa pakiramdam. Iba pa rin talaga ang natural na lamig.