Chapter 7: Cheater

1941 Words
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Shirly. Wala akong balak na gawing bisyo kahit na kanino kina Philip o sa boss ko. Malisyoso lang talaga ang utak niya, wala namang ibang ibig sabihin para sa akin ang mga iyon. Hanggat hindi ko binibigyan ng meaning ang ginagawa nila, wala silang mapapala sa akin. Hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon o mas tamang sabihin na natatakot ako. Takot akong magmahal dahil takot akong masaktan. Nakita ko ang buhay ng ina ko na nagpapakatanga sa ama ko. Ayokong maulit iyon sa akin. Siguro kakausapin ko na si Philip na huminto na siya sa panliligaw. Sayang naman kong sasayangin ko ang oras niya kahit na alam ko sa sarili ko na ayaw kong pumasok sa isang relasyon. Hindi ko na siya paaasahin pa. Mas deserving ng atensyon niya at hindi ako iyon. Dahil nga nagyaya si Shirly at tumatakas ako kina Philip at Sir Winston, natuloy ang plano namin na lumabas. Hindi muna kami umuwing dalawa at dumiretso kami sa mall. Wala naman akong bibilhin pero gusto ko ring magtingin-tingin. Malapit na rin kasi ang birthday ni Mama at wala pa akong naiisip na regalo sa kaniya. Pumasok kami ni Shirly sa loob ng department store. Naghahanap ng pwede naming bilhin nang may makita akong isang bag. Medyo pricy iyon pero maliit na halaga lang iyon kumpara sa nagawa sa akin ng aking ina kaya binili ko na. Itatago ko na lang muna at ibibigay sa kaniya sa mismong birthday niya dahil baka maging busy na ako sa susunod na mga araw at hindi na ako makabili pa. Hindi ko pa naman hawak ang schedule ko dahil may mga biglaang events ang boss ko kung saan ay isinasama niya ako. Matapos naming makapamili ni Shirly ay kumain na muna kami bago kami umuwi. Pinakatitigan ako nito habang kumakain kami. “What?” “Sure talaga ako, type ka ni Sir,” saad nito. Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. Akala ko tapos na siya sa topic na iyon. “Stop it, Shirly. He was like that since day one. Everyone knows how nice out boss is.” Tumango-tango ito. “Yes, pero may iba talaga akong nararamdaman. Iyong tinginan niya sa'yo, girl! Iba!” “Stop putting a malice, Shir. I am far from all those girl that is after him. I am not even his type.” Isa pa hindi ko rin naman gusto ang boss ko. “Naghahabol sila sa kaniya kasi ayaw niya. Siya mismo umiiwas, pero ikaw baliktad. Mukhang kumpleto ka ng bakuna noong bata ka pa kaya ang lakas ng immune system mo pagdating sa kaniya,” wika nito na hindi pa rin makapaniwala na hindi ako naniniwalang gusto ako ng boss ko. Nagmamagandang loob lang iyong tao, binigyan agad naman niya ng ibang meaning. “Trabaho lang ang habol ko. Saka isa pa stop saying those things lalo na kapag nasa opisina tayo. Ayokong isipin nila na assuming ako,” paliwanag ko sa kaniya. Umakto itong sinipiran ang bibig na sinasabing wala siyang sasabihin. "Ihahatid na kita," wika nito habang palabas kami ng mall kung nasaan kami ngayon. Matapos naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi. Iyong pinabili sa akin ni Mama na Banana Blossom ay nabili ko na, nag-text naman ako sa kaniya kung gagamitin na niya ngayon pero bukas pa raw namang umaga. Pinabili lang niya ako para hindi na siya lalabas bukas. Actually, ang mall kinaroroonan namin ay pagmamay-ari ng boss namin. Kaya may ilang empleyado na kilala na ako. Minsan kasi ay kasama ako ni Sir Winston kapag nag-iinspection siya rito. Palabas na kami ng mall nang makita ko ang boss ko na papasok naman sa entrance. Nagtama pa ang mata namin at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako pero hindi iyon ang nakatawag sa pansin ko kundi ang isang may edad na lalaking may kaakbay na isang babaeng tila nasa kaedaran ko pa lang. Nakahawak pa ang babae sa braso ng lalaki habang naglalakad sila at masayang nag-uusap. Wala sa sariling sinundan ko sila hanggang sa makarating kami ng parking lot. Mahigpit na naikuyom ko ang mga kamao ko nang masiguro kong tama nga ang nakikita ng mga mata ko. Maraming bitbit ang babae na iba't ibang paper bags na may nakatatak na iba't ibang brand. Tila nag-shopping ito ng husto. Bago pa sila makasakay sa kotse ay nagmamadaling lumapit na ako sa kanila at sabay kong hinila ang mga buhok nila nang buong lakas. Gigil na gigil ako sa galit. Isang malakas na pagsigaw at pag-aray ang narinig ko pero wala na akong pakialam, tila nabingi ako. Nagdidilim ang paningin ko at gusto kong saktan ang dalawang taong sinasabunutan ko ngayon. Ramdam ko ang pagtaas ng dibdib ko dahil sa galit na umaapaw ngayon sa dibdib ko. "George, bitawan mo ako!" sigaw ni Papa nang makita ako at pilit inaalis ang kamay ko sa buhok niya pero mas hinigpitan ko ang kapit ko habang blangko ang mukha kong nakatingin sa kaniya. Naiiyak naman na ang babaeng hawak ko, pero wala akong pakialam. Sinabi ko na sa kaniyang huwag na huwag siyang magpapahuli sa akin na nambabae siya dahil hindi ako natatakot na ipahiya sila ng babae niya sa harap ng maraming tao. Mas lalo ko pang hinigit ang mga buhok nila. Napahawak na sila sa kamay ko at pilit inalis ang pagkakahawak ko sa buhok nila pero hindi ako natinag. Kung pwede ko lang silang kalbuhin pareho ngayon ay ginawa ko na. "Besh, tama na!" awat sa akin ni Shirly pero hindi ko siya pinakinggan. Sinubukan niya akong hilahin palayo. “Stop it, Shir. I am angry right now,” saway ko sa kaibigan kong inaawat ako kaya napahinto ito. Nagdadalawang isip ito kung pipigilan ba ako o hindi pero mas pinili na lang nitong manahimik. "Bitawan mo ako kung ayaw mong ipapulis kita!" naiiyak na pagbabanta sa akin ng babae. Marahas na binitawan ko siya bago malakas na itinulak sa gilid ng kotse. Napaigik ito sa ginawa ko pero wala akong pakialam. "Alam mo bang pamilyadong tao na iyang ginagatasan mo?" tanong ko sa babae ng ama ko. Kung titingnan mas mukhang bata pa ito kaysa sa akin. Binitiwan ko rin ang pagkakasabunot ko sa ama ko at masamang tumingin ako sa kaniya. Wala akong pakialam kahit na may ibang nakatingin na sa amin ngayon at nag-uusyuso. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahala lang sa akin ay mailabas ko ang galit ko sa dalawang taong nasa harapan ko. Umiyak na ang babae na agad namang nilapitan ng ama ko. Inalo-alo pa niya ito at inayos ang buhok na nagulo dahil sa pagkakasabunot ko. Muling kumulo ang dugo ko sa nakikita ko kaya itinaas ko ang kamay ko para sana padapuin sa mga mukha nila. Akmang sasaktan ko silang muli nang may humawak sa braso ko. "Don't you might hurt yourself," saad ng isang baritonong boses at nakita ko ang seryosong mukha ng boss ko. Hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon pero dahil sa sama ng loob ko ay hindi ko na alintana kahit makita pa niya ang bayolenteng side ko. Ibinaba ko ang kamay ko pero nanatiling masama ang tingin ko sa ama ko. Nangigigil ako ngayon at gusto ko siyang saktan. Anong karapatan niyang lokohin ang ina ko na wala nang ginawa kundi ang maging mabuting asawa lang sa kaniya? Nakakadiri siya. Nagawa pa talaga niyang maghanap ng babaeng mas bata pa sa akin. "Bakit ba bigla-bigla ka na lang nanakit?" tanong ng ama ko na parang ako pa ang gustong pagalitan. "Mag-sorry ka sa kaniya," utos nito sa akin na ikinangalit ng bagang ko. "Bakit ako magso-sorry sa inyo ng kabit mo?" matigas na tanong ko. Nanlilisik ang mga mata ko at gustong-gusto ko siyang saktan pero nakahawak na ngayon sa beywang ko si Sir Winston para hindi ako makalapit sa kanila. Hinding-hindi ako magso-sorry kahit na anong mangyari. Kulang pa nga ang ginawa ko sa ginagawa niyang panloloko kay mama. Wala siyang kwentang tatay. "Hindi ko siya kabit," saad nito na tinulungan ang babaeng tumayo. "Mali ka ng inaakala mo." "Hindi? Kung ganoon ano mo ang babaeng iyan?" matapang na tanong ko. “Parausan?” Huwag niyang itangging hindi niya kabit ang babaeng ito. Nakita ko kung paano yumakap sa braso niya habang naglalakad sila. Ako pa ba ang gagawin niyang tanga? Sinubukan kong muling sugurin siya pero mas humigpit ang hawak sa akin ng boss ko. "Are you stupid?" mataray na tanong sa akin ng babae at matapang na tumingin sa akin. "I am not a kabit! Daddy, who is this girl ba?" "Da--daddy?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang mga mata ng ama ko na biglang napuno ng guilt habang nakatingin sa akin pero iyong galit na nararamdaman ko mas dumoble dahil sa narinig ko. Parang gusto kong sumabog. "I am sorry, inilihim ko. Alam kong magagalit ka at ang mama mo kaya—" "Sinong hindi magagalit sa ginawa ninyo? May anak ka sa labas?" Natawa ako. Gusto kong magwala sa galit ngayon. Gusto ko siyang saktan pa lalo, nangangati ang aking mga kamay na pagsasampalin siya. Mas malala pa pala sa may kabit, dahil may anak na pala siya sa labas at malaki na ito. Ibig sabihin matagal na niya kaming niloloko. "I hate you," galit na galit na saad ko habang malamig na nakatingin sa kaniya. Nawala na ang katiting na respitong nararamdaman ko para sa kaniya. Pinigilan ako nito nang akmang lalayo na ako sa kanila. "George, listen let me explain," pakiusap ng ama ko pero wala akong balak pang makinig sa ano mang paliwanag niya. Sapat na ang nalaman ko. Marahas na tinulak ko siya palayo sa akin. "Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Mula sa araw na ito, ayoko nang makita ang pagmumukha ninyo," puno ng galit na saad ko rito bago nagmamadali akong umalis. Naiwan ko pa ang regalong binili ko kay mama na dinampot ni Shirly bago nagmamadaling sumunod sa akin. Nasasaktan ako sa nalaman ko pero mas nasasaktan ako para kay mama. Ayokong makitang umiiyak ang ina ko, mas masakit sa dibdib na makita siyang nasasaktan pero sa nalaman ko ngayon, hindi pwedeng magbulag-bulagan lang ako. “Besh!” habol sa akin ni Shirly. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti na parang walang nangyari. Hindi ako iiyak dahil lang gago ang tatay ko. Hindi ko iiyakan ang amang, hindi nagdadalawang isip na lokohin ang nanay ko. Napatingin ako sa boss ko na lumapit sa amin. Bigla ay parang gusto kong mahiya sa kaniya. Nakita pa niya ang nangyari. “Let me drive you home. And I will not accept no this time,” seryosong saad nito habang nag-aalalang nakatingin sa akin. “Ako na ang bahala sa kaniya,” baling nito sa kaibigan ko na mabilis namang tumango. Inabot sa akin ni Shirly ang paper bag na may laman ng regalo ko para kay mama sa next birthday niya next week. Ang boss na mismo ang umabot noon at hindi na ako nagsalita nang igaya niya ako sa kotse niya. “I don't want to go home,” saad ko nang magsimula na siyang mag-drive. Ayaw kong umuwi tapos makikita ko ang ama ko. Ayaw ko siyang makita. Baka wala nang aawat sa akin at matuluyan ko siya. Pinipilit ko lang maging kalmado pero iba ang nararamdaman ko. Gusto kong saktan siya hanggang sa mawala ang galit ko. “Are you sure?” Tumingin ako sa kaniya. “I don't want to go home,” ulit ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD