Georgette
Kumunot ang noo ko sa boss kong malapad ang ngiti ngayon.
“Kain tayo sa labas,” yaya nito at tumingin sa mamahaling relong nasa bisig nito. “It's already 12:15, mamaya mo na iyan tapusin.”
Napatingin ako sa tambak na mga papel na nasa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami nito. Tanghali na pala.
May inabot ako mula sa ilalim at ipinakita sa kaniya. Ang lunch box ko.
“May baon po ako.”
Nalukot ang mukha nito nang makita ang baon ko.
“Bakit nagbabaon ka pa? Afford ko namang i-libre kita,” wika nito.
“Hindi ko naman alam na galanteng boss pala kayo,” simpleng sagot ko.
Ganito ba talaga kapag mayaman? Hindi nanghihinayang maglustay ng pera? Ugali ko na kasi talaga ang magbaon para hindi na ako bumili sa labas. Saka masarap mas masarap kapag lutong bahay, idagdag pang masarap magluto si mama kaya nagbabaon talaga ako. Nagtitipid rin ako.
“Alangan namang tipirin ko ang sarili ko? George, we did not work to starve ourselves. Pero dahil may baon ka, order mo na lang ako. Tinatamad na akong lumabas,” tinatamad na saad nito at muling bumalik sa opisina niya.
Almost five years ko na rito bilang secretary niya at sa loob ng mga panahon na iyon sanay na ako sa pabago-bagong timpla ng ugali ng boss ko. Hindi ko alam kung bakit bigla niya akong niyayang kumain sa labas ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko at umorder na lang online ng pagkain niya. Alam ko naman na ang palaging kinakain niya kaya hindi ko na siya kailangang tanungin. Isang bagay na gusto ko sa kaniya ay hindi siya mareklamo sa pagkain. Kahit anong ibigay ko sa kaniya, kinakain niya.
Thirty minutes pa raw bago dumating ang pagkaing inorder ko para sa kaniya kaya tumayo na muna ako para kumain.
Nagtungo na muna ako sa office pantry bitbit ang lunch box ko. Malaki naman ang kainan dito sa panty, meron ding canteen sa second floor pero mas trip kung dito kumain para hindi masyadong matao.
Hindi naman palaging nagyaya ang boss ko na kumain kami sa labas. Isa pa boss ko siya kaya hindi rin talaga ako sumasama dahil ayaw kong matsismis kaming dalawa. Ang tsismis pa naman parang virus, madaling kumalat kaya kahit feeling close na ang mismong boss ko, ako na mismo ang umiiwas.
Naabutan ko ang dalawang office mates ko na kumakain na rin ng lunch nila kaya tahimik na naupo ako dalawang bangko ang layo sa kanila.
Nginitian nila ako nang makita ako kaya ngumiti ako pabalik sa kanila bago ko binuksan ang lunch box ko. Sweet adobo ang baon ko, one of my favorites.
“Tingnan mo ang gwapo niya,” kinikilig na saad ni Chona. Taga- sales department siya, ang kasama naman niya na si Hannah ay sa admin. May ipinapakita ito mula sa cellphone niya.
“Mas gwapo pa rin si Sir Winston. Feeling ko nalalaglag palagi ang garter ng panty ko kapag ngumiti siya,” wika naman ni Hannah at tumingin sa akin. “Ang gwapo n'ya, hindi ba, George?”
“Sakto lang,” simpleng sagot ko.
Sanay na ako maraming empleyado dito sa kompanya ang nagpapantasya sa boss namin.
Gwapo naman talaga. May sayad nga lang yata minsan o mas mas madalas.
"Hindi ka man lang ba kinikilig kapag kinakausap ka niya? Kasi kung ako ang nasa posisyon mo itatali ko talaga ng mahigpit ang panty ko para hindi malaglag kapag ngumingiti siya," kinikilig na saad ni Hannah.
"Wala naman akong dahilan para kiligin sa kaniya. He is my boss."
Nailing sila sa akin.
"Masanay kana kay George. Mukhang nagpaturok siya ng immunity para sa mga hot fafa kaya hindi siya tinatablan ng charisma ni Sir," saad naman ni Chona bago kumagat sa drumstick na hawak niya.
"I just don't mix work and pleasure," sagot ko.
Nagkatinginan ang mga ito at hindi na nagsalita. Siguro naramdaman nila na ayaw ko sa ganoong klase ng usapan lalo na at immediate superior ko ang topic namin.
Nandito ako para magtrabaho hindi para lumandi kaya kahit gaano pa kagwapo ang boss namin wala akong oras pagpantasyahan siya.
Kinuha ko ang utensils ko sa loob ng lunch box ko at nagsimulang kumain. Ang dalawang kasama ko naman sa mahabang table ay todo ang kwentuhan kahit kumakain. Hinayaan ko na lang sila.
“Kapag niligawan ako nito, sasagutin ko talaga agad. Aarte pa ba ako? Ang gwapo, at least kahit umiyak ako hindi pangit ang dahilan,” wika ni Chona habang patuloy na may tinitingnan sa cellphone nito. May account yata siyang ini-stalk.
“Truth! Kasi ang manloloko ngayon wala na sa hitsura. Minsan kung sino pa iyong pinanganak na hindi pinagpala ang mukha siya pa iyong malakas ang loob magloko ng sobra,” sang-ayon naman ni Hannah.
Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan nila. Lihim na tumatango dahil may point naman sila. Hindi na uso ang kanta ni Andrew E na humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay. Sa panahon ngayon kahit ginto madalas fake na.
Matapos kong mag-lunch ay bumalik ako sa table ko, eksaktong dumating naman ang inorder kong pagkain para kay Sir Winston.
Kumatok muna ako sa pinto bago tuluyang pumasok sa opisina niya. Biglang nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang ginagawa niya.
Nakaharap ito sa mahabang table sa may right side ng opisina nito kung saan minsan ay tumatanggap ito ng bisita. Masyado kasing malawak itong opisina niya kaya maraming space. May dalawang couch pa nga sa may gitna.
Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ako nito nakikita pa. Kaya pala walng sumasagot ng kumatok ako, busy siyang maglaro ng baraha.
Humakbang ako papalapit sa kaniya bago tiningnan ang ginagawa niya. Masyado itong naka-pokus sa mga barahang nasa harapan nito na tila pinag-iisipan nitong mabuti kung alin ang bubuklatin niya kaya ako na mismo ang nagbuklat naglipat ng isang six na heart at idinugtong ko sa seven na spade. Bigla naman itong napalingon at tila nagulat ng makita ako.
Nakita kong napalunok ito at mabilis na hinawi ang mga baraha kaya nagulo iyon. Nagmamadali ito. Daig pa ang nahuli ng pulis. May ilan pang nalalaglag dahil sa pagmamadali niya.
“Hindi ko alam na mahilig po pala kayong magsolitaryo,” wika ko.
Alanganin ngumiti ito sa akin. Nakita ko pa ang pasimpleng pagsulyap nito para tingnan ang reaksyon ko.
“For entertainment lang. Huwag kanang magalit, break time naman. Bawal ba akong mag-relax?” depensa nito.
“Wala naman po akong sinasabi, Sir.” Binigyan ko siya ng isang ngiti pero hindi umabot sa mga mata ko. In short peke ang ngiting ipinakita ko sa kaniya at wala akong pakialam kahit mahalata pa niya.
“George. Stop smiling like that, you are scaring me.”
“You are my boss, how could you be scared of your secretary?”
“Secretary ka pala? Akala ko guidance counselor ka,” pagbibiro nito kaya biglang sumeryoso ang mukha ko. “Joke lang. Huwag mo nang pansinin sinabi ko. Gutom lang ito kaya, kung ano-ano na sinasabi ko,” biglang bawi nito ng makitang hindi na ako nakangiti.
Inilapag ko sa harapan niya ang paper bag na may lamang pagkain niya.
“Here is your lunch, sir.”
“Upo ka, share tayo,” yaya nito at itinuro ang bangko sa tapat niya.
“I already ate my lunch, sir.”
Biglang nalaglag ang balikat nito sa sinabi ko. Parang bigla itong nawalan ng gana.
“Ganoon ba? Hays.” Bumuntong-hininga pa ito. “Nakakatamad kumain ng walang kasabay pero sino ba naman ako para sabayan mo?” pagdadrama nito.
Lihim na napapikit ako bago muling ngumiti sa kaniya. Umikot ako at pumunta sa bangkong nasa tapat niya at naupo doon.
“Kumain na kayo,” saad ko nang makaupo ako.
Ngumiti ito ng malapad at biglang naging excited na buksan ang pagkaing inorder ko para sa kaniya. Malala na talaga ito.
Madalas may kaartehan talagang taglay itong boss ko. Daig pa ang bata na kailangan mong bantayan palagi.
Pinapanood ko itong maganang kumakain. Pwede naman kasi siyang kumain na mag-isa sa labas ayaw pa niya. Kahit dito gusto may kasama, ang arte-arte. Daig pa niya ang babaeng nagpapabebe sa jowa.
Napatingin ako sa barahang ginamit niya kanina. Kung ano-ano na lang ginagawa niya. Iyong iba ng boss, busy masyado sa mga trabaho nila to the point na nakakalimutan na kumain pero siya tamang solitaryo lang sa opisina niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon, pero magtataka pa ba ako sa mga kalokohan niya?
Minsan talaga hindi ko alam kung opisina ba itong pinasukan ko o mental dahil sa boss kong may saltik.
Muli akong tumingin sa kaniya na malaki ang ngiti sa bawat subo. Tila sarap na sarap ito sa kinakain.
“George, hindi ka ba talaga mahilig magsalita?”
“Wala naman po akong sasabihin,” sagot ko.
Hindi naman niya ako gaya na madaldal masyado.
Dapat nga wala ako ngayon rito sa kinauupuan ko kundi dapat nasa harap na ako ng table ko pero dahil madrama siya kailangan ko pa siyang samahan habang kumakain siya.
“Magkwento ka, wala ka bang love life?” tanong nito habang malaki ang ngiti.
Tsimoso talaga ang lalaking ito.
“I have no intention to broadcast my personal affair, sir,” mariing saad ko.
Napanguso ito sa sinabi ko bago muling sumubo ng tempura.
“So may boyfriend kana pala.”
“Wala po akong sinabing meron.”
Bigla itong ngumisi sa sinabi.
“Ah, wala pala pa.” Tumatango-tangong saad nito.
“Hindi po ako nagmamadali.”
Ngumiti ito sa akin. Lumabas ang mga dimples nito at ibinaba ang mga kamay sa ibabaw ng table kaya napatingin ako roon. May hawak pa rin siyang chopsticks na siyang ginagamit niya sa pagkain dahil Japanese food ang inorder ko sa kaniya.
Napatingin ako sa kamay niyang maugat masyado. Nagbabasa ba siya ng kamay kapag pagod? Sabi kasi nila inuugatan ang kamay kapag pagod ito tapos binasa. Mahahaba din ang mga daliri niya. Malaki ang kamay niya, ngayon ko lang napansin iyon.
Muli akong napatingin sa mukha niya at nakita kong nakataas ang isang kilay nito at habang nakangiti.
Napaayos ako ng upo.
Inalis ko ang bara sa lalamunan ko bago nagsalita, “Tapos na po ba kayo?”
“Hindi pa may gusto pa akong tikman.”
Napatingin ako sa mga pagkaing nasa harapan niya. Ubos naman na lahat, ano pang gusto niyang kainin?
“Ano po iyon?” Magpapabili na lang ako kung may ipapabili siya.
“Labi.”
“Huh?”
“Wala sabi ko makati yata labi ko,” wika nito at kinamot ang ibabang labi niya.
Napakunot na lang ang noo ko at naiiling na niligpit ang pinagkainan niya.
“Kaya ko namang linisin ang mga iyan,” saway pa nito.
“Okay lang po. Kaya ko naman na.”
“You are my secretary, not my slave,” saad nito at inagaw sa akin ang mga hawak ko at siya na mismo ang nagligpit. “Next time don't clean the table for me. It's not part of your job.”
Seryoso ang mukha nito nang tumingin sa akin.
“Yes, sir.”
“Good, you can leave now.”
Tumango ako sa kaniya bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Ang gulo niya.
Minsan seryoso, minsan hindi mo alam kung nagbibiro ba. Mabuti pa weather nahuhulaan kung kailan magbabago, samantalang siya daig pa ang bipolar.
Naiiling na bumalik na lang ako sa table ko.
Ngunit napatingin ako sa cellphone niyang nasa ibabaw ng table ko. Hindi na talaga niya ako kinulit para kunin iyon. Maraming numero lang na nagtetext doon pero hindi ko naman binubuksan habang sa may isang mensaheng biglang nag-appear.
'I miss you, babe.'
Numero lang iyon, isa ba ito sa mga babae niya? Wala naman akong alam na may girlfriend siya pero alam kong maraming babaeng naghahabol sa kaniya.
Hindi ko na lang pinansin ang mensahe. Makikita din naman niya iyon mamaya.
Bumalik na lang ako sa trabaho ko hanggang sa nakalimutan ko na ang nabasa kong mensahe.