BUSOG na busog si Bella nang matapos silang kumain ng tanghalian ng ina. Dahil nga paborito niya ang ulam na dinala nito ay naubos niya lahat ng iyon. At dahil kumain na ang kaniyang ina bago pa makapunta roon ay halos siya na nga ang umubos ng lahat ng ulam na dala nito pati na ang panghimagas na leche flan at macaroni salad na kapwa rin niya paborito. Ang totoo ay hindi naman mapili sa pagkain si Bella. Kung meron man siyang pinakamasasabing hobby bukod sa panonood, pagbabasa, at paggala, iyon na siguro ay ang kumain. Hindi naman maikakaila iyon ni Bella. Dahil sa bawat travel na ginagawa niya, bukod sa magagandang lugar na maaaring puntahan ay mga sikat at masasarap na pagkain sa lugar na iyon talaga ang una niyang hinahanap. Mabuti na nga lang at kahit magana siyang kumain ay nabiyay