Rochelle Dianne's POV
Mahirap ang buhay pero sa tingin ko may mahirap makipagsiksikan sa mga tao rito sa Divisoria sa sobrang dami.
"Padaan, padaan, padaan..." tuloy-tuloy na saad ko sa mga taong sobrang bagal maglakad.
Ang bigat-bigat na nga ng mga pinamili ko tapos ang tagal pa nitong mga tao sa harap ko kung lumakad.
Punong-puno ang echo bag na nakasukbit sa balikat ko. May hawak pa akong tatlong plastik sa isang kamay ko na lahat ay puro mga gamit para sa mga order sa akin ng customer ko.
"Araw naman, miss!" sita sa akin ng isang babae na nabangga ko ng echo bag.
Hindi ko na siya nilingon pa dahil baka mapatulan ko lang ang babaeng 'yon. Kailangan kong magmadali para makauwi na dahil siguradong hindi pa nakakainom ng gamot ang lolo ko na naiwan sa bahay.
Ganito na ang buhay na kinalihan ko. Sa loob ng twenty-four years ko sa mundo halos nilaan ko na ang buhay ko sa pagiging online seller para matustusan ang mga pangangailangan namin ng lolo ko na nag-iisang pamilya ko.
Ang mga magulang ko, matagal ng patay kaya hindi ko na nagawang makapagtapos pa ng pag-aaral. Hindi naman pwedeng si lolo ang magtrabaho dahil tumatanda na rin siya at may sakit pa siya.
"Palamig! Palamig! Palamig!" sigaw ng vendor ng gulaman.
Naglakad ako palapit sa vendor ng palamig. Kabi-kabilaan ang ingay dito sa Divisoria at sinabayan pa ng sobrang init ng panahon.
"Isa nga. Sa sampung piso na," sambit ko.
Dumukot ako ng sampung piso sa bulsa ng maong short ko at inabot sa nagtitinda. Napataas ang kanang kilay ko ng makita ko si manong na nakatingin sa dibdib ko habang nagsasandok ng gulaman.
"Manong, 'yang mata mo baka gusto mong tusukin ko!" asik ko kay manok at tinaas ang v-neck t-shirt kong puti na bumababa.
Mga tao nga naman. Hindi mapigilan na tumingin sa kung saan-saan.
"H'wag mo kasing ipakita," iritadong sagot niya sa akin.
Nahalakhak ako sa sinagot ni manong na hindi na bago sa akin. Kinuha ko ang gulaman ko at uminom dito habang matalas pa rin ang pagtitig ko sa nagtitinda na 'to. m******s.
"Alam mo manong, ang bobo mo. Eh kung nakawin ko kaya 'yang gulaman na tinda mo at sabihin ko sa'yo na h'wag mo kasing ipakita para hindi manakaw?"
Hindi nakasagot si manong sa sinabi ko kaya tumaas ang sulok ng labi ko.
"Sa susunod, bawas-bawasan ang pagiging manyak."
Itinapon ko ang plastik na baso ng gulaman niya at tumalikod na sa vendor.
Wala ba siyang anak na babae at ang bastos niya? Ang e-engot talaga ng mga tao ngayon.
"Miss! Tumigil ka!" narinig ko ang sigaw ng isang matinis na boses sa likod ko pero hindi ko nilingon.
Hindi ko naman kilala ang boses na 'yon at mas lalong hindi ako pilingera para isipin na ako ang tinatawag niya.
"Babaeng may dalang echo bag!"
"Sino ba 'yon?" bulong ko sa sarili ko pero mas lalo ko lang binilisan ang paglalakad ko.
Mabuti na lang at hindi na masyadong maraming tao rito sa parte 999 mall.
"Babaeng maganda!"
Doon na ako kusang lumingon sa likod ko na sana ay hindi ko na lang pala ginawa dahil nakita ko lang ang isang pulis. Napairap ako sa pulis at tumalikod na agad ako sa kanya.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko papunta sa sakayan ng jeep pauwi para lang hindi ako maabutan ng pulis na 'yon. Ayoko pa naman sa lahat ay ang nakakakita ng pulis. Nakakainis ang pagmumukha nilang lahat at at walang ibang ginawa kundi ang manghuthot ng pera.
"Sandali!"
Nabitawan ko ang hawak kong supot ng biglang may humawak na kamay sa akin. Napaharap ako at agad kong sinampal ng malakas ang pulis.
"Ano ba hah?! Sunod ka nang sunod hah!"
Wala akong pake kung nasampal ko man siya pero ayoko talag sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong posisyon. Ang mga pulis ang dahilan kung bakit nawalan ako ng mga magulang kaya sobrang bilis kumulo ng dugo ko sa tuwing nakakakita ako ng pulis gaya ng isang 'to.
"Sinampal mo ko?" gulat na gulat na saad ng mamang pulis habang nakahawak siya sa pisngi niya.
"Bakit? Ipakukulong mo na ko porket sinampal kita?! Eh ikaw nga 'tong sunod nang sunod sa akin at hinawakan mo pa ang kamay ko!"
Pinulot ko ang plastik na pinamili ko at inayos ang echo bag sa balikat ko. Muli akong napatingin sa mamang pulis. Ang gwapo niya at matangkad pero hindi ko siya type. Nakakasuka ang makakita ng pulis.
"Alam mo, Miss na mukhang mainit ang ulo kaysa sa araw—"
"Excuse me pero may pangalan ako!" iritadong sigaw ko sa kanya.
Napapatingin sa amin ang ibang tao na namimili pero wala akong pake. Wala namang mawawala sa akin dahil hindi naman ako katulad ng iba na mayaman at mapapahiya.
"Anong pangalan mo?" mahinahon na tanong sa akin ng pulis na 'to.
Inilabas ko saglit ang dila ko para madilaan siya na may halong pang-aasar.
"Hilo ka ba? Bakit ko naman ibibigay sa isang mamang pulis ang pangalan ko?"
Ayaw ko nga sa mga pulis tapos ibibigay ko ang pangalan ko sa kanya?
"Gusto ko lang naman ipaalam sa'yo na nagkalat ka." Itinaas niya ang plastik na baso kung saan ako uminom ng gulaman kanina.
"So ano? Ipapakulong mo naman agad ako gano'n?" iritadong tanong ko sa kanya.
Ang mga tao nga naman. Lahat gagawin basta magkapera.
"Hindi pero kailangan mong maparusahan. Kaya hindi lumilinis ang Maynila dahil sa mga taong katulad mo na kalat nang kalat."
Tinawanan ko na lang siya at tinalikuran pero hindi pa ako nakakahakbang ng hablutin na naman niya ang braso ko.
"Saan ka naman pupunta?" tanong nito.
"Uuwi na ako dahil ayokong sayangin ang oras ko sa'yo—"
"Community service. Isang buwang community service kapalit ng pagkakalat mo," madiing saad nito sa akin tulad ng paghawak niya sa braso ko na sobrang diin.
"Sira ka ba? Dahil sa pagkakalat ko ng maliit na plastik, paglilinisin mo na ko?"
Ang lalaking 'to gusto talaga na iniinis ako. Eh kung sapakin ko na lang siya?
"Kung hindi ko gagawin 'yon, hindi ka matututo sa ginawa mo at uulit-ulitin mo ang pagkakalat. Matanda ka na pero ang utak mo mukhang bata. Ang kalat mo." Napakuyom ang kamay ko at gusto ko na talaga siyang sapakin.
Ang lakas talaga ng loob ng pulis na 'to porket may posisyon siya.
"Maliban na lang kung gusto mong magmulta at makulong. Pwede kitang ikulong dahil pinagbabawal na ang pagkakalat pero nagkalat ka pa rin. Hindi lang 'yon dahil pinagbantaan mo rin ang tindero ng gulaman."
Ginigigil talaga ko ng pulis na 'to tapos ako pa ngayon ang nagbanta? Ako na minanyak na nga.
"Mukha kang pera. Nang dahil sa pagkakalat ko, gusto mo na agad na magmulta ako? H'wag mo naman ipahalata na mukha kang pera," nakangising saad ko sa kanya.
Mukhang gusto pa ng isang 'to na makuha ang pera na inipon ko para sa bayad sa kuryente. Ang malas nga naman oh. Bakit ba ang kotongerong pulis pa ang nakita ko ngayon.
"Hindi mo ba ko kilala hah?" nanliliit ang mga mata niya sa akin.
Inalis ko ang kamay niyang nasa braso ko at umatras ako para magkadistanya kami. Baka mamaya mahawa pa ko sa pagiging epal niya.
"Sino ka ba? Artista ka ba?" sarcastic na tanong ko sa kanya.
Matangos ang ilong niya, mapungay ang mga mata, magandang katawan at gwapong mukha pero hindi siya artista. Sino ba kasi ang manong na 'to?
"Ethan Gian Fuentes, ang chief of police ng Maynila na pilit mong kinakalatan."
"Oh hi Ethan," nakangising saad ko. "May regalo pala ko sa'yo dahil nakilala kita."
Bumuwelo ako at agad sinipa ang p*********i niya.
"Aray!" hiyaw niya sa sakit habang nakahawa sa paglalalaki niya.
Hindi pa ko nakuntento at tinaas ko pa ang kamao ko at sinuntok ang pisngi niya.
"Aray," mahinang daing ko.
Ang kapal nga talaga ng mukha ng pulis na 'to. Ako na ang nanuntok sa kanya pero ako pa ang nasaktan.
"Sige, una na po ako mamang pulis," magalang na saad ko sa pulis na may halong pang-aasar habang nakayuko siya at todo hawak sa p*********i niya.
Tumalikod sa kanya at hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Nakasapak ako ng isang pulis at nasipa ko pa ang pinakainiingata niya. Kaya ayokong naiinis e. Nananapak na lang kasi ako bigla kapag naiinis ako. Buti nga sa kanya. Ang epal kasi.
"Amazona kang babae ka! Humanda ka sa'kin! Magkikita pa tayo!"