Rochelle Dianne's POV
"Kumain na tayo, lo!" masayang hiyaw ko habang inihahanda sa ibabaw ng hapag kainan ang itlog na maalat na may sibuyas.
Pumasok sa maliit na hapag kainan namin si lolo. Ang mahal kong lolo.
"Kumusta ang pag de-deliver mo ng mga paninda mo? Ayos ba? Nagbayad ba lahat?" tanong ni lolo sa akin at naupo na siya sa plastik na silya namin.
Naupo na rin ako sa bilog na silya namin at nagsandok ng kanin sa pinggan ng lolo ko.
"Maayos naman po, lo. Nagustuhan nila ang mga order nila sa akn at nagbayad naman lahat pero may epal sa Divisoria kanina," inis na saad ko ng maalala ko na naman ang manong na 'yon.
Mukhang nasa bente-sais pa lang siya pero mukha na siyang manong para sa akin. Gwapo man siya, sa isip ko naman ay para siyang palaka na saksakan ng pangit. Lahat ng pulis ay pangit sa paningin ko.
"Sino naman kaya ang nakaaway mo ngayon, Rochelle?" natatawang tanong sa akin ng lolo ko.
Noon pa lang alam na talaga niya na palagi akong napapaaway. Sa totoo lang suki na nga kami ng barangay dahil palagi na lang akong may nasusuntok na tambay.
"Haynako, lolo Wil—"
"Tao po?"
Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang boses ng lalaking 'yon kasabay ng pagkatok. Napatayo agad ako sa silya ko at kunot ang noo na nagtungo sa pinto.
"At ano namang ginagawa mo rito sa bahay namin hah?! Mamang pulis!" inis na hiyaw ko ng makita ko na naman ang pulis kanina sa Divisoria.
Ang lakas talaga ng apog ng pulis na 'to. Hanggang bahay ba naman namin, susundan ako?
"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Magkikita pa tayo?" nakangising saad nito at basta na lang siyang pumasok sa bahay namin.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero ang lokong 'to lumapit pa sa luma naming sofa at naupo roon na parang welcome na welcome siya sa bahay namin.
"Umalis ka na nga rito! Ang kapal ng mukha mo hah! Hindi porket pulis ka pwede ka nang pumasok agad-agad sa bahay namin!" inis na inis na sigaw ko.
Pinapainit niya talaga ang ulo ko. Mahina ba ang kita niya kaya gusto niya talaga na makahuthot sa akin?
"Ano ba 'yan, Rochelle? Ang ingay-ingay mo na naman," sita sa akin ni lolo na kalalabas lang sa hapag kainan namin.
Napatingn ako kay lolo na nakatingin pala sa mamang pulis. Napaharap muli ako sa pulis na 'to na Ethan yata ang pangalan. Nakatayo na siya ngayon at nakangiti sa lolo ko.
"Magandang gabi po," magalang na sambit nito sa lolo ko.
"Magandang gabi rin," bati pabalik ng lolo ko. "Kasintahan ka ba ng apo ko—"
Mabilis akong napatingin kay lolo, "Lolo! Hindi ko nga po kilala ang mamang pulis na 'yan at pumasok na lang siya basta sa bahay natin!" anas ko. "At bakit naman po ako magkakagusto sa pulis? Wala akong panahon makipaglokohan lalo na sa mga pulis na sumisira naman ng buhay."
Muling bumalik ang tingin ko sa pulis na 'to at nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya.
"Ano bang kailangan mo hah? Wala akong pera pambayad sa'yo. Sa susunod na lang kaya umalis ka na sa bahay namin," utos ko sa kanya.
Sigurado naman ako na ang pera lang ang habol niya sa akin kaya nag effort pa siya a hanapin ang bahay namin.
"Hindi naman bayad ang pinunta ko rito—"
"Eh ano naman ang gusto mong makuha, mamang pulis?
"Hindi nga ako mamang pulis," madiing saad nito sa akin. "Ethan. Ethan Gian Fuentes ang pangalan ko—"
"Wala akong pakealam sa kung ano man ang pangalan mo. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang ganap mo rito sa bahay namin," rebat ko at hindi siya hinayaan na matapos ang sasabihin niya.
"Tama na 'yan," singit ni lolo at naglakad patungo sa gitna namin. Humarap sa akin si lolo. "Bisita siya rito, Rochelle. Kumalma ka."
Laglag ang panga ko kay lolo. Alam naman niya kung gaano ako kagalit sa mga pulis pero bakit parang okay lang sa kanya?
"Anong sadya mo rito, iho?" kalmadong tanong ni lolo kay Ethan. Ang mamang pulis na saksakan ng epal.
Itinaas ko ang dalawang braso ko at pinagkrus ito sa harap ng dibdib ko habang masama ang tingin sa mamang pulis.
"Nagpunta po ako rito para alukin ng trabaho si Rochelle—"
"H'wag mo kong tawaging Rochelle! Hindi tayo close," inis na saad ko.
"Rochelle, hayaan mong magsalita ang tao," sita sa akin ni lolo.
Napairap na lamang ako. Hindi naman akong naniniwala na tao ang epal na 'yan.
"May nagawa po kasing kasalanan ang apo n'yo. Nagkalat siya at alam naman po natin na iniiwasan na ng Maynila ang kalat lalo na ang plastik para iwas baha. Saksakan ng tigas ang ulo ng apo niyo kaya sinipa at sinuntok niya ako makatakas lang sa akin kanina," pagsusumbong ng pulis na 'to.
Akala ko ba ang pulis ang subungan ng tao eh bakit siya ngayon ang nagsusumbong sa lolo ko?
"Sabi na nga ba at may ginawa ka na namang kalokohan, Rochelle. Kailan ba darating ang araw na wala ka ng sisipain, susuntukin o sasampalin?" tanong sa akin ni lolo.
"Kapag wala ng epal sa buhay ko," anas ko.
Bakit kasi hindi pa mawala sa mundo lahat ng mandarambong?
"Bakit ba kasi ayaw mo pa kog diretsuhin sa gusto mo hah?" inis na saad ko sa kanya.
Ang dami niya pang sinasabi. Pwede naman niyang sabihin na sa akin ng diretso kung ano talaga ang gusto niyang gawin ko ng dahil lang sa pagtatapon ko ng plastik sa kalye.
"Maging yaya ka ng alaga ko. Hindi ka makukulong, hindi ka na magmumulta at mas lalong hindi ka na gagawa ng isang buwan na community service—"
"Ano ka hilo?" natatawang tanong ko sa kanya. "May negosyo ako na dapat unahin kaysa ang maging katulong mo."
Ang lakas talaga ng apog nito. Akala naman niya papayag ako sa gusto niya. Halos isumpa ko na nga ang bawat pulis na makakasalubong ko tapos gusto niya na maging yaya ako?
"Magkano ba kinikita mo? Pwede ko namang double-hin," mahinahon na saad niya.
Talaga nga naman oh. Minaliit pa ang pera na kinikita ko.
"Alis! Umalis ka na ngayon pa rin! Mas gugustuhin ko na mag community service kaysa ang maging yaya ng alaga mo—"
"Fifty thousand. Fifty thousand per month kapalit ng pagiging yaya mo sa alaga ko. Hindi mo na kailangan mag buhat at magbilad sa initan. Ang gagawin mo na lang ay ang mag-alaga."
Laglag ang panga ko sa sinab niya. Fifty thousand? Hindi ko basta-basta makukuha 'yon sa pag o-online seller ko.
"Isang buwan mo lang naman aalagaan ang alaga ko tapos aalis ka na rin. Kailangan ko nag talaga ng taong magtitiis sa alag ko."
Hindi ako makaimik dahil napapaisip din ako sa fifty thousand na kikitain ko. Konting tiis nga lang dahil makikita ko ang pagmumukha niya sa loob ng isang buong buwan.
"Kung desidido ka, Miss may dala ng echo bag na nagkakalat... Pumunta ka sa prisinto. Sabihin mo lang ang pangalan ko. Maghihintay ako sa'yo bukas."