Chapter 47: Ngiti

1612 Words

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Nakita ko agad si Shirly na ang agap pa ay may kastismisan na agad. Mabilis naman itong lumapit sa akin nang makita ako. May dala-dala pa itong kape sa isang kamay nito. "Kumusta kana? Sabi ni Chona, sinugod ka raw ni Sir Winston mismo sa ospital. Anong nangyari? Trending ka noong isang araw kasi kahit si Alvin nabanggit sa akin na muntik ka na raw bumagsak," wika nito habang nakatingin sa akin. "Wala, lagnat laki lang," simpleng sagot ko sa kaniya. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat ko para paharapin sa kaniya nang maayos. "Sa lahat ng nagkasakit bakit ganoon? Ang blooming mo," komento nito habang tinititigan ako. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Pinagsasabi mo?" Pasimple akong tinulak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD