Chapter 5: Gwapong Retarded

1702 Words
GEORGE Isinama ako ni Sir Winston ngayon para sa meeting niya pero kanina ko pa napapansin ang tingin sa akin ng matandang kaharap namin. Hindi ko alam kung duling ba sya o talagang nasa akin ang tingin niya habang kaharap niya at kausap ay ang boss ko. Nandito kami sa conference room at kaharap ang isang matandang lalaking gustong magbukas ng malaking jewelry store sa mall na pagmamay-ari ng boss ko. Tumikhim ang boss ko kaya napatingin ako sa kaniya. "I will think about your offer, but you have to remember one thing," seryosong saad nito. "I never made a deal with someone who loves to fantasize about my employee." "Excuse me?" tila napahiya ang matandang kaharap namin. "You keep on staring at her," tukoy sa akin ng boss ko. Napapansin din pala niya iyon. Mabuti sana kung simpleng tingin kaso ang uncomfortable kasi titig talaga ang ginagawa niya. "I am just appreciating her beauty. You have a very beautiful secretary." Ngumisi ito. "Are you sure you never like her?" malisyosong tanong pa nito. Biglang ngumisi ang boss ko pabalik sa matanda. "I don't think we can be business partners. I will never work with a pervert. Your attitude right now is pissing me off. Let's end this meeting before I am wasting more time on you," saad ng boss ko bago mabilis na tumayo at hinila ako palabas ng conference room. "He is a big client. Malaki ang maipapasok niya sa atin kung hahayaan mo siyang magkaroon ng pwesto sa mall," saad ko habang naglalakad kami papuntang elevator. "So sinabi mong dapat hinayaan ko na lang na bastusin ka niya? Ang tanda-tanda na niya, puno pa ng pagnanasa kung makatingin sa iyon," nakasimangot na saad nito. "Salamat sa pagtatanggol sa akin Sir pero paano ang-" "Hindi ko kailangan ng pera niya," putol nito sa sasabihin ko. “Madami ako noon.” Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kapag ganito na ang tono niya na parang naiinis siya wala na akong choice kundi ang manahimik dahil alam kong hindi na siya nakikinig sa akin. Pinindot nito ang floor kung nasaan ang opisina namin. "Next time hindi na talaga kita isasama sa kahit anong meeting ko. Ang liit-liit mo na nga napapansin ka pa rin palagi." Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. Nagawa pang manlait. Oo na, hindi na ako matangkad. "Wow, hindi mo pa sinabing bansot ako," sarcastic na saad ko. Lampas 6 ft ang taas nito kaya hanggang balikat lang niya ako. Siya na ang kapre at ako na ang dwende. "Hindi ka naman bansot, mukhang hindi ka lang natulog tuwing tanghali noong bata ka pa," pang-aasar nito. Minsan talaga gusto ko nang kalimutang boss ko siya at ibalibag ko na lang. "Bakit kayo ba puro tulog kaya daig n'yo pa ang kapre sa tangkad?" Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. "George, hindi naman ako mukhang kabayo. Gwapo kaya ako," pagbubuhat pa nito sa sariling bangko. Tiningnan ko siya pero hindi ako nagsalita. Bilib din ako sa hangin ng boss ko. Oo, gwapo siya pero hindi ko inaasahan na talagang bubuhatin niya ang sarili niya. Saka kapag umu-oo ako sa kaniya mas lalaki ang ulo niya. Hanggang sa muling bumukas ang elevator ay hindi ako nagsasalita. Muli akong bumalik sa table ko at nagsimulang mag-trabaho ulit pero napatingin ako sa intercom nang tumawag ang boss ko para sabihing pumasok ako sa opisina niya. Naabutan ko itong nakatingin sa salamin at sinisipat ang sarili. Tila hindi ito mapalagay kaya nagpakunot ang noo ko. "Sir?" tawag ko sa pansin niya. "George, hindi ba talaga ako gwapo?" biglang tanong nito na lalong ikinakunot ng noo ko. Ano na naman ang problema nito? "May hitsura naman po kayo," napipilitang sagot ko. Lumaglag ang balikat nito at tamad na sumandal sa swivel chair niya. Tila hindi ito makapaniwala sa naging sagot ko. "Kahit tae may hitsura, George," tila pagmamaktol nito. Inatake na naman siya ng saltik niya. "Hindi naman po kayo mukhang tae." Napanganga ito sa sinabi ko. Halata sa mukha nito ang shock. May mali ba akong nasabi? Huminga ako ng malalim. Mukhang alam ko na ang pinagpuputok ng butse nito. "Gwapo po kayo." Bigla itong ngumiti ng malapad sa akin. Parang batang binigyan ito ng candy. Muli itong tumingin sa salamin kaya lihim kong naitirik ang mata ko. Maagang mamumuti ang mga buhok ko sa lalaking ito. "Pwede na ba akong bumalik sa trabaho ko?" "Sige-sige," masayang sagot nito kaya napailing nalang ako. Hindi ko akalaing magiging big deal sa kaniya ang hindi ko pagsang-ayon kanina sa kaniya na hindi siya gwapo. "Gwapong retarted," bulong ko sa hangin bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Kung iyong ibang boss sobrang istrikto, siya naman daig pa ang isip-bata. Hindi lang sinabihan na gwapo, daig pa ang nalugi sa negosyo. Binaliwala nga niya iyong malaking kliyente na papasok sana pero iyong hindi ako sumang-ayon sa kagwapuhan niya hindi niya pinalampas. Nang dumating ang lunch ay sa canteen ako kumain, nag-text kasi sa akin si Shirly na