Chapter 3: Manliligaw

1804 Words
Nang dumating ang alas singko ng hapon ay tumayo ay binitawan ko na ang ballpen na hawak ko at nag-unat ako. Hinawakan ko ang batok ko at inikot ang ulo ko para mawala ang ngalay ko. Umalis kaninang mga alas dos ang boss ko kaya wala siya sa opisina niya. May business meeting siya, mabuti na nga lang at hindi niya ako sinama dahil ang dami ko pang ginagawa. Hindi ko pa nga natapos. Napatingin ako sa cellphone ko nang may magtext doon. Napangiti ako nang makita ko ang text mula kay Philip. Nasa baba na raw ito kaya nagmamadali ko nang niligpit ang mga gamit ko. Tumingin pa ako sa maliit na salaming nasa ibabaw ng table ko para i-check ang mukha ko. Nang mapansin kong medyo maputla ang labi ko ay kumuha muna ako ng lipstick at naglagay sa labi ko. Pinagdikit ko ang mga kabi ko para ikalat ang lipstick sa labi ko. "May date ka?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Nelly. Mabilis akong umiling sa kaniya. Isa siya sa mga katrabaho ko. May dala itong folder na inabot sa akin kaya tinanggap ko. "Kailangan daw ng approval ni Sir para sa budget niyan, pakibigay na lang sa kaniya," pakiusap nito. "Sige," simpleng sagot ko. "Samahan mo ng ngiti para mas maganda ka sa date mo." Sumenyas pa itong iginuhit ang daliri sa mukha para sabihing ngumiti ako bago tuluyang umalis. Tinanguan ko na lang siya. Wala naman akong date, saka hindi naman ako gaya ng boss ko na palagi nalang nakangiti. Wala naman akong dimples na kagaya niya. Bago tuluyang umalis ay pumasok muna ako sa opisina ni Sir Winston upang ilagay sa table niya ang inabot sa akin ni Nelly. Napatingin ako sa table niya na medyo makalat kaya inayos ko muna iyon. Inilagay ko ang mga ballpen sa lalagyan at inayos ko ang mga folder na nakabukas. Palabas na sana ako ng opisina niya nang biglang bumukas iyon at pumasok ang boss ko. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. Bakit bumalik pa siya sa opisina kahit uwian na? "You are going home?" tanong nito. "Yes, sir." "Okay, hatid na kita," pagbobolontaryo nito. "Hindi na po. May sundo na po ako sa ibaba," tanggi ko sa kaniya. "Sundo?" Biglang nagsalubong ang kilay nito. Tumango ako sa kaniya. "Your father?" hula nito. Umiling ako. Never naman akong sinundo ng tatay ko mula sa trabaho. "Who?" Napatingin ako sa kaniya. Nag-aalangan pa ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi. Ano ba kasing pakialam niya kung sino sumundo sa akin? Hindi naman na kasama sa trabaho ko ang mag-report sa kaniya tungkol sa ganoong bagay. "Manliligaw ko po," sagot ko. Mukha kasing naghihintay ito ng sagot mula sa akin kaya inamin ko na lang ang totoo. Napatanga ito sa naging sagot ko. Ikiniling pa nito ang ulo para tingnan ako. "Akala ko ba sabi mo wala kang boyfriend?" "Pero wala akong sinabing wala akong manliligaw." "Akala ko ba hindi ka nagmamadali?" "Willing naman siyang maghintay." Hindi ko alam kung ano ang problema niya at daig pa niya ang imbestigador ngayon sa dami ng tanong niya. Pakialam ba niya sa lovelife ko? Hindi ko nga pinapakialam love life niya. Hindi ito umimik at mataman lang na nakatingin sa akin. "Wala na po ba kayong iuutos sa akin?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi pa kasi naghihintay sa akin si Philip. "Wala na," sagot nito at dumiretso sa swivel chair nito. "You can go now." Napatingin ako sa kaniya nang marahas nitong hilahin ang suot na necktie dahilan para lumuwag iyon at pagbagsak na naupo. Binigyan ko siya nang isang tango bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya. Hindi ko alam kung anong problema niya at bigla siyang naging bad mood. Baka may nangyari sa labas kaya ganoon na lang ang mood niya. Pagbaba ko ay naabutan ko na si Philip na naghihintay sa akin. Nakasandal ito sa kotse nito at ngumiti ng malaki sa akin ng makita ako. Mabilis na lumapit ako sa kaniya. "Hi," bati nito. "Sorry natagalan ako, kanina ka pa ba?" "Hindi naman. Kadarating ko lang nang mag-text ako sa'yo," sagot nito at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Tatlong buwan nang nanliligaw sa akin si Philip. Kapitbahay namin siya. Anak siya ng kumare ni Mama, wala naman talaga akong balak na magpaligaw sa kaniya pero si Mama ay pinipilit akong subukan ko raw makipag-date dahil tumatanda na ako. May hitsura rin naman ito. Matangkad, medyo kayumanggi ang balat at medyo kulot rin ang buhok. Ito iyong tipong neat looking guy, kaya alam mo palaging mukhang naliligo sa pabango. Noong una ay ayaw ko pa talagang pumayag sa blind date na inihanda sa akin ni Mama pero naririndi na ako sa bunganga niya kaya sa huli ay pumunta na ako. Doon ko nalaman na si Philip pala ang ka-date ko. Kilala ko na siya dahil anak siya ng kumare ni mama pero hindi naman kami close. Mabait naman si Philip, saka stable na siya financially kaya pumayag na rin ako nang sabihin niya sa akin na gusto niya akong ligawan. Wala naman akong mapipintas sa kaniya. Mukha naman siyang mabait sa loob ng tatlong buwang panliligaw niya sa akin. Iyon nga lang, sabi nga nila, walang masamang lalaki kapag nanunuyo pa lang sila. Lumalabas lang ang tunay nilang ugali kapag nakasama mo na sila sa loob ng bahay. Kaya hanggang ngayon tinatantsya ko pa rin kung ano ba talaga siya. "How's your day?" tanong ni Philip habang nagmamaneho ito. Tumingin ako sa kaniya bago muli kong ibinalik ang mata ko sa unahan. "Okay naman. Same as usual, busy." Muling natahimik ang loob ng kotse. Tila nauubusan kami ng topic kahit wala pa naman kaming pinag-uusapan. Siguro dahil hindi lang ako sanay magkwento palagi ng nangyayari sa araw ko. Naramdaman kong sumulyap ito sa akin pero nanatiling sa unahan ako nakatingin. Napatingin ako sa kaniya nang magring ang cellphone niya pero hindi niya iyon pinapansin. "Hindi mo ba sasagutin?" tanong ko sa kaniya mukha kasing emergency kaya hindi tumitigil ang tumatawag kahit na hindi niya sinasagot. Kinuha nito ang cellphone pero pinatay lang nito ang tawag at tumingin sa akin. "Wala iyon. Barkadang nangungulit lang," saad nito at binigyan ako ng isang ngiti. Tumango ako sa kaniya pero hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nagsisinungaling siya base sa ngiti niyang kinakahabahan siya. "Salamat," saad ko nang huminto ang kotse niya sa tapat ng gate ng bahay namin. Pinindot ko ang lock ng seatbelt ko. "George, are you free on Sunday?" tanong nito kaya napatingin ako sa kaniya bago ko tuluyang inalis ang seatbelt na suot ko. "Hindi ako sure. Minsan kasi may biglaang trabaho pa rin ako," sagot ko sa kaniya.' Minsan kasi bigla na lang tumatawag ang boss ko para isama ako sa mga event na pupuntahan niya. At dahil ang usapan namin ay double pay ako kapag Linggo, kaya pumapayag akong sumama sa kaniya. Lalo na kung party at ako ang isinasama niya. "You have a very demanding work," komento nito. Tumango ako sa kaniya. Sa totoo lang, boss ko ang talagang demanding minsan, hindi ang trabaho ko. "If you are not busy, can we go out?" tanong nito na umaasang papayag ako. "Okay." Napangiti ito sa naging sagot ko. Pero duda akong hindi ako busy kahit Linggo. Madalas kasi pati pag-grocery ni Sir Winston isinasama pa niya ako. At dahil nga bayad ako, hindi ako nagrereklamo sa kaniya. Bumaba na ako sa kotse ni Philip at nagpaalam sa kaniya. Mabilis naman nitong pinasibad ang kotse na akala mo ay may 50-50 na dadalahin sa ospital kung magpatakbo. "Hinatid ka ni Philip?" malaki ang ngiting salubong sa akin ni Mama nang pumasok ako sa loob ng bahay. "Opo." "He is a good guy. Sigurado akong magugustuhan mo rin siya. Akalain mo ang bata-bata pa niya supervisor na agad siya," pagbibida nito kay Philip. Lagi na lang niya binibida sa akin si Philip mula nang malaman niyang nanliligaw ito sa akin. Siya ang pinaka-excited na sagutin ko ito kahit na hindi pa naman ako ready. Ayaw ko lang pumasok sa isang relasyon ng hindi pa ako handa lalo na at ito ang unang relasyon ko kung sakali. "Bata pa rin naman ang boss ko pero CEO na." Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko pero hindi ko naman na pwedeng bawiin kaya hinayaan ko na lang. Inirapan ako ni mama. "Iyong boss mo, lumaking may gintong kutsara. Si Philip, silver lang kaya huwag mo silang ipagkumpara. Gwapo si Philip, matalino at mukhang mabait." "Mas gwapo ang boss ko at mas matalino," sagot ko kay Mama. "Anak naman, e. Boss mo iyon, hindi ka pwede magkagusto roon, baka masaktan ka lang," nag-aalalang saad nito. "Hindi ko siya gusto. Sinasabi ko lang na may mas nakakahigit pa sa manok ninyo," sagot ko at naupo sa sofa. Sumunod naman sa akin si Mama. "Sure ka? Wala kang gusto sa boss mo? Baka naman kaya hindi mo pa rin magustuhan si Philip kasi Si Sir Winston mo ang gusto mo," nagdududang tanong ni Mama sa akin. Pinakatitigan pa ako nito habang tila microscope ang mga mata na ini-examine ako. "Hindi ko siya gusto," mariing tanggi ko. "Pero paano kung ikaw naman ang gusto niya?" "MA!" kulang na lang ay mapasigaw ako dahil sa tanong niya. Ano bang klaseng tanong iyon? Si Sir Winston iyon, impossibleng magkagusto sa akin. "Bakit ba? Maganda ka naman. Hindi ka lang marunong ngumiti madalas pero maganda ka. Kaya huwag kang magtaka kung magkagusto siya sa iyo." Inikot ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Biglang sumakit ang ulo ko sa nagiging takbo ng usapan namin ni mama. Bakit ba kasi nabanggit ko pa ang boss ko? "Hindi ko siya gusto at mas lalong wala siyang gusto sa akin. OKay?" paglilinaw ko. Napipilitang tumango si Mama. Ako naman ay tumayo na para magtungo sa kwarto ko. Mabilis naghubad ako nang suot kong damit para tumapat sa shower at maglinis ng katawan ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng ina ko para sabihing gusto ako ng boss ko. Pero alam kong hinding-hindi magkakagusto sa akin ang boss ko. Height pa lang ng mga tipong babae niya bagsak na ako. Five flat two inches lang ako, samantalang ang mga babaeng pumupunta sa opisina para makita siya ay parang mga hinugot mula sa runaway show. Tipong mga babaeng pwede niyang ipagmalaki kahit na kanino. Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ko ba kinokompara ang sarili ko sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya? Hindi ko naman siya gusto kaya wala akong pakialam kahit hindi rin niya ako magustuhan. Imposibleng magugustuhan namin ang isa't isa kaya nga compatible kaming magkatrabahong dalawa. Boss ko siya at secretary niya ako, ganoon lang kaming dalawa. Hindi na hihigit pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD