Chapter 3

1576 Words
PAGKATAPOS kumain nila Bella ay agad na niyang inaya si Mara para puntahan ang iba pa nilang kasama sa isla. Alam din kasi niyang kanina pa siya hinihintay ng kaniyang mommy at ayaw niyang magtampo na naman ito. Tama na siguro ang kadramahan nila nang nakaraang gabi. Tama ang mommy niya. Nagpunta sila sa isla para magsaya at makapag-bonding. Hindi naman tama na idamay niya ang pamilya dahil lang sa pagkasawi niya. “Mara! Let’s go!” naiiritang saway ni Bella sa pinsan na patuloy pa rin sa pagsilay sa lalakeng nasa bar counter. Nakalagay pa ang dalawang palad sa pisngi nito na animo’y nagdi-daydreaming. Ilang minuto na rin yata siyang nakatayo sa tapat nito. Kanina pa niya ito inayang umalis pero para itong namamaligno at wala sa sarili. “Wait lang naman, Bella! Bakit ba ang KJ mo?” reklamo naman ng kaniyang pinsan na inirapan pa siya sandali at pagkatapos ay bumalik na naman sa kabaliwan nito.    “At ako pa ang naging KJ ngayon?” hindi makapaniwalang sabi ni Bella. Napabuntong-hininga ito at pagkatapos ay naiiling na nilapitan ang pinsan. “Aalis na tayo o kakaladkarin kita?” pagbabanta niya rito. Pagkarinig noon ay mabilis pa sa alas kuwatro na tumayo si Mara at sinimangutan si Bella. Kinuha na nito ang mga gamit at binigyan pa ng huling sulyap ang binata bago sumunod kay Bella na hinihila na ang kamay niya ngayon palayo. “Sasama ka rin pala, eh!” natatawang sabi ni Bella. “Bakit ba kasi nagmamadali ka? Sinusulit ko lang naman yung biyaya ngayong umaga sa atin!” reklamo pa rin nito. “First time mo makakita ng lalak—" Hindi pa natatapos ni Bella ang sasabihin ay pinutol na iyon ng pinsan. “Gwapong lalake. Take note of that, my dear cousin,” naniningkit ang matang sabi nito. “Whatever!” ang tanging nasabi na lang ni Bella. Hindi ba niya alam sa pinsan kung bakit obsessed na obsessed ito sa mga gwapo. Sa totoo lang, mula pa noon ay marami na itong nagugustuhan o nagiging crush. Pinalampas na lang niya iyon dahil iniisip niyang baka iyon ang paraan ng pinsan para makakuha ng inspirasyon. “You know what, I missed hanging out with you,” mayamaya ay sambit nito. Nang lingunin ito ni Bella ay nakangiti ito nang malapad sa kaniya. Pagkatapos ay iniangkla nito ang braso sa braso niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Minsan naiisip ko na habang tumatanda talaga tayo, mas nagiging komplikado ang mga bagay-bagay. And somehow . . . I was thankful that I really grew up well. Like, you know, iyong tamang proseso. Atleast ngayon, kahit na minsan, ang hirap talaga ng life, wala naman akong pinagsisihan kasi na-enjoy ko iyong noon. At syempre, I am so blessed to have a cousin s***h bestfriend like you.” Napangiti naman si Bella sa sinabi nito at napatingin sa asul na kalangitan na tila inaalala ang mga pagkakataong nabanggit ng pinsan. Those were days na ang sarap balik-balikan para sa kaniya. Tama nga si Mara. Minsan, naiisip din niya na mas komplikado talaga ang mga bagay habang tumatanda ka. Pero wala ka nang ibang dapat gawin kundi laging umabante at lumaban sa agos ng buhay. “You’re being cheesy all of a sudden,” pabirong sabi niya rito. “Iyan ba ang nagagawa ng stressed sa med school?” “Oo? Pwede?” Natatawa siyang binalingan ng pinsan. “But seriously, na-miss nga kasi kita! Maka-graduate lang ako, babawi ako sa iyo.” “Hello? 2 years pa kaya iyon! And remember, you still have a licensure exam to pass. And that’s a load of hell for you,” paalala ni Bella sa pinsan. Yeah, being in med school was not easy. Naaalala pa niya noong nag-aaral pa sila sa College ay naging tambay rin siya sa library dahil dito. Kapag sakto kasing nagtama ang bakanteng oras nila ay sinasamahan niya ito madalas. Kung hindi sa library ay doon sila sa bahay nag-aaral. Ang kakapal ng libro ng mga ito at maya’t maya rin ang lab experiments. Kung hindi nga lang siya takot sa dugo ay baka kasama niya rin itong nasa medical field ngayon. “But still…” Napabuntong-hininga si Mara. “Anyway, we have so much catching up to do. May mga dapat ka yatang ikwento sa akin,” may kahulugang sabi pa nito mayamaya. “Huh? Ano namang ikwekwento ko?” “Kahit ano. About life. Sa career mo. Sa mga pinagkakaabalahan mo lately. At saka sa—” tumigil ito saglit at saka sinundot ang tagiliran niya. “Tell me about your love life.” Natigilan naman si Bella at nag-iwas ng tingin dito. Wala naman siyang pwedeng ikwento tungkol sa love life niya dahil wala siya noon. Naunsyami pa nga. “Anong love ang sinasabi mo diyan? Wala, ano! Focus ako ngayon sa gigs saka sa negosyo. Wala akong panahon sa ganiyan!” mahabang litanya niya. Somehow, totoo naman ang sinabi niya. Isa pa, ayaw niyang pag-usapan si Hans ngayon dahil gusto nga niyang mag-relax. Magkakaroon pa naman siguro ng panahon para maikwento niya sa pinsan ang heart issues niya. “Nasaan na ba si Tita at saka si mommy? Mamimili raw tayo ngayon,” pag-iiba pa niya sa usapan. “Oo nga, ano? Hindi ko natanong exactly kanina kung saan tayo magkikita, eh. Pero nabanggit nga nila na they’re going to buy pasalubong. Well, they’re probably just somewhere—wait! Tawagan ko na nga lang!” Agad namang kinuha ni Mara ang cellphone sa dalang tote bag at mayamaya lamang ay kausap na nito ang mommy nito. “I’m with Mara na, mommy! Nasaan kayo ni Tita Sandy?” bungad nito sa kausap. “Oh, you’re still buying pasalubong? Okay, okay. I get it. We will just ask directions. Isang hilera lang naman ‘yung bilihan ng mga pasalubong dito. See you, mommy! Bye!” Pagkatapos nitong makipag-usap ay binalingan siya nito. “Let’s go?” Tumango lang naman si Bella at nagpatuloy na silang maglakad. Habang naglalakad ay pilit niyang pinapakalma ang isipan dahil sa biglang pagkakaalala kay Hans. ‘Where are you, Hans? Why can’t I stop thinking of you?’ KAGAYA ng napagplanuhan nila sa araw na iyon ay maghapong nagliwaliw at namili ng kung ano-ano sila Bella para gawing pasalubong at memorabilia mula sa resort. Nag-enjoy naman sila at sa sobrang dami talaga ng pwedeng gawin sa isla . . . kahit tumira na yata sila roon ay hindi sila magsasawa. Marami pang nakalatag sa itinerary nila at sa mga susunod na araw ay plano rin nilang bisitahin ang isa pang isla na karugtong ng main resort. Alas dos na nang matapos sila sa pagliliwaliw at pagkatapos noon ay nagdesisyon silang magpahinga muna. Kaniya-kaniyang lakad ang iba nilang mga kasama pero si Bella ay nagdesisyon na bumalik na lamang sa Villa kasama ang pinsan para umidlip muna. Nang magising si Bella ay mag-a-alas singko na ng hapon at wala na siyang kasama sa kwarto. Nang sumilip siya sa labas ay nakita niyang nagkukulay kahel na ang kalangitan. “Hala! Malapit na siguro mag-sunset!” natatarantang sabi niya. Pagkatapos noon ay dali-dali niyang inayos ang sarili at pagkatapos ay gumayak na para pumunta sa dalampasigan. As usual ay papanoorin na naman niya ang sunset. Saglit niyang chineck ang phone niya para tingnan kung may mensahe ang pamilya niya para sa kaniya. Hindi na kasi niya balak na dalhin iyon para makapag-focus siya sa pagre-relax. Ayon kay Mara ay nasa beach area daw ang mga ito at naglalaro ng volleyball. Saglit niya itong ni-reply-an at pagkatapos ay tumuloy na para hanapin ang mga ito. Wala pang limang minuto ay nahanap naman agad ni Bella ang mga ito. Doon lang kasi sila sa hindi kalayuan sa Villa nag-set up ng game. Nang makalapit siya sa mga ito ay saglit lang niyang binati ang lahat at tahimik nang nanood habang nakaupo sa isang tabi. She’s not really in the mood to play. Besides, gusto lang din naman talaga niyang abangan ang papalubog na sikat ng araw. Ilang sandali pa ay naagaw ang atensiyon ni Bella ng pagtawag sa pangalan niya. “Bella! Anak! Come here, join us!” It was her mom. Kumakaway-kaway pa ito sa kaniya at malawak ang ngiti. Nakasuot pa ito ng brim hat na may disenyong mga bulaklak na bumagay naman rito. Mukhang nag-e-enjoy talaga ito. Bella just waved back then smiled. Wala talaga siyang balak na sumali sa mga ito. Bukod sa hindi niya trip maglaro ay napagod din talaga siya sa paggala nila sa maghapon. “Bella! Come on!” muling pagtawag ng mommy niya. “Mom! Maybe next time! Just enjoy yourselves!” pasigaw na sagot ni Bella. Medyo may kalayuan kasi ‘yung pwesto niya sa mga ito. Nang makita niyang sumimangot ang ina ay tila naman nataranta si Bella at dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo sa buhanginan at saka naglakad papalapit sa mga ito. ‘If only I don’t love you so much, mom . . .’ Habang papalapit si Bella ay unti-unti namang sumilay muli ang ngiti sa labi ng kaniyang ina. Alam na alam talaga nito kung paano siya konsensyahin. Napapailing na lang si Bella sa naisip at saka pinagpag sandali ang kaniyang summer dress nang maalalang galing pala siya sa buhanginan kanina. Patuloy lamang siya sa paglalakad habang nakatuon ang atensyon sa pagpapagpag sa damit hanggang sa . . . “Bella! Oh my gosh!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD