Chapter 4

1704 Words
“ARAY!” daing ni Bella habang sapo ang pang-upo na bumagsak dahil sa pagkakabangga sa kung sino. Pakiramdam niya ay naalog na ang sistema niya na gawa ng impact mula sa pangyayari. At bukod sa masakit nga ang pang-upo pati na ang balakang niya ay nakakaramdam din siya ng bahagyang pagkahilo kaya hindi niya kaagad naimulat ang mga mata niya. Mayamaya pa ay naramdaman na lamang niya ang presensiya ng isang tao sa tabi niya at inalalayan siyang tumayo. “Miss, are you okay?” tanong ng isang baritonong tinig ng lalake na ngayon ay patuloy na nakaalalay kay Bella sa kaniyang pagkakatayo. Pagmulat ng kaniyang mata ay ang malapad na dibdib nito ang agad na bumungad sa kaniya. Nakasuot ito ng kulay puti na sando pero bakat na bakat pa rin ang mga muscles sa dibdib nito. Sa distansya rin nilang dalawa ay amoy na amoy niya ang pabango nito na napakasarap sa kaniyang ilong dahil sa tila menthol na dala niyon sa kaniya. “Miss?” muling tawag ng lalake sa kaniya. Tumikhim pa ito at dahil doon ay nagbalik na si Bella sa reyalidad. “Uhhh… O-oo, okay lang ako,” agad niyang sabi at susubukan sanang lumayo rito ngunit dahil pa rin sa pagkahilo ay muntik na naman siyang ma-out balance at matutumba na naman sana kung hindi lang naalalalayan ng lalake. “T-thank you,” nauutal niyang sabi. Sa pagkakataong iyon ay napatingala siya sa mukha nito kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo dahil sa parang nakita niya na ito kung saan. Seryoso lang din namang nakatitig ang itim na mga mata nito sa kaniya. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Bella na i-admire ang lalake. Kahit nang makalayo na siya sa sapat na distansya at makatayo nang maayos ay hindi pa rin maalis ang paningin niya rito. The man is probably around 5’11 tall with naturally tanned skin and a fit and perfectly sculpted body. His face has defined jawlines, sexy lips, aristocratic pointed nose, deep-set black eyes, dark lashes long enough to threaten to curl, and thick bushy straight brows enough to make him look sexier and mysterious. “Are you done checking on me?” the man asked with a smirk which made Bella’s jaw dropped. Nag-iwas din siya ng tingin mula sa lalake. Pakiramdam ni Bella ay pulang-pula na ngayon ang kaniyang mukha sa pagkapahiya. Pero bukod doon ay tila umakyat din ang dugo niya sa kaniyang ulo dahil sa tanong nito. ‘Aba’t may pagkaantipatiko pala ang lalakeng ito? Gwapo nga pero . . . argh!’ “Excuse me?” nagpipigil ng inis na sabi ni Bella habang pinaniningkitan ito ng mata. Nakangisi pa rin ito habang nakatitig lamang sa kaniya. “I said are you—” Hindi pa natatapos ang sasabihin ng lalake ay humahangos na ang pinsang si Mara at ang mommy niya na lumapit sa kaniya. “Bella, are you okay? May masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong ng mommy niya at sinipat-sipat pa siya. “Dalhin ka na namin sa clinic, cous’!” sabi naman ni Mara na halata rin ang pag-aalala sa kaniya. In no time ay nakalapit na rin ang ilang relatives nila sa kanila at may ibang tao rin na nandoon para siguro makiusyoso. “Can you walk, anak?” her mother asked. “Please call someone to carry her!” muling sabi ng mommy niya sa mga tao sa paligid at inalalayan siya. “Wait, eh, ba’t pa tayo magtatawag ng bubuhat kay Bella? Nand’yan naman ‘yung lalakeng nakabangga sa kaniya?” suhestiyon ni Mara na ngayon ay napalingon sa lalakeng seryosong nagmamasid lang sa kanila habang nakatayo. Tila naman natigilan si Mara nang mapagtanto ang isang bagay. “W-wait! Ikaw ‘yung—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin at agad na itinikom ang bibig saka saglit na sinulyapan si Bella para bigyan ng makahulugang tingin. Napakunot naman ang noo nito sa pinsan at sinuklian ito ng nagtatanong na mga tingin. Hindi niya talaga maunawaan ang gusto nitong iparating. Isa pa, bukod sa naiinis siya sa lalakeng iyon ay wala na siyang pakialam sa kung sino man ito. “No, no. I can manage. Don’t worry about me,” sabi na lang ni Bella. “You don’t need to bring me to the clinic or something.” “But . . .” tututol pa sana ni Mara pero pinanlakihan niya ito ng mata. “Okay.” Muli nitong sinulyapan ang lalakeng nakabanggaan niya. “I’m sorry about what happened,” napilitan na lang na sabi ni Bella sa lalake. Kahit ano pang inis niya rito . . . kahit papaano ay alam naman niyang naabala rin niya ito dahil sa nangyari. The man sustained his serious face at her. “Next time, miss, be extra careful. Tingnan mo kasi ang dinadaanan mo para hindi ka nakakabangga.” Pagkatapos nitong sabihin iyon ay naglakad na ito palayo. “What the? Hey!” pahabol na sigaw ni Bella pero itinaas lang nito ang kanang kamay at kumaway. Napatili siya nang mahina sa sobrang inis. “Antipatiko talaga! Bwisit!” “Oo nga, Antipatiko pero gwapo pa rin. I like it!” kinikilig na sabi naman ni Mara. “Mara! What are you saying?” saway ni Bella rito. Nag-pout naman si Mara dahil doon. Napabuntong-hininga si Bella at pagkatapos ay napasapo sa noo. Napapikit siya nang mariin at pagkatapos ay muling napaupo sa buhanginan. “What a jerk! Hindi man lang siya nag-sorry. Binangga rin naman niya ako, ha? Kung tumitingin sana siya sa dinaraanan niya, edi sana naiwasan niya ako. Di ba?” “Hmm . . . sabagay. You have a point,” pagsang-ayon naman ni Mara. “But still . . . anak, mukhang may point din naman iyong lalake kanina. Sa susunod, mag-iingat ka, ha? Paano kung wala kami? Tapos mas masama pa ang ugali ng maka-encounter mo next time?” Bella sighed. ‘Sabagay. Tama nga naman. Pero kahit na. Nakakainis pa rin ang pagka-antipatiko ng lalakeng iyon.’ “Are you really okay, dear? Sure kang hindi ka na namin dadalhin sa clinic?” nag-aalalang tanong muli ng mommy niya. Tumango naman si Bella. At nang maalala ang papalubog na sikat ng araw, ay agad siyang tumayo at saka nagpaalam sa mga ito. “May pupuntahan lang po ako.” Hindi pa nakakasagot ang mga ito ay tumakbo na palayo si Bella. She also needs some time alone. Maybe the sunset could calm her again. Hindi niya hahayaang masira nang tuluyan ang araw niya dahil sa lalakeng iyon. *** NANG matapos sa paglalakad-lakad sa dalampasigan si Bella habang nanonood ng sunset ay pumunta na siya muli sa cottage nila para maghapunan. It was again past six. Nang makarating siya roon ay nagsisimula nang kumain ang mga tao roon. She just greeted her mom then proceeded to get her food. Mayamaya lang, saktong pagkatapos niyang kumuha ng pagkain at paupo na sana ay sumulpot bigla ang pinsan niya sa tabi niya. As usual, alam niyang mag-uusisa na naman ito. “Baka pwedeng kumain muna ako, Mara?” sarkastikong sabi ni Bella rito. “Ang sungit naman po,” Mara pouted. Kumagat ito sa saging na hawak-hawak nito. “I just want to have a chat,” nakangiting sabi nito pagkatapos. Inirapan ito ni Bella. “Iyang saging lang ba ang kakainin mo?” Umiling si Bella. “Nope. Tapos na akong kumain kanina. Kaunti lang ang kinain ko. I’m on a diet.” “Diet? Wow!” natatawang sabi ni Bella saka sumubo sa pagkain. Hindi niya alam na conscious na rin pala sa ganoong bagay ang pinsan niya. Dati kasi ay wala iyon sa bokabolaryo nila. Parehas silang malakas kumain. Isa pa, okay naman ang katawan nito kaya para saan pa iyon? “You’re too skinny. Bakit ka pa magda-diet, Mara?” puna ni Bella. “For your information, hindi lang naman para sa mga nagpapapayat ang diet, ano!” mataray na sabi nito sa kaniya matapos isubo ang huling bahagi ng saging. “Iyan ang karaniwang nagiging misconception ng mga tao. Kapag sinabing diet, nagpapapayat na kaagad. Where in fact, some people do it to keep themselves fit and healthy.” “Okay, whatever! Oo na po, Doc!” natatawang sabi ni Bella. “Anyway, about what happened earlier. That guy kasi . . . hindi ba siya iyong lalake kaninang umaga?” Napalingon si Bella sa pinsan sa sinabi nito. “Wait, what? That guy?” hindi makapaniwalang sabi niya at pilit binalikan ang hitsura ng lalakeng naka-engkwentro niya kanina. “No way!” “Yes way! Siya nga iyon! Sa tagal ko siyang tinitigan kanina, nakabisado ko na ang features niya at siyang siya talaga iyon,” pagkurma pa ni Mara pagkatapos ay umakto itong kinikilig at tila nagde-daydreaming na naman. “Oh my gosh! I knew it. Mas gwapo pa siya kapag sa malapitan! At ang sara—” Hindi naituloy ni Mara ang sasabihin nang sabunutan siya ni Bella. “Aray ko naman!” “Iyang bunganga mo naman. Kung ano-anong lumalabas. Sa lahat yata ng magiging doktora, ikaw na ‘yung pinakamalandi,” panenermon dito ni Bella. And as usual, Mara just pouted. “Eh, ano naman kung gwapo siya at . . . hay! Nevermind! Gwapo nga siya, antipatiko naman. Ano? Siya lang ba ang gwapo sa mundo?” “Alam mo, ang sungit mo. Daig mo pa ‘yung tumandang dalaga na nasawi sa pag-ibig nang one million times. Okay ka lang ba?” Natigilan naman si Bella sa sinabi nito. Oo, hindi nga siya old-maid pero tama ito na sawi siya sa pag-ibig. ‘Ganoon na ba talaga ka-obvious?’ Sinimangutan ito ni Bella. Sakto naman na patapos na rin siyang kumain. “Alam mo, ikaw, ang dami mong alam,” sabi niya saka inabot dito ang pinagkainan niya. “Ang mabuti pa, pakidala mo na lang ito roon sa mga used plates and utensils. Pupunta na ako sa Villa. Inaantok na ako.” Hindi pa nakakasagot si Mara ay nilayasan na ito ni Bella. Nakailang tawag pa ang pinsan niya sa kaniya pero hindi niya na ito pinansin. ‘Bahala ka nga diyan . . .’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD