LAKAS SILANGANAN “HIYAS, SUSUNDUIN KA ni Manong, ’di ba? Pwede bang sasabay na lang ako sa iyo?” sabi ko. Ang lapad ng ngiti ko nang makitang tumango siya sa hiling ko. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari dahil ang mahal ng pamasahe. Sa sitwasyon kong ganito, ang hirap pala magkaroon ng relasyon kasi parang aasa lang ako sa maging kasintahan ko. Iyong ako ang lalaki pero parang babae pa ang gagastos sa akin? Ang panget lang tingnan kasi parang hindi naman ako sapat na lalaki para tratuhin nang ganoon. Iba? “Yup. Pero bago tayo uuwi. Kakain na muna tayo,” aniya sabay hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya na hawak ang kamay ko. Hindi nagtagal, ipinasok ko iyon sa loob ng pantalon ko. Biro lang! Ang ginawa ko sa kamay niya, hinawakan din nang mahigpit kasi iyon ang nararapa