ILANG araw nang masakit ang ulo ni Bella sa kaiisip. Simula nang magkita sila ni Kaizer sa isang event kung saan siya nag-perform bilang singer at alukin siyang maging miyembro ng kanilang banda ay hindi na siya mapalagay. Akala niya ay patuloy nang matatahimik ang kaniyang buhay nang makaalis siya sa isla pero may continuation pa pala ang sakit ng ulo niya. Gulat na gulat pa si Bella nang magkita sila sa event na iyon. Kakain na sana siya nang bigla na lamang may lumapit sa kaniya. Noong una ay hindi pa niya namukhaan ang binatang nagngangalang Kaizer pero nang banggitin nito ang isla at ang banda nila ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. They ended up eating in one table at napakarami nilang napagkwentuhan. O mas tamang sabihin na ang tagal din niyang nakinig sa mga kwento n