Rochelle Dianne's POV Lumayo ako sa kanya. Umiwas ako na makasama ko siya ng matagal dahil hindi ko makayanan ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Naguguluhan ako pero bakit ko naman siya naiisip ngayon? "Diyos ko, buhay ko!" inis na sigaw ko sa sala namin. Napahinto tuloy si Shoti sa pag-iikot na ginagawa niya sa bahay namin. Naglalaro kasi siya mag-isa at kami lang ang narito kasi umalis si Lolo. "Sorry, Shoti," hingi ko ng tawad sa aso ko na parang mage-gets niya kung ano man ang sinabi ko. Tumakbo papunta sa akin si Shoti at agad kong ibinaba ang kamay ko para kunin siya. Dahan-dahan ko siyang binuhat at ipinatong sa ibabaw ng hita ko. Kaming dalawa na naman ang naiwas at pakiramdam ko may kulang na naman. Dapat ayos lang sa akin at wala akong pake pero minu-minuto ko na la