Rochelle Dianne's POV
Ibang klase talaga ang pulis na 'yon. Yayamanin. Akala ko simpleng up and down lang ang bahay niya pero nakatira pa pala siya sa ganito kamahal condominium.
Napairap na lamang ako at pumasok na sa elevator na kabubukas lang. Muntik pa nga kong hindi papasukin dahil sa suot kong maong short at spaghetti strap na top. Mabuti na lang sinabi ko ang pangalan ko at papunta ako sa chief nila na saksakan naman ng epal.
Mga tao talaga sobrang judgemental. Alam ko naman kasi na iniisip kanina ng security guard dito na baka budol ako. Kapag talaga ako nakapagsuot ng magandang damit baka mawindan sila at isipin na ako ang may-ari ng condo na 'to.
"Bakit ba kasi nakatira ang lalaking 'yon sa pinakatuktok?" iritadong tanong ko habang nakatingin sa likod ng elevator na sinasakyan ko kung saan kitang-kita ko ang pagliit ng mga tao.
Ang dami kasing alam. Bakit ba bumili siya ng bahay na lumulutang lang sa hangin? Dapat mismong bahay sa village na lang ang binili niya. Ang tanga nitong mamang pulis na 'to kasi kapag lumindol, siguradong dedo siya.
"Salamat naman!" saad ko ng bumukas na ang elevator dahil nasa pinakatuktok na ako.
Humakbang ako palabas ng elavator at bumungad agad sa akin ang mahabang pasilyo at puro kulay puti pa.
"Nakakatakot naman ang bahay nito. Para akong naglalakad papunta sa langit," saad ko at nagsimulang humakbang.
Sa dulo ng mahabang pasilyo ay may isang kulay pulang pinto na parang dadalhin naman ako sa impyerno. Bakit ba ganito ang bahay niya? Kung hindi lang dahil sa fifty thousand na pa sweldo niya baka wala ako ngayon dito.
Imbyerna ang kulay ng pinto niya. Sa tingin ko dapat palitan ng kulay gold kaysa sa pula.
Huminto ako sa paglalakad ko sa harapan ng pinto niya at kumatok. Nakakatatlong katok pa lang ako ng bumukas ang pinto.
"Umagang kay pangit," inis na saad ko nag makita ko si Ethan na ngiting-ngiti na naman sa akin.
Mukhang bagong ligo pa siya dahil amoy na amoy ko ang pabango niya at nakaayos na rin ang unipormeng suot niya.
"Pasok ka," masayang saad niya at binuksan pa ang pintuan niya.
Naiinis ako dahil pangiti-ngiti na naman siya sa akin. Ayaw na ayaw ko pa naman na ngumingiti siya dahil naiinis ako.
"Ang pangit ng kulay ng pinto mo," agad na saad ko paghakbang ko papasok sa bahay niya.
Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng bahay niya at puro baril lang ang nakita kong nakadikit sa pader ng penthouse niya. Naglakad ako papunta sa sala ng bahay niya at pati kulay ng sofa niya at pula. Halatang bahay ni satanas hah.
"Ang pangit din ng kulay ng sofa mo. Bakit pula?" naiiritang saad ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis sa tuwing nakakakita ako ng pulang bagay. Naalala ko lang ang kulay ng dugo ng papa ko.
"Pumunta ka ba rito para mag trabaho o para sitahin ang gamit ko na kulay pula?" tanong niya kaya napaharap ako sa kanya.
Ngumiti ako ng plastik sa kanya kahit na gusto kong bungangaan siya. Hindi maganda ang gising ko dahil ang aga-aga ng oras na gusto niyang mag trabaho ako tapos nakita ko pa siya.
"Nasaan nga pala ang alaga ko?" masayang tanong ko sa kanya.
Gusto ko na lang makapagtrabaho na agad dahil wala akong panahon makipagemehan sa kanya. Sigurado kasi na mas lalo lang akong maiinis.
"Oo nga pala," aniya at naglakad paalis sa harapan ko.
Nagsalubong ang kilay ko at sinundan siya ng tingin kung saan siya pupunta. Nakita ko ang pagpunta niya sa isang kwarto. Ilang sandali lang at lumabas siya bitbit ang isang maliit na aso.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong buhat-buhat niya na puting maiteses. Hindi ko akalain na 'yon ang ipapaalaga niya sa akin.
"Akin na ang alaga ko!" excited na saad ko at tumakbo papunta sa kanya at kinuha ang aso.
Hindi naman pala nakakasama ng loob ang pagpunta at ang pagtratrabaho ko rito dahil sobrang cute ng aso niya. Hinalik-halikan ko ang aso niya na sobrang bango.
"Hello cutie!" masayang sambit ko.
