Chapter 35

1306 Words

NANG magising si Bella kinabukasan ay sobrang sama ng pakiramdam niya. Magdamag ba naman kasi siyang umiyak. Hanggang nang umagang iyon ay hilam pa rin ang mga mata niya dahil sa luha at hindi pa rin nawawala ang bigat sa kaniyang dibdib. Ilang beses pa siyang nakatitig lamang sa kisame habang inaalala ang mga pangyayari nang gabing iyon bago niya napagdesisyonang bumangon. Napahawak siya sa kaniyang ulo nang makaupo siya dahil sa pagpintig ng kaniyang sintindo. Napapikit siya nang mariin at napamura nang mahina nang maalala na kailangan pa niyang buksan ang shop sa araw na iyon. Inabot niya ang kaniyang cellphone sa may side table at saka chineck ang oras sa may screen noon. Alas sais pa lamang naman ng umaga kaya nakahinga siya nang maluwag. Hindi pa naman siya gahol sa oras kaya hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD