Chapter 6: Cigarette

1674 Words
Mabilis kong kinuha ang bag ko at umalis ng table ko. Uwian na at nagmamadali ako dahil inutusan pa ako ni Mama na dumaan sa grocery. May ipinabibili siya sa aking banana blossom raw. Sumakay ako ng elevator at nang nasa fourth floor na ay bumukas iyon at pumasok si Shirly na malaki ang ngiti. Mabilis na lumapit ito sa akin. “May lakad ka?” “Wala.” “Labas muna tayo, mamaya na tayo umuwi,” yaya nito sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. “Saan naman tayo pupunta?” Wala naman kaming pupuntahan. Isa pa kailangan ko agad umuwi dahil may inuutos nga sa akin si Mama. “Sa mall, hindi na tayo nakakalabas dahil hindi gaya noong college tayo. Mula nang mag-work ka rito sa kompanya parang hindi kana nag-day off,” komento nito. Wala naman akong gagawin kapag nag-day off ako kaya kapag tinatawagan ako ng boss ko kahit linggo ay pumupunta ako. Sayang din ang double with bonus ko sa kaniya. Isa pa hindi naman ako mahilig gumimik dahil madaling maubos ang social battery ko kaya madalang akong lumabas kasama ang mga kaklase ko dati. Hindi gaya ni Shirly na alam kong laman ng mga bar tuwing weekends. Sabay kaming nagtungo sa parking kung nasaan ang kotse niya dahil hinila na niya ako. May kotse kasi siya hindi gaya ko. Kaya ko naman makabili na ng sasakyan kung gugustuhin ko pero dahil nga hindi ako marunong magmaneho at wala akong time para mag-aral magmaneho kaya hanggang ngayon nagko-commute pa rin ako. Pero bago pa kami makasakay ay may biglang mamahaling sasakyang pumasok sa parking. Kilala ko ang sasakyan na iyon, siya lang naman ang may puting sports car na alam kong nagtatrabaho dito. Ang boss ko. Sabay kaming napatingin ni Shirly. Mabilis na pumarada sa bakanteng space ang sasakyan at bumaba ang driver noon. “Ang gwapo ng kotse pero mas gwapo ang sakay,” narinig ko pang bulong ng kaibigan ko. Mukhang kinikilig na naman ang singit nito pero ako ay balewalang tumingin lang doon. “Hello, sir,” sabay na bati namin kay Sir Winston nang lumapit siya sa amin. Tumingin ito sa relo nito. “Going home? I will just get something inside my office, you can ride with me,” wika nito sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang pag-siko sa akin ni Shirly kaya napatingin ako sa kaniya. “Salamat po pero sa—” “Tamang-tama, sir. Kanina pa nga siya namo-mroblema ng sasakyan. Wala kasing susundo dito sa kaibigan ko,” putol ni Shirly sa sasabihin ko kaya nagtatakang napatingin ako sa kaniya. Anong walang masasakyan? Hindi ba at niyaya niya akong lumabas ngayon? Sabi niya dadaan kami sa mall. “Good, I will be back faster. Just wait for me here,” saad nito at nagmamadaling nagtungo sa parking elevator. Napasunod na lang ako ng tingin sa boss ko. Tiningnan ko ang kaibigan ko na malaki ang ngisi ngayon sa akin. “Next time na lang paka tayo kumain sa labas. Sa kaniya ka na lang magpahatid. Girl, ito na 'yon!” kinikilig na saad nito. “Ito na ang alin?” “Alam mo ikaw iyong matalinong, slow na kilala ko. Ito na! Ito na ang simula ng magandang love story ninyo. Sana all handang ihatid ng boss. Ganda mo, 'te!” “Stop being delusional. You know our boss, he is too friendly to everyone.” Bakit nilalagyan niya ng malisya ang simpleng pag-aalok ng boss ko na ihatid ako? Kapag naman nasa labas kami ni Sor Winston hinahatod na talaga niya ako pag-uwi. “Pero never siya nag-offer na ihatid ang everyone,” giit nito. “He is just being nice.” Tumaas lang ang isang kilay nito na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Minsan kasi alam kong hindi na lang simpleng empleyado ang tingin sa akin ng boss ko. We are like friends, kaya nga nagagawa niyang magbiro sa akin at nagagawa ko siyang pagalitan minsan. Sa tagal na naming magkasama kilala na namin ang isa pero walang romantic feelings doon gaya ng sinasabi ni Shirly. Close lang kami ni Sir Winston, pero hindi kami lalapas na higit pa sa magkaibigan. “Mauna na ako. Hintayin mo na lang bumaba si CEO na nag-offer sa iyong ihatid ka because he is being nice,” may pang-aasar pa sa tono nito. I know she is just teasing me, so I ignored her, but before she could go to her car, another car arrived. Bigla kong hinila pabalik si Shirly sa tabi ko nang huminto sa tapat namin ang sasakyan at bumaba ang bintana noon bago sumilip si Philip. “Hop in,” nakangiting saad nito mahigpit akong hinawakan ni Shirly na para bang ayaw akong pasakayin. Nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin ang kaibigan ko kung alam ko raw bang susunduin ako pero umiling ako sa kaniya. Kapag susunduin kasi ako ni Philip ay nagme-message muna siya sa akin para alam ko. Wala naman akong natanggap na mensahe sa kaniya kanina bago ako bumaba. “Oh!” Biglang bumaba si Philip at binuksan ang pinto ng kotse niya sa side namin para pasakayin ako. “Sorry, I forgot to text you. Akala ko kasi hindi ako aabot dahil may meeting ako. Mabuti na lang naabutan kita,” hingi ng paumanhin nito sa biglaang pagsulpot. “Hi Shirly,” bati nito sa kaibigan ko. Kilala na niya si Shirly dahil noong minsan na nagtungo siya sa bahay ay nandoon din ang kaibigan ko. “Hello,” ganting bati ng kaibigan ko. “Let's go?” baling sa akin ni Philip kasabay noon ang pagbukas ng elevator at paglabas ng boss ko. Nakita kong mabilis na lumapit sa amin si Sir Winston na seryoso ang mukha. “Sorry, I made you wait,” saad nito sa akin at tumingin kay Philip. “Who is he?” tanong ni Philip na nagulat sa pagsulpot ng boss ko. “Her boss, and you are?” maangas na tanong ng Boss ko. “Her suitor. Nandito ako para sunduin siya.” Nagkatinginan ang dalawa at tila walang sino man sa kanila ang balak na magbaba ng tingin. Hindi ko alam pero parang may namumuong bagyo sa pagitan nila kahit ngayon lang sila nagkita. “So it's him?” baling sa akin ng boss ko. “Why?” kunot noong tanong ni Philip kay Sir Winston. Siguro nagtataka ito sa inaakto ng boss ko, kahit naman ako. Hindi naman ito ganito palagi. Mas sanay akong parang retarted, hindi ganitong seryoso ang mukha. “Nothing... special,” sagot ng boss ko na wala pa ring expression ang mukha. Kailan pa siya naging cold? “Tsk...” tila asar na reaksyon ni Philip. “Let's go, George.” Humawak pa ito sa nakabukas na pintuan ng kotse niya para sabihin sa akin na sumakay na. “ I already told her that it's me who will drive her home,” saad naman ng boss ko na tila hindi magpapatalo. Sabay silang napatingin sa akin. Tila ba naghihintay sila kung kanina ako sasama. Tumingin ako kay Philip pero mahigpit na humawak ako sa braso ni Shirly na kanina pa nanonood sa dalawang lalaki. Malaki ang ngiti sa akin ni Philip habang nakikita ko sa gilid ng mata ko ang unti-unting pagsimangot ng boss ko. “May lakad pa kami ni Shirly. Pasensya na hindi ko kasi alam na susunduin mo ako.” Bumaling na ako sa boss ko. “I am sorry, sir, but thanks for the offer. You still have dinner with Mr. Fletcher tonight, don't forget about it,” bilin ko pa sa kaniya dahilan para malukot ang mukha nito. Bumuntong-hininga si Philip. “Okay, sa sunday na lang kita susunduin. Don't forget our date,” paalala nito. “I can't promise that I can go.” Nakita ko naman ang malaking pagngisi ng boss ko. Hindi ko alam kung bakit bigla itong naging masaya gayong kanina naman ay nakasimangot na ito. “Sige, Philip, Sir Winston, una na po kami,” singit ni Shirly. Tumango ako sa kanila bago humakbang papunta kung saan nakaparada ang sasakyan ni Shirly. Mabilis na sumakay ako sa passenger seat. Nakita ko pa ang pagdaan ng sasakyan ni Philip habang nagsi-seatbelt ako. “Haba ng hair mo,” biglang komento ni Shirly kaya napatingin ako sa kaniya. “Ang intense naman noon, pinag-aagawan ka ng dalawang hot na lalaki. Grabe, nawa'y lahat.” “Gusto lang nila akong ihatid,” komento ko. “Exactly. Iyong mga mata nila naglalaban kanina. Hindi mo ba napansin parang may laser na lalabas sa mga mata nila. Para akong nanonood ng telenovela ikaw iyong bida tapos pinag-aagawan ka ng dalawang gwapong lalaki,” kinikilig na saad nito bago binuksan ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho palabas ng parking Napatingin ako sa gawi ng boss ko gamit ang side mirror at nakita kong pinailaw nito ang sasakyan gamit ang car key na hawak nito. “Kapapanood mo ng drama kung ano-ano na pumapasok sa isip mo. Pati iyon nilalagyan mo ng malisya,” saway ko sa kaniya. Nagkataon lang na dumating si Philip, tapos nag-volunteer ang boss ko na ihatid ako. Kaya nga sa kaniya ako sumama para wala akong samahan sa dalawa saka may lakad naman talaga kami. Siya pa nga nagyaya sa akin. Sinabi lang ni Sir Winston na ihahatid niya ako, bigla na niya akong ipinagtulakan. “Hindi 'no. Anong brand ba ang gusto mo?” “Brand?” “Payo ko lang sa'yo, piliin mo kung anong sigarilyo ba ang hihithitin mo. Cigarette smoking is dangerous to your heart.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ba dapat lungs bakit heart? “Sigarilyo? Ano bang pinagsasabi mo?Hindi naman ako naninigarilyo. Wala akong bisyo.” “Pwes, malapit kanang magkabisyo.” “Huh?” Hindi ko talaga gets sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit napunta sa paninigarilyo ang usapan namin. “Anong brand ba ng sigarilyo ang gusto mo? Winston ba o Philip?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD