Chapter 2

1655 Words
ANG mainit na sinag ng araw na tumatama sa balat ni Bella ang gumising sa kaniya kinaumagahan. Pupungas-pungas pa siyang bumangon at pagkatapos ay inalis ang kumot na nakabalot sa kaniya. Nang pasadahan niya ng tingin ang paligid ay napansin niyang nakaayos na ang mga kamang hinigaan ng mga kasama niya sa kwarto. Wala na rin ang mga iyon doon at naisip niyang marahil ay naglalagalag na ang mga iyon sa isla. She immediately gets her phone and checked the time first. “8:27 na pala…” nasabi niya sa sarili nang makita ang oras doon. No wonder na iniwan na nga siya ng mga kasama niya. Napansin din niyang marami rin siyang natanggap na notifications. Although curious siya kung kanino galing ang mga iyon ay pinili muna niyang bumangon. She did some stretching first then walked towards the balcony. Tahimik niyang pinagmasdan ang nakaka-refresh na view ng isla. As expected, mukhang marami na ngang guests ang naglilibot at naliligo. “Sayang, hindi ko naabutan ang sunrise,” nanghihinyang na sabi niya. Anong oras na rin kasi siyang nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa pag-iisip. Natapos naman nang matiwasay ang dinner nilang pamilya at wala ni isang nag-usisa sa kaniya. Even her mom didn’t bug her about what’s going on. Alam kasi ng mga ito na wala silang makukuhang matinong sagot mula sa kaniya. Kaunti lang din ang kinain niya dahil katulad ng mga nakalipas na araw ay matamlay pa rin siya at walang gana. Nang matapos siyang kumain ay nagpaalam siya sa kaniyang ina para maglalakad-lakad na lang muli. Ayaw sana siyang payagan nito dahil sa kalagayan niya pero sinabi niyang kaya niya ang sarili. Sa huli ay pinayagan din siya nito. At katulad lang din ng mga nakalipas na gabi ay walang ibang naglaro sa isip niya kundi ang masalimuot niyang lovelife. ‘I'm thinking about someone na hindi ko alam kung may pakialam pa ba sa akin o kung iniisip man lamang ba ako.’ Napatakip siya ng mga palad sa mukha sa sobrang frustration. Pakiramdam niya ay gusto na niyang sukuan ang sarili. Unang beses na mangyari ang ganoon sa kaniya. Ngayon lang siya naging ganoon ka-vulnerable dahil sa isang lalaki—maliban na lamang sa kaniyang ama. Marami na rin namang nagustuhan si Bella noon. Pero iyon ang unang beses na nagmahal siya. Iyon din ang unang beses niyang nasaktan. Ang masaklap pa doon ay kailangan niya nang mag-move on kahit wala namang naging sila ng lalakeng inalayan niya ng puso niya. Sa lahat ng lalakeng nakilala ni Bella ay si Hans lang ang masasabi niyang naging espesyal talaga sa buhay niya. Hindi naman kasi naging ganoon kaseryoso si Bella sa pakikipagrelasyon noon. Hindi niya rin iyon naging priority dahil para sa kaniya ay mas dapat na inuuna ang career at pagmamahal sa sarili. Masyadong siyang maraming gustong gawin sa buhay para lamang ma-distract at mawala sa huwisyo. Pero lahat ng paniniwala ni Bella… lahat ng inakala niyang madali lang gawin ay biglang gumuho nang makilala niya si Hans at magsimula itong papasukin siya sa buhay nito. Who's Hans by the way? He's Bella’s 'The One That Got Away'. TOTGA. Siya ang lalaking para kay Bella ay dumating lang marahil sa buhay niya para mas patingkarin pa ang makulay niyang mundo. Siya ang bahaghari na lilitaw pagkatapos ng ulan at sa ilang saglit ay mawawala din lang. Paasa ba si Hans? Pwede. Pwede ring hindi. Ang totoo ay hindi rin alam ni Bella ang sagot doon. Kung ano man ang namagitan sa kanila ay parang isa na lamang masayang panaginip na kailangan na niyang kalimutan. Napabuntong-hininga siya. “Tama na nga. Baka mabaliw na ako sa kakaisip sa kaniya,” naiinis niyang sabi sa sarili at saka nagmartsa pabalik sa hinigaang kama at nagsimulang ayusin iyon. “Bakit ba kasi kailangang lagi kitang naiisip!” Pagkatapos niyang ayusin ang higaan ay kumuha na siya ng damit pamalit at nagdesisyon nang maligo para makasunod na rin siya sa mga kasama. Simpleng pink summer dress lang ang kinuha niya at two piece nude-tone bikini na bagay sa maputi niyang balat. Hindi siya sure kung magswi-swimming siya kaagad pero sayang naman kung hindi niya maisusuot ang mga dalang damit panligo. Mainam na ring ready-to-go siya. Matapos maligo at magbihis ay ginawa niya lang ang karaniwang morning routine niya. Naglagay lang siya ng kaunting loosed baby powder at saka lip moisturizer pagkatapos to touch up her apperance a bit. Hindi na siya masyadong nag-abalang mag-ayos nang bongga since wala namang rason para mas magpaganda pa siya. She’s confident about how she naturally looks. Hindi siya katangkaran sa height niyang 5'4" pero proud na siya roon dahil matangkad na iyon para sa isang babaeng pilipina. Bago umalis ay umupo muna siya sa kama at chineck niya ang phone. May ilang mensahe roon pero pinili niya lang basahin ang mula sa kaniyang mommy at sa pinsan niyang si Mara. 7:41 A.M. Mommy: Dear, we're here at the lounge having breakfast. Baba ka na rin dito. 7:59 A.M. Mommy: Let's visit their novelty stores later and explore the resort, too. 8:03 A.M. Mara: Hey, sleeping beauty! Wake up na! This will be another long day. I hope we could have some fun today. 8:22 A.M. Mara: Patapos na kami mag-breakfast. Wer u na? Here n me! Hahaha. Hindi niya mapigilang matawa sa huling nabasang mensahe mula kay Mara. “Baliw talaga,” napapailing niyang sabi. She checked the time on her phone. Nang makita niyang halos alas nuebe na ay nagmamadali na siyang tumayo at nag-ready na para tuluyang umalis. Actually, marami pa talagang personal messages na galing sa mga kaibigan niya at ilang kakilala pero hindi niya na lang muna iyon pinansin. She decided to leave her phone in the room so that she could focus on today's activities. Nang makarating siya sa lounge ay naabutan niya roon si Mara. May nakahanda nang pagkain sa table. "Good Morning!" bungad niya rito para maagaw ang pansin nito. Busy kasi ito sa pagkalikot sa cellphone. “Oh, you’re here! Good Morning, couz! Ang sarap yata ng tulog mo, ah?” sabi naman nito sa kaniya. As usual, she’s wearing her charming smile. Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito. Napalibot ang tingin niya sa paligid. “Nasaan sila mommy?” tanong niya nang hindi makita ang hinahanap. Mara took a sip of her coffee before answering her. "Somewhere. Inaya na siya nila Tita Yvonne at Mom. Ang tagal mo kasi." "Sorry naman. Ginising n'yo na lang sana ako." Inirapan ni Bella ang pinsan bago siya umupo. Bakit ba parang kasalanan pa niya kung hindi siya nakasama sa mga ito? Pwede naman kasi talagang gisingin na lang siya kung gusto talaga nila. “Ang sarap nga kasi ng tulog mo, girl!” maarteng sabi ni Mara saka sumubo ng isang kutsarang scrumbled egg. "Sa akin ito?" tanong naman ni Bella sabay turo sa mukhang hindi pa nagagalaw na pagkain sa harapan niya. Sinangag na kanin, longganisa, tocino at itlog ang nakalagay sa pinggan. Just the usual breakfast. "Hindi. Doon sa hot na Kuya sa may counter," sarkastikong sagot naman ni Mara. Inginuso pa nito ang tinutukoy pagkatapos nang kunutan niya ito ng noo. Tinapunan niya ng tingin ang lalakeng nasa mini bar counter na kasalukuyang sumisimsim ng wine. Napatitig si Bella sa lalaki. At wala siyang ibang maisip kundi sang-ayunan si Mara. Ang hot nga ng lalaking iyon. Naka-side view siya mula sa pwesto nila pero malinaw pa rin naman ang ilang features na nakikita sa lalaki. Matangos ang ilong, clean-cut ang itim na buhok, may pak na pak at defined na jaw lines, moreno, at halatang sanay sa gym ang katawan. Kahit nakasando siya at board shorts ay nangingibabaw pa rin ang mga muscles nito na kahit sino yata ay maaagaw ang atensyon. ‘O sadyang ako lang talaga ang nakakaisip noon at itong pervert kong pinsan?’ Halos maipilig na ni Bella ang ulo sa naisip. Nakangisi si Mara nang ibalik niya ang atensyon dito. "Ang hot, 'no? Kanina pa siya riyan. Buti naabutan mo," sabi pa nito na parang teenager na kinikilig. ‘At ano namang tingin sa akin nito? Takam sa lalaki? Gosh!’ Inirapan niya ang pinsan. "Hoy, bruha, umayos ka nga. Look, he's alcoholic. Not my type," maarteng sabi pa ni Bella. Kahit deep inside ay napansin din naman talaga niya ang appeal ng lalaki. Iyon nga lang, ayaw talaga niya sa mga ginagawang almusal ang alak. ‘Ang aga-aga wine agad? Duhh? Ne wala ngang breakfast na kagaya ng sa amin sa harapan niya.’ Lalong gustong mainis ni Bella sa sarili dahil sa tumatakbo sa isipan niya sa oras na iyon. ‘OMG. Why do I even care? I don't know him. Kasalanan ito ni Mara, eh.’ "Pero kung makatitig ka... parang iba..." makahulugang sabi ng pinsan. "Ganyan pala reaction mo kapag hindi mo type," dagdag pa nito na may bahid ng pang-aasar. Sinamaan lang ito ng tingin ni Bella saka ipinagpatuloy ang pagkain. Kung kakulitan lang naman ang pag-uusapan at pagiging ma-showbiz ang labanan, wala na talagang makakatalo kaya Maraiah Fortes. ‘Hindi pa nga mawala-wala sa sistema ko si Hans tapos ito na naman. Panibagong problema na naman ba?’ Napabuntong-hininga si Bella nang maalalang hindi pa nga pala niya naikwekwento rito ang tungkol kay Hans. Nakokonsensya tuloy siya. One of these days ay balak naman niyang sabihin ang tungkol doon. Humahanap lang siya ng tyempo. “OMG!” Napatigil si Bella sa pagsubo nang biglang impit na tumili ang pinsan. Pinandilatan niya ito ng mata at baka nakakalimutan nitong nasa public area sila. “Couz! Tumingin siya rito kanina! Ang gwapo niya talaga!” Bella just rolled her eyes at her. Sinimulan niyang lantakan ang pagkain sa harapan niya. Hindi na niya tinangka pang tapunan muli ng tingin ang lalaki. Hinayaan na lang niyang patuloy magpakabaliw si Mara sa lalaking ne hindi nga nila kilala. ‘Bahala siya, basta ako... gutom.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD