bc

Fated to the Beast

book_age18+
1.2K
FOLLOW
6.1K
READ
billionaire
fated
CEO
mafia
drama
sweet
bxg
phantom
passionate
wild
like
intro-logo
Blurb

"Meeting him was a total disaster. But can Bella defy what was fated to happen?"

FATED TO THE BEAST

A Romance Novel written by Misty Riosa

Bella's heart was broken when the man she first loved went away without any clue. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kaniya o nag-iwan ng kahit anong mensahe. And the fact that she wasn't able to confess her love for him made her so restless and depressed.

Ang masaklap pa ay sa panahon na wala ito ay hindi ito nawaglit sa kaniyang isipan ni minsan.

Sa kaniyang pagbabakasyon sa isang isla sa Batangas kasama ang kaniyang pamilya ay isang misteryosong lalake ang makikilala ni Bella.

Si Beast.

Isang lalake na nakakulong sa isang nakaraan na nagdulot ng sugat sa kaniyang puso.

Na simula nang makilala ni Bella ay puro hindi na lamang hindi pangkaraniwang pangyayari ang nagaganap kapag nakakasama niya.

At dahil sa isang insidente na nangyari isang gabi habang sila ay nasa isla . . . ginusto na ng dalaga na hindi na muling makatagpo ng landas ang binata.

Pero anong gagawin ni Bella kung tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana dahil pagkatapos ng gabing iyon ay isang pasabog na naman ang mangyayari sa kanilang dalawa?

