Rochelle Dianne's POV Saan ba ko dapat lumugar? Pakiramdam ko bawat iniisip ko nababasa ni Ethan. Nalaman niyang nagsisisi ako na nakilala ko siya. Naiinis ako dahil hindi ko na siya magawang sigaw-sigawan tulad noon. Mas pinipili ko na lang manahimik tulad ngayon. "Saan ba rito 'yon?" tanong niya. Hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta ngayon araw. Panibagong araw kasama siya. Kanina pa kami paikot-ikot dito sa Tondo pero hindi pa rin kami nakakarating kung saan nga ba talaga niya balak pumunta. "Alam mo ba kung saan nakatira 'yong matanda na nasunugan ng pera?" biglang tanong sa akin ni Ethan. "Hindi," tipid na sagot ko. So, 'yon pala ang pupuntahan namin. Ang matanda na nasunugan ng pera na kinuwento ni Lolo kagabi. Bakit ba bigla yata siyang nagkaroong ng interest sa mat