sabay raw kami kumain kaya napilitan akong bumaba. Kaibigan ko ito na rito rin nagtatrabaho. Sabay kaming nag-apply dati at maswerteng pareho kaming natanggap. Nasa marketing lang siya kaya hindi kami nagkikita palagi. "Daig mo pa ang grade school, hindi ka nawawalan ng baon," saad ni Shirly nang maupo sa katapat ko. May dala itong tray na may lamang pagkain. "Nasanay na kasi ako, saka para makatipid na rin." "Grabe ka magtipid, daig mo pa ang may limang anak. Alam mo, mag-jowa ka nang may tagalibre ka," suhestiyon nito. Jowa ba? Bakit parang tunog sugar daddy pinapahanap niya sa akin? Hindi naman ako mukhang pera. "Hindi pa ako ready na masaktan." Tumirik ang mata nito. "Huwag ka ngang nega. Hindi naman lahat ng lalaki manloloko. Saka sa una lang masakit,” pilyang saad nito at kumindat sa akin. Alam ko kung ano ang ibig sabihin niya pero hindi ako nag-react. “Saka may manliligaw kana hindi ba? Gwapo rin naman si Philip, ayaw mo ba sa kaniya?" "Gusto siya ni mama." Napalo nito ang sariling noo sa naging sagot ko. "Mama mo ba jojowain niya?" tila bigla itong na-stress sa akin. "Ayaw mo sa kaniya?" "Mabait naman siya." "Pero hindi mo type." Mabait naman talaga si Philip pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magustuhan. Si Mama rin ang nag-utos sa akin na subukang makipag-date sa kaniya, pinagbigyan ko lang ang nanay ko. Noon namang nagsabi siyang manliligaw, sinabi ko sa kaniyang hindi pa ako handa pero sabi niya willing siya maghintay. "Hindi ko alam. Okay naman siya sa akin." "Walang kilig?" Never pa naman akong kinilig dahil sa lalaki saka sabi nila hindi lang raw naman kilig ang batayan sa isang relasyon. "Baka naman may iba kang gusto?" Nagdududang tumingin ito sa akin. "Crush mo rin ba si Sir Winston?" pabulong na tanong nito. "Hindi." "Sure ka? Kasi okay lang sa akin kahit same tayo ng crush. Crush-crush lang naman, e." Siguro kahit gaano pa ka-gwapo ang boss namin hindi ako magkakagusto doon dahil alam kong sakit sa ulo lang mapapala ko sa kaniya. Masyado iyong pasaway, at lalong hindi ako mahilig sa mga lalaking friendly sa mga babae pero takot naman sa relasyon. Ganoon kasi ang boss ko kaya maraming babaeng laging dumadalaw sa opisina niya. Masyado siyang friendly kaya minsan nag-aakala silang gusto na sila ng boss ko. Saka anong akala niya sa boss namin? Pagkain na pwedeng i-share? "Kumain ka na lang. Gutom lang iyan," saad ko sa kaniya habang patuloy na kumakain. Hindi kasi ito makakain ng maayos dahil abalang mag-interview sa akin. Sana hindi ko na lang siya sinabayang kumain kung alam kong lovelife ko lang pala ang pag-uusapan namin. Matapos naming kumain ni Shirly ay nagtungo muna ako sa comfort room. Umihi ako at palabas na sana ako sa cubicle nang may marinig akong nagsasalita sa labas. "Nakita mo na iyong secretary ni CEO?" "Sabi ni Alvin, maganda raw. Crush n'ya nga, e." Hindi ko kilala kung sino ang Alvin na tinutukoy nila. Pero sure ako na ako ang pinag-uusapan nila dahil ang boss ko naman ang CEO ng kompanya at ako ang secretary niya. "Sabi nga, kaso daig pa raw si Ms. Tapia. Isnobera raw." "Talaga ba?" "Naku, kapag nakita ko siya huwag niya akong tatarayan. Hindi ko siya uurungan," saad ng isa at sabay silang tumawa. Tuluyan na akong lumabas ng cubicle. Sabay pa silang napatingin sa akin. Mukhang mga bago lang sila kaya hindi pa nila ako nakikita. Naghugas ako ng kamay habang napapansin kong nakasunod ang tingin nila sa akin. Tumingin ako sa kanila nang kumuha ako ng tissue para tuyuin ang kamay ko. "Next time kapag mag-uusap kayo, siguraduhin ninyong walang makakarinig sa inyo,” saad ko. “Excuse me?” “You are not excused. I hate it when people are talking about me behind my back,” wika ko bago tumalikod sa kanila at lumabas ng comfort room. Ayoko talaga kapag hinuhusgahan na agad ako ng isang taong hindi pa ako kilala. Hindi naman ako isnabera, hindi ko lang ugaling makipag-plastikan sa iba. Kaya kapag alam kong ayaw sa akin, hindi ko na lang pinapansin. Bumalik ako sa table ko at muling nagtrabaho pero napataas ang tingin ko nang biglang may tumuktok sa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko ang boss ko na salubong ang kilay. Ano na naman kaya ang problema nito? “Yes, sir?” “You did not go out with him?” “Him?” “Your manliligaw na willing maghintay.” Oh. Si Philip ang tinutukoy niya. Bakit parang imbestigador naman siya ngayon? “Hindi po.” “Where did you eat? Dati naman sa pantry ka lang madalas nagla-lunch.” “Canteen?” patanong na sagot ko dahil hindi ko alam kung bakit tinatanong ako nito. Tumango ito. “May problema po ba?” “Nothing. May itatanong sana ako sa'yo kanina pero hindi kita makita,” paliwanag nito. “Ano po iyon?” “Nevermind. Just give me a copy of the quarterly inventory,” wika nito bago muling pumasok ng opisina niya. Bakit kailangan pa niyang lumabas ng opisina? Pwede namang tumawag na lang siya sa intercom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD