GEORGETTE
Nagising ako sa malakas na sigawan mula sa ibaba. Tinatamad na binuksan ko ang mga mata ko at napatingin sa alarm clock na hindi pa tumutunog at naunahan ko pang magising ngayon. Alas dose pa lang ng gabi. Ibig sabihin katutulog ko pa lang pero nagising na agad ako dahil sa mga lalakas na boses na nagtatalo sa ibaba.
Pinilit kong muling pumikit pero nangingibabaw talaga ang boses ni mama kaya asar na asar na bumaba ako. Ano na naman ba ang pinagtatalunan nila at dis oras na ng gabi ay umaapaw pa ang mga boses nila. Hindi na sila nahiya sa mga kabitbahay namin. Paniguradong bukas ng umaga ay kami na naman ang almusal ng mga marites sa kanto.
Nang hindi ko na talaga matiis ay tumayo na ako mula sa kama ko kahit na inaantok pa ako. Kapag hindipa ako pumagitna sa kanila ay alam kong hindi sila matatapos sa pagtatalo nila.
"Nambabae kana naman? Kailan ka ba magtitino?!" malakas na sigaw ni Mama kay Papa habang ang ama ko naman ay umiiwas sa mga hampas ni mama.
"Napainom lang," depensa ng ama ko. "Nayaya lang ako ng mga katrabaho ko."
"Talaga bang kailangan sa babaeng may sumasayaw kayo mag-inom?!" nanggagalaiting tanong ng ina ko.
Mabilis na nagtungo ako sa kusina. Hindi nila ako napansin dahil abala silang dalawa magtalo at medyo madilim na rin sa sala. Kumuha ako ng malaking kutsilyo bago bumalik sa sala namin. Napatingin sa akin ang mga magulang ko at nahintakutan nang makita ang hawak ko.
Inabot ko iyon kay Mama. "Putulan n'yo nan lang para hindi na makaulit pa," saad ko.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Papa pero balewalang tumingin lang ako sa kaniya. Sawa na akong makitang umiiyak ang ina ko dahil sa mga kalokohan niya.
Huwag lang talaga siyang magpapahuli sa aking may kasamang ibang babae dahil ako mismo ang magbubuhol sa kaniya. Hindi ako natatakot na ipahiya siya sa harap ng maraming tao kahit tatay ko pa siya.
"Anak..." wika ni Papa at napahawak pa sa pagitan ng mga hita niya bago tumingin kay mama na may hawak na ngayong ng kutsilyong ibinigay ko.
"Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa ina ko, dalawa lang ang pagpipilian mo. Aalis ka sa pamamahay na ito o puputulin niya iyang kaligayahan mo," malamig na saad ko.
Ilang beses na siyang pinatawad ni mama. Nangakong magbabago pero hanggang ngayon, ganoon pa rin siya. Paulit-ulit na lang. Hindi na siya nadadala.
Palibhasa alam niyang tanga ang ina ko pagdating sa kaniya kaya sinasamantala niya.
"Lia, tatay mo ako!"
"Pero nanay ko ang niloloko mo," matigas na sagot ko.
"Bahay ko ito!"
"Conjugal property n'yo ito," sagot ko.
"Hindi ko naman kasalanan na habulin ako. Hindi ko-" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sapakin siya ni mama.
"Wala akong pakialam kung habulin ka pa, kapag ako ang napuno sa iyon itak ang hahabol sa iyo!" saad ng ina habang dinuduro ang ama ko ng kutsilyong binigay ko sa kaniya.
"Hindi na," parang tutang saad ng tatay ko.
Tiningnan ito ng masama ng ina ko bago itinapon ang kutsilyong hawak at nagtungo sa kwarto nila.
Napatingin naman ako kay Papa na napapangiwi habang dinadama ang panga niyang tinamaan ang kamao ng nanay ko.
Naghikab ako bago muling humakbang papasok ng kwarto ko. Sanay na akong makitang nag-aaway palagi ang mga magulang ko dahil sa pagiging babaero ng ama ko. Bata pa lang ako iyon na ang problema ni mama kay papa.
My father is a cheater. Hindi na ako magugulat kung isang araw may kakatok sa gate namin para sabihing anak siya ng ama ko.
Siguro isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hindi kami masyadong close na dalawa. Dahil lagi niyang pinapaiyak si Mama. Kung ako ang masusunod, mas mabuti pang maghiwalay na lang ang mga magulang ko kaysa naman paulit-ulit niloloko ng ama ko ang ina ko. Kaso si mama hindi ko alam kung bakit nagtyatyaga pa rin siyang pakisamahan ang ama ko kahit alam niyang nagloloko na.
Basta huwag lang ako ang makakahuli sa kaniya dahil kahit ama ko siya malilintikan siya sa akin. Ang tanda na niya, hindi pa rin siya nagbabago. O ganoon talaga kapag babaero? Never nagbabago.
Kaya minsan natatakot ako, baka ako ang umani ng karma ng ama ko.
Bumalik na ako sa kama ko at muling natulog. Maaga pa ang pasok ko bukas kaya ayaw kong magpuyat. Tumahimik na rin ang paligid kaya matiwasay na akong nakatulog.
"George! George!"
"Hmm?"
"Anong oras na hindi ka ba papasok?"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tanong ni mama.
"Anong oras na?" tanong ko at tumingin sa relong nasa tabi ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong almost seven na. Bakit hindi ako nagising sa alarm ko? Muli akong tumingin sa alarm clock ko at saka ko lang na-realize na hindi ko pala nai-set iyon kagabi.
Nagmamadaling bumaba ako ng kama ko at patakbo akong pumasok sa bathroom at naligo. Kahit gusto ko pang magbabad sa tubig ay hindi ko na ginawa dahil mahuhuli na ako. Nagmamadali na rin akong nagbihis. Nagsuot na lang ako ng isang trouser pants at white three-fourth shirt na tinernuhan ko ng sapatos na may two-inches na takong para naman madagdagan ang height ko kahit papaano. Dahil natural na pinkish naman na ang labi ko ay naglip-gloss lang ako bago ako lumabas ng kwarto ko.
"Ma, alis na ako!" sigaw ko habang palabas ako ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan ang ina ko, baka nasa kusina kaya hindi ko natanaw habang palabas ako.
Nakatingin ako sa cellphone ko para magpa-book ng masasakyan ko habang palabas ako ng bahay.
"George, sandali! Baon mo!" sigaw ni Mama at hinabol ako habang dala ang lunch box ko.
"Thanks," saad ko at agad na inabot iyon sa kaniya.
"Ingat ka!" saad pa nito habang nasa may pintuan.
Itinaas ko na lang ang isang kamay ko para magpaalam sa kaniya at tuluyang lumabas ng gate.
Pero kung kailan ako nagmamadali, saka naman wala akong mahanap na masasakyan. Muli akong napatingin sa relong pambisig ko at napahawak ako sa ilong ko nang makita kong late na talaga ko.
Muli akong nag-check kung may masasakyan pa ba ako. Masyadong malayo naman kung lalabas akong subdivision namin. Hindi naman ako marunong mag-drive kaya hindi ako makabili-bili ng sasakyan.
Saka wala pa rin naman talaga akong pambili.
Mabuti na lang at may nakita akong available na booking para sa motorsiklo kaya grinab ko na iyon kaysa naman sa four wheels ako sumakay. Nagmamadali na ako kaya mas mainam na sa motor na ako sumakay.
Makalipas lang ang tatlong minuto ay dumating na ang rider na binook ko. Agad na sumakay ako at kulang na lang ay utusan ko itong paliparin ang motorsiklo para hindi ako ma-late.
Nang makarating kami sa tapat ng building tower kung saan ako nagtatrabaho ay nagmamadali akong bumaba at nagbayad.
Tumingin akong muli sa relo ko at nanlaki ang mata ko nang limang minuto na lang ay late na ako. Kulang na lang ay takbuhin ko papasok ng entrance. Binati pa nga ako ng guard pero hindi ko na ito pinansin dahil nagmamadali ako.
Punuan pa ang elevator kaya naghagdan na lang ako. Mabuti na lang at hindi mataas ang takong ng sapatos ko.
Hingal kalabaw ako nang dumating ako sa floor namin.
Mabilis akong nag-in. Late ako ng dalawang minuto. Dati ay fifteen minutes bago ang time na nandito na ako. Ito lang ang unang beses na na-late ako. Kahit tumakbo pa ako ay hindi na talaga ako nakahabol.
Umupo agad ako sa table ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil medyo kinakapos ako ng hininga. Tatlong floor kasi ang tinakbo ko bago ako nakasakay ng elevator papunta sa fourteenth floor.
Nang makabawi na ako ay inayos ko muna ang sarili ko dahil alam kong mukhang haggard na ako. Nang masiguro kong maayos na ako ay dinampot ko ang isang notebook kung saan nakasulat ang schedule ng boss ko. Tumayo ako para magtungo sa opisina niya. Kumatok muna ako bago pumasok.
Late na ako kaya sigurado akong kanina pa siya naghihintay sa akin.
Ang malaking ngiti nito ang sumalubong sa akin.
"You're late," saad nito pero mukhang hindi naman ito galit.
"I am sorry, Sir."
"It's okay. Hindi ko naman babawasan ang sweldo mo para lang sa ilang minutong pagka-late mo," malaki ang ngiting saad nito.
Mabuti na lang.
"Thank you, sir."
"Late kana ba nakauwi mula sa date mo kaya na-late ka ng gising?" casual na tanong nito.
"Wala po akong date kagabi."
"Hindi ba at may sumundo sa'yo?"
"Sinundo lang po ako pero hindi kami nag-date," magalang na sagot ko kahit gusto ko na siyang supalpalin.
"Mabuti naman kung ganoon," komento nito kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Muli itong ngumiti sa akin. "What's my schedule for today?"
Binuklat ko ang hawak kong notebook.
"You have a meeting with Mr. Enrique at 9:00 a.m. Then you also have a schedule with Mr. Hernaiz at 3:00 in the afternoon. Then at night, you have a dinner with Mr. Fletcher."
"Cancel the dinner. I can't meet him tonight," utos nito.
"But sir, your grandfather is expecting you tonight."
"George, I have important things to do tonight."
Pinakatitigan ko siya kung nagsasabi ba siya ng totoo o nagdadahilan lang siya. Alam kong ayaw na ayaw niyang makipagkita sa Lolo niya, hindi kasi siya close sa side ng ama niya.
"He will be angry with me if you cancel it, Sir," saad ko.
Minsan na kasi akong napagalitan ng matandang iyon dahil pinakansel niya ang dinner. Bakit ko raw hinayaang ma-cancel? Ako ang tinalakan ng matanda na para bang kasalanan ko. Sinusunod ko lang naman ang utos ng boss ko.
"Okay, fine," napipilitang saad nito. Tumingin ito sa akin. "How about lunch?"
"You don't have an appointment, sir."
Wala siyang lunch meeting ngayong araw.
"I know, I mean how about we eat lunch later?"
“May—”
“May baon ka. Yeah, why did I even forget that?” putol nito sa sasabihin ko na para bang disappointed ito.
“Bakit n'yo ba kasi ako niyayang mag-lunch sa labas alam n'yo naman na nagbabaon talaga ako?”
Kung gusto niya talagang kumain sa labas pwede naman siyang kumain mag-isa. Bakit need pa akong kasama?
“George, boring kumain mag-isa. Saka baka may makakita pang blogger sa akin at picturan ako tapos i-post ako sa social media sabihin kawawa ako kasi nag-iisa,” mahabang paliwanag nito.
“Sige po, babalik na ako sa trabaho ko,” nasabi ko nalang dahil kung ano-ano na naman pinagsasabi niya.
Napanganga ito sa sinabi ko.
“George! Ang dami kong sinabi, nagtanong ka pa. Hindi ka naman pala interesado sa paliwanag ko. Sinayang mo lang pala ang laway ko,” hindi makapaniwalang saad nito.
Nasobrahan na naman siya sa ka-oahan niya.
Magsasalita pa sana ako pero ikinumpas na nito ang kamay.
“Sige na, labas kana,” nagtatampo pa ang tono nito. “Baka naabala na kita.”
Parang tanga talaga ang potangina.
Pero ngumiti na lang ako sa kaniya at lumabas.
Iyong ka-weirduhan ng boss ko, minsan palala ng palala. Hindi naman bilog ang buwan pero nagkakasaltik na naman siya.
“George.”
Hindi pa ako nakakaupo ay napalingon na ako sa tumawag sa pangalan ko.
"Yes, sir?"
"You forgot to say good morning," saad nitong malaki ang ngiti bago muling sumara ang pinto ng opisina niya.
Napatanga na lang ako at ipinilig ko ang ulo ko. Mukhang good mood ang boss ko kaso ako ang wala sa mood ngayon, na-late kasi ako at hindi ako sanay. Buti na lang hindi istrikto ang boss ko.