HALOS isang oras pa ang lumipas bago makatanggap ng message si Bella mula kay Mara. Tinatanong nito kung nasaan na siya at pupuntahan na raw siya nito. Ayon dito ay katatapos lamang ng movie. Nang tumunog naman ang phone ni Beast tawag na nasa harapan pa rin niya at sinagot ang isang ay napalingon siya roon. “We’re in the Sky Park. Yes, kasama ko siya. Pumunta na kayo rito. May mga pagkain dito. Baka pwede na rin tayong mag-dinner. Hanapin niyo na lang kami. Nakaupo lang naman kami rito. We’re having coffee. Alright.” Nang matapos ito sa pagtawag ay nakakunot ang noo ni Bella na nagtanong dito. “Sino iyong kausap mo? Why do you seem like talking about me?” “Well… That’s…” Hindi pa man natatapos ni Beast ang sasabihin ay isang pamilyar na boses na ang tumawag sa kaniya. Paglingon niya