Can Bella still get away from Beast when fate is being in control of everything?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MINSAN nang naniwala si Bella na kapag nagmahal ka... basta magmamahal ka lang. Kasi parang napakadaling sabihin na mahal mo ang isang tao at kung mahal ka niya, edi maganda. Kung hindi naman, edi humanap ka ng iba. Parang sa kantang 'leron, leron, sinta' lang. How she wish na ganoon lang talaga kadali ang umibig. At sana nga, madali lang din mag-move on kapag nasaktan. Sana hindi na niya kailangan pang malunod nang paulit-ulit sa sakit at mga tanong na hindi naman niya alam ang kasagutan. Maraming excited makaranas ng pag-ibig. Ang akala kasi ng iba, puro happiness lang ang mararanasan doon. Puro lang kilig. Pero hindi. In reality, sugal talaga iyon. At ang chance para maging masaya ka hanggang sa makamit mo ang happy ending, eh, mas critical pa sa stage na 50-50. Love could be the greatest strength of people. Pero minsan, ang strength ay pwede ring maging weakness. Nothing's really sure in love. At kapag nagmahal ka, dapat palagi kang handang masaktan. "Bella! Andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap nila Tita Sandy." Natigil sa malalim na pag-iisip si Bella nang marinig niya ang boses ng pinsan niyang si Mara. Humagangos pa ito nang makalapit sa kaniya. Napansin din niyang basang-basa pa ang katawan nito na mukhang galing pa sa paliligo. Kapansin-pansin na ngayon ang tan-lines sa flawless at mala-porselanang balat ng pinsan. Tatlong araw pa lamang sila sa Adam’s Island Resort pero ang laki na ng initim nito dahil sa walang sawang paliligo kahit tirik na tirik pa ang araw. Palibhasa ay na-miss nito ang dagat mula nang mag-aral ito sa Maynila at bibihira nang umuwi. Unlike her na mula pagkasilang hanggang sa kasalukuyan ay nanatili lang siya sa Batangas kung saan matatagpuan ang mismong resort na kinaroroonan nila para sa kanilang family outing kaya hindi naman siya ganoon kasabik sa dagat tulad nito. Infairness, for the 25 years of her existence sa mundo, ilang beaches na rin ang napuntahan niya hindi lang sa Batangas kundi sa mga karatig na probinsya. Kaya naman sa nakalipas na tatlong araw ay wala siyang ibang ginawa kundi magkulong lamang sa kwarto kapag tirik na tirk pa ang araw o kaya tumambay sa mismong club ng resort. Tuwing dapithapon lang talaga siya pumupunta sa dalampasigan dahil gustong-gusto niyang panoorin ang papalubog na sikat ng araw. For Bella, the sunset signifies hope for tomorrow. It calms her, lalo na ngayong may pinagdadaanan din siya. "Pasensya na... nagpahangin lang ako. Masyado naman kayong nag-aalala sa akin," may halong biro na sabi ni Bella matapos niyang tumayo mula sa pagkakaupo sa puti at pinong-pinong buhanginan. Bahagya pa siyang tumawa para hindi nito mahimigan ang kalungkutan sa sistema niya. Muli niyang binalingan ang asul na karagatan na naging karamay niya sa pagmumuni-muni o mas tamang sabihing sa pagdadrama niya sa mga nakaraang araw bago binigyang muli ng atensyon ang pinsan. "Noong isang araw ka pa kaya bigla-biglang nawawala. Paanong hindi kami mag-aalala?" Halos malukot na ang maganda nitong mukha sa pagkakasabi noon. “Malay ba namin kung napaano ka na, ano?” Tinawanan ni Bella ang sinabi nito. "Couz, ang paranoid n'yo. Nagpapahangin nga lang ako," sabi pa niya at saka inilahad ang mga kamay sa dagat at tinanaw iyon. “Halos anak na nga ako ng dagat. Aanhin ako niyan?” Nang lingunin niyang muli ang pinsan ay inirapan siya nito. "Talaga ba, Bella? Ang sabihin mo, gusto mo lang talagang mapag-isa. Akala mo ba, hindi namin napapansin?” ani Mara na may halong pag-alala ang boses kahit pa sinesermonan na si Bella. “I don't actually know what happened to you dahil wala rin namang naikwento sina Tita Sandy. Kahit naging LDR tayo dahil sa pag-aaral ko sa Manila, I still know you. Remember, I am your cousin s***h bestfriend,” dagdag pa nito. “Ano ka ba? Okay nga lang ako,” pagpupumilit naman ni Bella. Nginitian niya ang pinsan. “Okay lang ako.” Hindi alam ni Bella kung sino ba talaga ang kinukumbinsi niya. Ang pinsan ba niya, o ang sarili niya. Because deep inside her, alam niyang hindi naman talaga siya okay. But she has to be okay. For her mom and the people around her. Ayaw niyang nakikita ng mga ito na malungkot siya. She’s been the jolliest among the Fortes Clan and she doesn’t want them to worry about her. ”Pero para kasing may mali. You are not the 'Isabella Fortes' I know," sabi nitong muli na tila napapaisip. She looked straight into Bella’s eyes as if trying to capture something in her. Sinubukan naman iyong labanan ni Bella at nakipaglaban pa ng tingin sa kanya. "It's nothing. You're just overthinking, my dear cousin," she said again with the sweetest smile she could give. "Alam mo? Mabuti pa pumunta na lang tayo sa kanila at kagaya nga ng sinabi mo... kanina pa nila ako hinahanap," aya niya rito. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at nauna na siyang naglakad sa direksyon kung nasaan ang cottage na naka-reserve sa kanila. Narinig pa niya ang sunod-sunod na pagtawag nito sa pangalan niya habang papalayo ngunit hindi niya na iyon pinansin. *** "BABY, it’s good that you're here already." Bella was greeted with a smile by her ever-beautiful mom, Sandy Riella Fortes. She smiled back at her and planted a kiss on her cheeks when she got closer to her. After an almost five-minute walk, nakarating na rin siya sa cottage. Binati niya na rin ang ibang relatives nilang nandoon. Everyone was now busy with their food. Well, it's already past six in the evening. Maaga silang nagdi-dinner dahil maaga ring nagpapahinga ang karamihan. Maraming maaaring gawin sa resort kaya naman expected na nakakapagod talaga ang bawat araw ng stay sa lugar. They’re only staying for a week in that place so they might as well enjoy it. "Aren't you going to eat yet? Ikaw na bata ka... bigla-bigla ka na lang nawawala. You're making me worry.“ "Namasyal lang ako sa tabing-dagat, mom." She sat beside her mother and smiled again. Wala na yata siyang ibang gagawin kundi ngumiti sa kanila sa mga susunod pang araw. “I'm sorry if you got worried about me.” “Nag-text nga sa akin kanina si Mara. She told me that she saw you at the seaside. Anak, we came here to spend time with the family. Paminsan-minsan lang tayo magkaroon ng ganitong gathering." Natigilan si Mara sa sinabi ng kaniyang ina. Bukod sa may punto ang mga sinabi nito ay nahihimigan na rin niya ang pagtatampo nito. Agad niyang niyakap ang ina, ganoon niya ito lambingin sa tuwing may nagawa siyang hindi maganda. Ayaw niyang nalulungkot o nagtatampo ang ina nang dahil sa kagagawan niya. "Nagpahangin lang po ako. Iba kaya ang hangin na galing pa sa dagat? Nakakaganda raw, mom. Try mo rin!" "Crazy girl." Her mother laughed. Hindi na rin siya nito natiis at agad na nawala ang pagtatampo rito. "We don't even need that. Maganda na tayo, anak," pagsakay pa niya sa biro nito. Natawa si Bella sa sinabi nito. Kahit kailan talaga... sobra-sobra ang confidence ng mommy niya. "Mom, you don't need to mention that. Nakakahiya!" pabirong saway pa niya rito. "Why? Totoo naman, ah?" sagot naman nito na tila ayaw pa rin magpaawat. Muling natawa si Bella. Pero mayamaya ay natigilan siya nang bigla uli itong naging seryoso at hinawakan ang kamay niya. Bella thought that her mother’s hand has always been warm. At siguro ay design na talaga iyon ni Lord para bigyan siya ng comfort. Kahit maagang kinuha ng Panginoon ang ama niya ay nagpapasalamat pa rin siya dahil meron siyang inang nagmamahal sa kaniya. Marami ang lumaking hindi nakagisnan ang mga magulang. Meron din namang may mga magulang nga pero hindi naman magawa ng mga itong maiparamdam ang pagmamahal sa anak. So, she’s indeed still lucky. Her father passed away when she was just ten due to a car accident. Hindi naging madali sa kaniyang ina ang pagkawala ng ama pero pinili pa rin nitong ipagpatuloy ang buhay. Lalo na para sa kaniya. Silang dalawa lang ang naging magkaramay sa paglipas ng mga panahon. Well, of course, hindi lang pala silang dalawa dahil nandiyan din naman ang iba nilang kapamilya. "Mom..." she managed to say after a while. Ilang minuto na ring hawak ng mommy niya ang kaniyang kamay habang tahimik na nakamasid sa kaniya. She knew that her mother have figured it out. Lahat naman nalalaman nito kaagad. Lalo na kapag tungkol sa kaniya. "Anak, alam kong may pinagdadaanan ka. Tell mommy. If your dad was here, I know he'll be so worried about you too," puno ng pag-alalang sabi nito. "I'm so sorry, mom. I'm really sorry." Walang ibang masabi si Bella kundi sorry. She’s guilty of making her mother feel that way. Right there and then... bigla na lang tumulo ang mga luha niya. She tried to wipe her tears away. Pero patuloy pa rin ang walang humpay na pagdaloy ng mga iyon. Parang ayaw nilang magpapigil. Hindi na muling nagsalita ang mommy niya. But Bella could clearly see the sadness in her eyes. A few moments later... she just found herself being embraced by her mom. At kahit hindi man ito nagsasalita sa mga oras na iyon ay alam niyang naiintindihan nito ang nararamdaman niya… kahit hindi pa niya sabihin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
297.4K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
260.6K
bc

Married to a Hot Magnate

read
358.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook