Rochelle Dianne's POV Walang balita at dyaryo na kumalat tungkol sa ginawang pagtulong ni Ethan. Tanging ako at ang matanda lang ang may alam na tumulong siya. Basta bigla na lang naging usap-usapan sa buong Tondo at biglaang paglipat ng matanda ng walang nakakaalam kung ano nga ba ang dahilan. Naghintay ako ng balita dahil umaasa ako na ginawa ni Ethan ang pagtulong para sumikat ulit siya at makuha niya ang loob ng buong mamamaya pero mukhang mali na naman ako. Ayoko pa naman sa lahat ng nagkakamali ako ng hula ko. Nakakahiya, sa totoo lang. "Ang tahimik mo na naman," saad ni Ethan. Napataas ang tingin ko sa kanya na nakaupo ngayon sa silya niya rito sa loob ng opisina niya sa prisinto. "May problema ba?" tanong pa sa akin ni Ethan. Umiling lamang ako at muling dumukot sa dog food