George Muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang ipinuputok ng butsi ng boss ko. Baka badtrip lang. Hindi pa naman kabilugan ng buwan pero sinusumpong na siya. Hanggang sa magsimula ang board meeting ay wala sa mood ang boss ko. Nasa bandang likuran lang ako at nagmi-minutes sa meeting kasama ko ang ibang assistant. I am watching him, while he is talking in front of me. I can't help, but admire him when he is presenting the data needed para sa gagawing bagong branch ng mall. He talks like he knows everything. Na para bang hindi siya nagpapa-easy-easy lang kapag nasa opisina. He looks smart and dignified while talking in front of everyone. He is strikingly handsome when he talks with confidence. Lihim na kinurot ko ang hita ko dahil sa takbo ng isip ko. M