bc

Devirginizing My Hot Boss

book_age18+
3.3K
FOLLOW
37.3K
READ
HE
opposites attract
boss
heir/heiress
bxg
lighthearted
scary
witty
campus
office/work place
poor to rich
assistant
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ikaw pala ang makakuha ng virginity ng boss mo?

********

Limang taong naging sekretarya si Georgette ng isang gwapo at happy-go-lucky niyang boss ngunit magbabago ang lahat ng malasing sila at may nangyari sa kanila.Handa niyang kalimutan ang nangyari pero ang boss niya mismo ang nag-demand na pakasalan niya ito dahil siya raw ang naka-virgin rito. Giniit nitong dapat daw niya itong panagutan dahil hindi raw ito kaladkaring lalaki.

Tumangi siya sa kasal na inaalok nito ngunit nang malaman niya kung sino ang ipinagkakasundo rito ay mabilis siyang pumayag. Gagamitin niya ang lalaki para makaganti ngunit paano kung may ibang pakay din ito sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Blurb:
DEVIRGINIZING MY BOSS GEORGETTE'S POV “Pakasalan mo ako!” Napanganga ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Mahigpit pa ang hawak nito sa kumot na nakatakip sa katawan nito habang ako naman ay nakasuot nan ang puting malaking t-shirt, sigurado akong sa kaniya ito dahil masyadong malaki sa akin. Ito kasi ang una kung nakita kanina nang magising ako kaya isinuot ko agad dahil sa pagmamadali ko. “Gago ka ba?” hindi ko mapigilang sabihin kahit na boss ko pa siya. “Kinuha mo ang virginity ko,” tila naiiyak na saad nito. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. “Tangna, ako pa talaga? Virgin rin ako, hindi lang ikaw. Kaya huwag ka mag-inarte. Isa pa ako ang babae, mas malaki ang nawala sa akin. Bakit kung makaasta kayo, parang ako pa may kasalanan?” asar na saad ko. Parang gusto ko siyang lapitan at batukan. Kung makaarte siya akala mo siya lang nawalan. Sino ba ang kastang-kasta kagabi? Ako ba? Sino ba ang nawasak ang hymen? Ako, hindi ba? Bakit ngayon maka-react siya, parang daig ko pa ang menolestiya siya. Ang sarap niyang ibaon na kilay lang ang labas. “Bakit kapag ba lalaki hindi na pwede mawalan ng virginity? Akala ko ba gender equality gusto ninyo?” Nasapo ko ang noo ko. Biglang sumakit ang ulo ko sa pakikipag-usap sa kaniya. Masakit na nga pagitan ng mga hita ko dahil sa kaniya, bati ba naman ulo ko sasakit din? “Hindi ko kayo pakakasalan,” mariing tanggi ko. Hindi pa ako nababaliw para matali sa isang gaya niya. Sa malay ko bang kung nagsasabi siya ng totoo. Imposibleng umabot siya sa edad na trenta na hindi pa siya nakakatikim ng ibang babae. “Bakit hindi?” hindi makapaniwalang tanong nito. Napaupo na ito sa kama. Oa talaga minsan ng lalaking ito. “Kalimutan na lang natin ang nangyari. Pareho lang naman tayong nawalan ng virginity,” simpleng saad ko. Matanda na kami para sa bagay na ito. “Hindi ako papayag,” pagmamaktol nito. “Pakakasalan mo ako. Kinuha mo ang virginity ko kaya panagutan mo ako.” Napapikit na lang ako. Dapat ako ang nagde-demand ng mga bagay na iyon pero nabaliktad yata ang sitwasyon namin. My boss is accusing me of devirginizing him and now, he is demanding a marriage. The heck!

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook