Episode 05

2405 Words
Rochelle Dianne's POV "Sa susunod na makita ko kayo na naglalaro nang naglalaro sa prisinto, iba na ang haharapin niyo. Seryosohin niyo naman ang trabaho niyo! Kaya ang daming magnanakaw dahil wala kayong ginawa kundi ang matulog at maglaro. Prisinto 'to!" Pinanood ko lang si Ethan na nagsisigaw sa mga pulis na nasa harapan namin ngayon. Sampung pulis ang sinesermonan niya dahil pagdating namin dito sa prisinto, bumungad agad sa amin ang mga pulis na nagsusugal na parang hindi pulis. Akala ko wala siyang ibang ginawa bilang chief of police ng Maynila, kundi ang tumawa na lang. Mali pala ako dahil mukhang nauubos din talaga ang pasensya niya. Akala ko pa nga hahayaan niya lang ang mga pulis e pero nagulat ako ng magsimula siyang magsisigaw. "Kaya dumarami ang magnanakaw dahil kayong mga pulis, walang ibang ginawa kundi ang kumabig ng sweldo at maupo na lang! Hindi kayo pinapasweldo para tumambay sa prisinto na 'to!" galit na galit na sigaw niya. Walang ibang tao sa loob ng detention room na 'to kundi ang sampung pulis, kaming dalawa ni Ethan at si Shoti na karga-karga ko. Sabi niya, kailangan kasama niya ko kahit saan siya magpunta kaya napapanood ko tuloy siya ngayon kung paano magalit. "Nakakahiya kayo! Ano na lang ang sasabihin ng chief of Philippines national police hah? Pinapahiya niyo ako! Labas bago pa maubos ang pasensya ko sa inyo!" hiyaw niya na dumagungdong sa loob ng apat na sulok ng kwarto. Mabilis naman na nagsilabasan ang sampung pulis na kanina ay parang mga tanga na nakatayo sa harapan namin. "Punyeta nga naman," asik niya at padabog na hinila ang isang upuan at naupo siya roon. Hinele ko naman si Shoti dahil sigurado akong nagulatang siya sa mga pagsigawa kanina. Baby pa si Shoti at ang pagkakaalam ko limang buwan pa lang siya. Hindi ako makaimik dahil mainit nga talaga ang ulo niya. Hindi ko alam na marunong pa lang uminit ang ulo niya. Pero infairness dahil hindi siya na nakit kahit kitang-kita ko ang pagiging galit niya. "Nagugutom ka na ba?" kalmadong tanong niya bigla sa akin. Napairap ako sa kanya dahil bigla na lang siyang naging kalmado matapos niyang magsisigaw kanina. Pabibo rin siya hah. Pwede naman siyang magsisigaw kahit na ako ang kasama niya. "Hindi pa pero ang aso mo sa tingin ko kanina pa nagugutom," sambit ko at napatingin kay Shoti. Hinila ko ang maikling buhok ko palayo sa kanya dahil kanina pa niyang dinidilaan. Akala yata niya pagkain na ang buhok ko. Hindi ko naman maibab si Shoti dahil wala siyang tali at baka kung saan pa siya maglulusot. "Saan mo ba gustong kumain?" tanong niya sa akin. "Hindi nga ako nagugutom. Ang alaga mo ang nagugutom!" iritadong sambit ko sa kanya. Kanina pa siya hah! Sinabi ko na nga na hindi ako ang nagugutom pero ako pa rin ang tinatanong niya. "Pero saan mo nga gustong kumain?" nakangiting tanong niya sa akin. Itinaas niya pa ang kamay niya at ipinatong niya ang siko niya sa ibabaw ng lamesa at napangalumbaba. "Sinisimulan mo na naman ba kong inisin?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan na kumawala ang inis ko. Alam kong matutuwa siya kapag nakita niya kong naiinis kaya gusto kong pigilan ang sarili ko. Ang saya-saya niya kapag nagagalit ako habang ako tuwang-tuwa kapag nakikita siyang galit at walang ngiti sa labi. "Hindi. Bakit naman kita iinisin?" painosenteng tanong niya sa akin. Ang lakas talaga ng apog niya. Kailan kaya mawawala ang yabang ng isa 'to? Dapat matakot naman siya sa akin at matigil na siya sa pang-aasar niya dahil baka hindi talaga ako makatagal ng isang buwan sa kanya. "Gusto ko lang naman itanong sa'yo kung saan mo gustong kumain para roon na tayo dumiretso," aniya. "Kahit saan," labag sa loob na saad ko para lang manahimik na siya. Ang ingay-ingay kasi niya at naririndi ako sa tuwing naririnig ko siya. "Hmm... Gusto mo ba ng ice cream? Baka sakaling mabawasan ang init ng ulo mo," aniya. "Bahala ka nga!" asik ko sa kanya at tinalikuran na siya. Nakakainis talaga siya. Naglakad na ko papunta sa pinto ng detention room at mabilis binuksan ang pinto at padabod din na sinara ito. "Dianne, mag hot fudge na lang tayo. Mukhang kailangan mo ng matamis sa katawan," aniya at sigurado kong nasa likod ko lang siya. Hindi ko na siya nilingon pa. Nakakairita siya. Nauubos talaga ang pasensya ko lalo na kapag nakikita ko ang unipormeng suot niya. Bakit kasi naging pulis pa siya? Mas lalo lang tuloy akong naiinis. "Buti na lang talaga nariyan ka dahil nawawala ang inis ko," aniya. Napatingin ako sa kanya nang sabayan na niya kong maglakad. Ang laki talaga ng biyas nitong lalaking 'to pero ang pasensya ko, hindi. "Oo na, mukha na akong clown," sarcastic na saad ko sa kanya. Maghintay lang talaga siya dahil makakaganti rin ako sa lahat ng pang-iinis niya sa akin. Darating din ang araw na siya naman ang maiinis ko. Lintek lang ang walang ganti. "Hindi naman sa clown ka—" "Manahimik ka na lang. Saan ba tayo bibili?" tanong ko sa kanya at huminto sa paglalakad ng makalabas kami ng prisinto. Bakit ba parang ang bagal ng oras ngayon? Kanina pa ko naiinis at gusto ko na siyang mawala sa paningin ko pero tanghali pa lang. "Bibili tayong hot fudge tapos kumain tayo sa restaurant," aniya. Tumango na lang ako sa kanya at nagsimula na ulit kaming maglakad. Sinundan ko lang kung saan siya gagawi. Hawak ko sa kaliwang kamay ko si Shoti habang ang kanang kamay ko naman ay hinihimas ang likod niya dahil napapakalma ako nito sa inis ko sa mamang pulis na 'to. Ang galing talaga ng tadhana dahil inilapit niya talaga ko sa isang pulis. Sa pulis pa talaga na kinaiinisan ko. Kung wala lang talagang perang involve ngayon baka inaayos ko na ngayon ang mga post ko sa f*******: para sa online store ko. "Wala bang lalaking may gusto sa'yo kaya ganyan ka kasungit?" tanong niya na naman. Hindi ko alam kung kailan ba siya mauubusan ng tanong sa akin. Inis na inis ako sa kanya dahil hindi kayang tumagal ng bunganga niya na huwag magsalita. Wala pang limang minuto kaming naglalakad papunta sa sinasabi niyang bibilhan ng hot fudge pero may bago na naman siyang tanong. "Eh ikaw? Wala bang babaeng may pake sa'yo kaya pinapakialaman mo at nanghihimasok ka sa may buhay na may buhay?" rebat ko sa kanya. Sa totoo lang hindi naman mahirap ang mag-alaga sa aso niya lalo na ang binubuhat ko lang naman ang cute na 'to. Pero ang mahirap ay ang pakisamahan ang amo niya na saksakan talaga ng epal. Nang umulan yata ng kaepalan, nasa baha siya at todo langoy kaya nakuha niya lahat. "Sa totoo lang maraming babae ang nagkakandarapa sa akin—" "Ew! Sino naman kaya ang mga babaeng nauntog, tanga, bobo na magkakagusto sa'yo?: nandidiring saad ko. Yikes talaga! Hindi ko ma-imagine na may babaeng nagkakagusto sa kanya lalo na ang nagkakandarapa. Sira na ba ang ulo nila para magkagusto sa ganyang klaseng lalaki? "Marami. Hindi mo ba talaga ko kilala? Kalat na kalat ang larawan ko sa social media dahil sa mga babae sa Maynila na may gusto sa akin. Minsan pati nga artista may gusto sa akin," pagmamalaking saad pa niya. Kinikilabutan talaga ako sa mga pinagsasabi ngayon ni Ethan. Hindi man lang siya nahiya sa aso na kasama namin at sobrang hangin niya. Sana talaga nainis na lang siya buong araw para wala siyang kakapalan ng mukha ng mukha ngayon na mag biro. "Kawawa ka naman, Shoti," kunwaring malungkot na saad ko habang nakatingin ako sa aso niya. "Ngayon alam ko na kung bakit walang nakakatagal na mag bantay sa'yo dahil sa amo mo na saksakan ng kakapalan ng mukha at sobrang hangin pa. Kawawa ka naman." Napahinto ako sa paglalakad ko ng makita ko ang isang pares ng sapatos na nakaharang sa harapan ko at alam ko na agad kung kanino 'yon dahil nakilala ko ang pants niyang pampulis. Nagtaas ang ulo ko at nakita ko si Francoise na nakangiti na naman. Hindi man lang ba siya sisimangot kapag ako ang kaharap niya? Kailan ba siya magiging buknutin kasi ako mino-minuto na akong bugnutin simula ng makasama ko siya kaninang umaga. "Bakit nakaharang ka? Ano na naman ba?" iritadong tanong ko sa kanya. Kumawala ang malakas na pagtawa sa labi niya at namulsa ang dalawang kamay niya. Napatigin siya sa bandang kanan niya at muli rin niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. "Narito na kasi tayo," aniya. Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko ang maliit na fast food ng mcdo. Naamoy ko agad ang halimuyak ng fried chicken pero kahit ba ng huli akong pumasok sa fast food? Halos sampung taon na rin... Huling pasok ko pa at kain diyan, noong buhay pa ang mama at papa ko. "Anong ginagawa natin dito?" blangkong ekspresyon na tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa mcdo. Alaala ng nakaraan ang nasa utak ko. Kung gaano kasaya at perpekto ang pamilya na mayroon ako noon kahit na mahirap lang kami. Jeepney driver lang ang tatay ko at labandera naman ang mama ko. Simple lang ang mga magulang na mayroon ako noon at kahit sobrang simple namin, hindi pa rin namin nakakalimutan na kumain sa ganitong lugar. Tuwing malaki ang kita ni mama at papa, palagi nila akong dinadala sa ganito para kumain ng masarap. "Ayos ka lang?" Mabilis akong napatalikod sa gawi niya at napatingala para pigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Ayokong nakikita niya kong umiiyak dahil baka asarin na naman niya ako. "Mag-order ka na lang ng bibilhin mo. Aantayin kita rito," walang ganang saad ko ng hindi pa rin siya nililingon. Hanggang ngayon, masakit pa rin. Gusto ko na lang maalala ang mga magulang ko at mapangiti pero bakit ganito? Minsan mapapatulala na lang ako dahil umeepekto na naman ang kahinaan ko. Bakit sobrang daling kalimutan ang masasayang alaala pero ang sakit parang habang-buhay ko ng maalala. Umayos ako ng tayo ng mawala ang panunubig ng mga mata ko. Napatingin ako sa likod ko at wala na nga si Ethan. Nang magawi ang tingin ko sa pila ng take-out sa mcdo nakita ko siya na nakatayo sa harap ng stall habang may sinasabi pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatingin. Nagbaba na lamang ako ng tingin at hinimas-himas ko ang si Shoti. Alam kong mahirap pero dapat kong kayanin. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako mamatay ng hindi nakukuha ang hustiya. "Dianne." Napataas ang ulo ko at nakita ko siya na may hawak na isang baso na may laman na ice cream. Nakalahad ang kamay niya sa akin at siguradong para sa'kin 'yon. "Hawakan mo na lang muna. Hawak ko si Shoti," kalmadong saad ko. Inalis niya ang takip ng ice cream at pinanood ko siya na sumandok mula roon. Akala ko kung saan niya dadalhin ang kutsara pero sa tapat lang pala ng labi ko. Nagsalubong tulong ang kilay ko. "Ano na namang eksena 'to, Ethan— Ahm!" Bigla na lang niyang isinubo sa akin ang ice cream at nilamon ng malamig na ice cream ang bibig ko. Sinamaas ko siya ng tingin dahil sa bigla na lang niyang pagsubo sa akin ng kutsara. Pag-uugali talaga nito hindi ko na matantya. "Susubuan na lang kita tutal hawak mo naman ang alaga ko," aniya. Pakiramdam ko may dumi na dumapo sa labi ko. Subuan daw ba ako? Ang kulit talaga ng lalaking 'to hah. "Akala ko ba hot fudge hah? Eh bakit ice cream 'yan?" salubong ang kilay na tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang naestatwa sa sinabi ko. Napataas ang sulok ng labi ko dahil mukhang ngayon niya lang nalaman ang katangahan niya. Hot fudge raw pero malamig ang binili niya. Sira ba siya? "Seryoso ka ba?" tanong niya sa akin habang gulantang pa rin. "Mukha bang mahilig akong makipagbiruan? Joke ba ko sa'yo?" tanong ko sa kanya. Siya lang naman 'tong sobrang hilig na magbiro at hindi rin naman nakakatawa. Siya lang 'tong parang ang hilig makipag lokohan kahit na halata namang hindi ko gusto ang presensya niya sa tabi ko. "Jesus, Dianne!" Inilapit niya sa akin ang ice cream na nasa baso at itinuro ang itim na chocolate na nasa ibabaw nito. "Ito ang hot fudge. Kaya tinawag na hot fudge ang ice cream na 'to dahil sa hot chocolate fudge na nasa ibabaw pero ice cream pa rin 'yan na malamig." Napakagat labi ako dahil talagang napahiya ako roon. Hindi ko alam 'yon hah. Malay ko ba na 'yon pala ang hot fudge. "Dedmahin mo na lang sinabi ko!" asik ko sa kanya. "Hindi rin naman masarap ang ice cream nila." Hinakabang ko ang paa ko at nauna na sa kanyang maglakad. Napakagat labi ako dahil sa kahihiyan na sinabi ko. Naiinis na nga ako sa kanya tapos napapahiya pa ako ng ganito. Bwisit nga naman talaga oh. Bakit ganito? "Dianne!" sigaw niya. Hindi ako huminto sa paglalakad ko kahit na sinisigaw na niya ang pangalan ko basta tuloy-tuloy lang ako. "Wala riyan ang kakainan natin. Ibang way na 'yan!" sigaw niya na agad kong kinaharap sa kanya. Laglag ang balikat ko at napairap pa ako sa kanya. Ilang beses ba kong magmumukhang ewan sa kanya ngayong araw? Unang araw ko pa naman 'to tapos hindi man lang naging maganda. Ito pa naman ang unang trabaho ko dahil buong buhay ko puro na lang ako sa sariling negosyo ko. Unang araw sa trabaho, unang trabaho tapos palpak tapos nakakainis pa dahil isang pulis ang naging amo ng inaalagaan ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi na hindi pala rito ang daan papunta sa kakainan natin?" inis na saad ko at padabog na naglakad pabalik sa gawi niya. Hindi ko alam kung na nanandya na ba talaga siya na inisin ako. Bakit ganyan ang ugali niya? Hindi ko na talaga matantya kahit na unang araw pa lang naman ako sa trabaho na 'to. "Kasalanan ko pa talaga eh ikaw nga 'tong bigla-bigla na lang naglalakad palayo sa akin." Sinamaan ko siya ng tingin dahil parang may kasama pang drama ang pagkakasabi niya. Ano na naman ba ang gusto niyang palabasin ngayon? "Alam mo kahit ganyan ka, gustong-gusto ko pa rin na nakikita ka. Makita ko lang ang mukha mo na kahit busangot, napapasaya mo pa rin ako, Dianne."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD