LAKAS SILANGANAN “FOLLOW ME, SIR,” sabi ko. Inges iyon kasi professor ang kausap ko. Nagsimula na akong humakbang habang si Sir Grey ay sumusunod lang sa akin. Wala naman akong takot na naramdaman dahil alam kong hindi niya ako sasaktan. Ang ginawa ko na lang, naghanap kung saan pwede kami mag-usap na wala masyadong tao. Ayaw ko rin naman na may makakaalam ng sekreto nila maliban sa amin ni Hiyas. Sa tingin ko, kung hindi kami binantaan ni Banal na isumbong ay hindi ilalabas ni Hiyas ang alam niya tungkol sa kapatid. Kung dati pa lang ay alam ni Hiyas ang tungkol doon at inilihim niya iyon nang ganoon katagal, malamang ay hinayaan na lang niya ang kapatid sa ginagawa nito kahit alam niyang mali ito. Enabler man siya kung tawagin pero alam kong ginawa niya lang iyon dahil mahal niya ang k