Gustong-gusto ko talaga ang mga aso. Ang sarap nilang yakap-yakapin kaysa sa mga lalaking manloloko.
"Mukhang magiging maayos naman pala kayo ni Shoti," sambit ni Ethan pero hindi ko siya pinansin at tinuon ko lang ang atensyon ko sa aso niya. "Wala kasing makatagal sa aso ko."
Bakit naman walang makatagal sa aso niya e sobrang cute nga? Baka naman walang makatagal sa amo ng aso niya kasi ang pakialamera.
"Tara na. 'Di ba aalis ka at kailangan kasama mo kami?" tanong ko sa kanya habang yakap-yakap ko maigi ang aso niya.
Tumango na lang siya sa akin at naglakad na siya palabas at sinundan ko naman siya. Mabuti na lang at sobrang amo talaga ng aso niya.
"May check up si Shoti ngayon kaya dumaan muna tayo sa vet clinic. Tuwing Lunes ang vet check up niya at h'wag mong kalilimutan 'yon," pagpapaalala niya sa akin habang naglalakad kami.
Mabuti na lang talaga ta isang aso ang alaga ko. Kasi kung isang batang pasaway baka ma-stress ako nang ma-stress.
"Ito lang ba ang paalagaan mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
Sa totoo lang gusto ko pa ng maraming aso na aalagaan. Tsaka kung iisipin sobrang swerte ko naman sa fifty thousand tapos mag-aalagan lang ako ng aso niya sa sobrang cute.
"Oo," sagot niya at lumabas kami ng penthouse niya.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mahinang matawa nang dila-dilaan ni shoti ang dibdib ko. Naka-spaghetti strap top lang ako kaya kitang-kita ang cleavage ko.
"Shoti, behave!" inis na saad ni Ethan sa aso niya habang tinatahak namin ang mahabang puting pasilyo.
Napatingin ako kay Ethan at sinamaas siya ng tingin dahil sa pagsigaw niya sa aso niya. Kawawa naman si Shoti dahil mukhang natakot sa amo niya at napatigil sa pagdila sa akin.
"Pati ba ang ginagawa ng aso, pakikialaman mo pa rin hah?" sita ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot sa akin at pumasok na kaming dalawa sa elevator. Siya na rin ang pumindot para sumara ito.
"Hindi na ako magtataka kung bakit walang nagtatagal na mag-alaga sa aso mo dahil ang sama ng ugali mo. Nanahimik naman 'yon aso pero sinigawan mo agad," inis na sambit ko.
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang nakakakita ng hayop na kinakawawa lalo na kung aso 'to. Mahal na mahal ko ang aso lalo na ang ko noon na namatay din dahil sa aksindente na halos sampung taon na ang nakalipas.
"Ayusin mo na lang ang damit mo, Dianne." Napatingin ako sa kanya na katabi ko na lang na nakatayo sa gitna ng elevator.
Gusto ko na naman siyang sapakin at sa mata na sana dahil kung makatingin 'to sa taas ng dibdib ko parang may gustong gawin.
"Baka mamaya lumuwa pa ang dibdib mo."
Diyos ko! Kung hindi ko lang talaga hawak ang cute na aso na 'to baka nasuntok ko na talaga siya.
"Alam mo, mamang pulis, manahimik ka na lang diyan. Ang dami mo na namang sinasabi e," inis na saad ko.
Hindi niya ko sinagot at bigla na lang niyang kinuha sa akin ang alaga niyang aso.
"Ayusin mo ang damit mo," utos niya sa akin.
Sinamaas ko siya ng tingin pero sa huli itinaas ko pa rin ang damit ko na bumababa. Ang arte niya. Siguro may nararamdaman siyang kakaiba sa tuwing bumaba ang damit ko. Mga kalalakihan nga naman oh.
"Akin na ang alaga ko," sambit ko at agad naman niyang inabot sa akin si Shoti.
Kapag nakakakita ako ng aso parang gusto ko na ito na lang ang makasama ko pang habang-buhay. Parang gusto ko rin na mag-alaga na lang ng aso kaysa ng sarili kong anak.
"Linggo nga pala ang rest day mo. Tuwing Linggo ka walang pasok," aniya at napatango na lang ako.
Gusto kong maging masaya dahil hindi ko makikita ang mukha niya pero si Shoti. Kung pwede nga lang baka ninakaw ko na sa kanya ang cute niyang aso.
Sobrang mahal kasi ng ganitong aso at hindi ko kayang makabili.
"May pasok din ang pulis 'di ba kahi Linggo?" tanong ko dala ng kuryosidad.
"Oo, bakit?" tanong niya sa akin pabalik.
"Kung gusto mo, iuuwi ko na lang sa bahay namin si Shoti tutal nasa trabaho ka naman," suggestion ko.
Gusto ko kasi talaga na makasama ang ganitong klaseng aso.
"Hindi pwede. Baka mamaya kung ano pang makuhang sakit ng aso ko," sambit niya.
Ang kapal talaga ng mukha nito. Kahit naman maliit lang ang bahay namin, malinis naman 'to. Baka nga mamaya mas malinis pa ang bahay namin kaysa sa pagkatao niya.
"Kung gusto mo, pumasok ka na lang ng Linggo," aniya pa.
"H'wag na," mabilis na sagot ko. "Para naman may pahinga 'yong mata ko kahit isang beses sa isang Linggo. Nakakaumay kaya kung araw-araw na lang akong makakakita ng isang pulis na pakialamera."
Baka maaga akong tumanda nito dahil sa kanya kung araw-araw ko na lang siyang makikita.
"Saan ba ang punta natin ngayon hah?" tanong ko na lang sa kanya.
Bumukas ang elevatorat bumungad sa amin ang isang parking lot. Nauna siyang lumabas at agad naman akong sumunod habang bitbit ko si Shoti.
"Sa intramuros. Kailangan kong bisitahin ang lugar do'n at bisitahin ang prisinto kung nag tratrabaho ng mabuti ang mga pulis doon. Dumadami na naman kasi ang bilang nag magnanakaw sa Intramuros at puro pa mga dayuhan ang nanakawan."
Napairap na lamang ako habang sinusundad ko ang paglalakad niya. Nagtanong lang naman ako kung saan kami pupunta pero ang dami na agad niyang sinabi.
"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin ng makarating kami sa isang kotse pang pulis. "Kumain muna tayo bago dumiretso sa intramuras baka sakaling mabawasan ang pagiging asungot mo sa akin," aniya pa.
Tanga ba siya? Hindi ba niya alam na kahit anong kainin o nasaan man kaming lugar, maiinis pa rin ako hanggat siya ang kasama ko.
"Kumain na ako. Ikaw na lang ang kumain," saad ko at pumasok sa kotse na pinatunog niya.
Sa harapan ako nakaupo ngayon at kandong-kandong ko si Shoti sa ibabaw ng hita ko.
"Ang aga mong pumunta sa penthouse ko tapos na kakain ka na niyan?" gulat na tanong niya pagpasok na pagpasok niya ng sasakyan.
Sinadya ko talaga na kumain na sa bahay at maaga magising dahil baka hindi ako matunawan kung siya ang kasabay ko.
"Marunong kasi akong mag time management ng tama," pabalang na sagot ko at umandar na ang sasakyan niya.
Buong araw kong makakasama ang pulis na 'to. Ano kayang mangyayari sa akin nito? Sana naman hindi agad ako sumuko dahil sayang ang fifty thousand! Kahit nga ang mga fresh graduate, hirap na hirap makuha ang ganitong pera kaya swerte ko na.
"Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa taong magpapasweldo sa'yo?" natatawang tanong niya sa akin. "Hindi ka sanay na may amo ka 'no?" dagdag na tanong niya pa sa akin.
"Excuse me pero ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. At ganito lang talaga ang boses ko. Malakas pero hindi naman ako galit," nakangiting sambit ko habang hinihimas ang buhok ng aso niya.
Napatingin ako sa kanya na nasa akin pala ang tingin niya kaya agad ko siyang inirapan.
Natawa na naman siya at inilipat na niya ang tingin niya sa harap. Naiinis talaga ko kapag tumatawa siya.
"Sa lahat ng naging tagapag-alaga ko kay Shoti, ikaw ang pinakamasungit at amazona. Wala ka talagang takot kahit na pulis ako?" natatawang saad niya.
"Paulit-ulit ka na lang. Hindi ka ba maka-move on porket hindi ako natatakot sa'yo?" inis na tanong ko sa kanya.
Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng hindi takot sa pulis? Tsaka hindi naman nakakatakot ang pulis lalo ang mukha niya na mas bagay sa comedy show dahil palagi na lang siyang tumatawa.
"Bawal ba?" natatawang tanong niya na naman sa akin habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kalye.
Pinagtuunan ko na lang ng tingin ang aso niya. Kapag napapatingin ako sa aso niya, nagkakaroon ako ng pampalubag loob kung bakit siya pa ang naging amo ng aso na 'to. Ang cute kasi ni Shoti at ang sarap pang hawakan ng balahibo niya.
"Sa tingin ko hindi ako mapapagod sa pag tratrabaho ko ngayon," aniya at hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin.
Wala naman akong pake kung mapagod man siya o hindi. Ang gusto ko ay ang alagaan ang aso niya at makuha ang pera ko.
"Sa tuwing makikita ko kasi ang mukha mo na naiinis, tawang-tawa ako na parang wala akong dapat intindihin na trabaho ko."