LAKAS SILANGANAN PAPAUWI NA AKO mula sa aming unibersidad at dumiretso na muna ako sa kung saan ang unibersidad nila Hiyas. Gusto ko lang sunduin siya para sabay na kaming umuwi. At isa pa, gusto ko rin makausap iyong professor na karelasyon ni Banal para matigil na ang relasyon nila na hindi talaga maganda. Kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo, mali iyon. Pakialamero nang kung pakialamero pero gagawin ko ang gusto ko—pipigilan ko sila. Magalit man sa akin si Banal, wala na akong pakialam doon. Kung isumbong niya kami kay Madam, wala na rin akong pakialam doon. Magsisinungaling na lang din ako at sasabihin na nagmamahalan kami ng anak niya. Kahit mahirap ako, matatanggap din naman siguro niya ako para sa anak niya. Napangiti ako bigla dahil sa sinabi ko. Ang yabang ko lang sa parteng